StarPower finalists reveal their greatest contenders

The 12 finalists are: (seated from left) Akiko Solon, Sam Hernandez, Krissel Valdez, Kaye Racho; (standing from left) Macy delos Reyes, K-La Rivera, Laurice Bermillo, Natasia Cunanan, Rose Ann Francisco, Angeline Quinto, Monca Sacay, and Ninay Lescano.


Mula sa dating Sharon, angmusical talk show ni Megastar Sharon Cuneta, ito ay naging StarPower, isang reality-singing contest.

Ginalugad ang Luzon, Visayas at Mindanao para makumpleto ang 20 finalists ng nasabing show.

Kasama ni Sharon as co-hosts sa bagong format sina Christian Bautista at Erik Santos.

Nagsisilbi namang judges sina Edgar "Bobot" Mortiz, Mitch Valdez, at Billie Crawford.

Mula sa 20 ay natira na lamang ang 12 finalists. Sila ay sina Krissel Valdez ng Davao, Rose Ann Francisco ng Batangas, Monica Sacay ng Ormoc, Leyte, Laurice Bermillo ng Bataan, Angeline Quinto at Sam Hernandez ng Manila, Kaye Racho, Macy delos Reyes at Akiko Solon ng Cebu, K-La Rivera ng Canada, Ninay Lescano ng Lipa, at si Natasia Cunanan ng Bulacan.

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng press conference ang mga finalists na ginanap noong Nobyembre 24, sa 14th floor ng ELJ Building, ABS-CBN Compound sa Quezon City.

Nag-perform ang grupo at kinanta ang "One Step at a Time" (Jordin Sparks) pati na din ang theme song ng Star Power.

Naging light at casual ang nasabing presscon.

Unang tinanong sa mga finalists ay kung sino sa tingin nila ang magiging malaking threat sa kanila.

Tatlong pangalan ang nangibabaw sa lahat: Sina Krissel, Angeline, at K-La.

Karamihan sa mga contestants ay humahanga sa versatility ng boses ng 20-year-old na Krissel. Ayon sa kanila, nagulat sila nang malaman na first time pala nitong sumali sa isang national singing contest. Mukha na daw kasi siyang professional sa pagkanta.

Hanga naman ang karamihan sa disiplina ni Angeline, 20, sa kanyang sarili.

Samantala, namukad-tangi naman ang laking Amerika na si K-La, 19, nang pinili siya ng mga kapwa niyang contestants dahil sa kanyang ganda at galing sa pagkanta.

Masaya man sa pagpili sa kanila ng mga kapwa nila contestants, nanatili namang humble ang tatlo.

"Siyempre po, sobrang thankful kay God kasi wala naman po 'tong lahat kung hindi dahil sa Kanya. Tsaka po sobrang masayang-masaya po ako kasi hindi ko naman po inasahan talaga na ako yung magiging threat sa kanila," sabi ni Angeline.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Interesting trivia: Nakalaban na dati ni Angeline sa amateur contests ang dalawa sa mga pinakamagagaling na singers ngayon na sina Charice Pempengco at Sarah Geronimo.

Dagdag pa nila, mas may pressure ngayon na nakaatang sa kanila.

"Very thankful kasi na-appreciate po nila yung talent ko. Para medyo pressured din po. Baka may isang episode na magkamali ako. Baka mamaya, isipin nila, 'Hay naku! Magaling siya nung una pero hindi pala,' " ang sabi naman ni Krissel.

Ngunit, hindi naman daw dapat magkaroon ng threat sa isa't isa dahil pare-parehas nilang pinapalaganap ang kanilang mga talento.

"Sana they don't see me as a threat. I'm just another person. Human lang po ako. Lahat kami, ang gusto ay singing. We love singing. It's our passion. It's a gift that God gave us," sambit ni K-La.

Malalagasan na naman ng isa ang 12 finalists ngayong Linggo hanggang sa February 6 na kung saan itatanghal na ang first-ever StarPower winner.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN