Richard Gutierrez happy for ex-girlfriend Jewel Mische's move to another network

Richard Gutierrez is not discounting the possibility that he and ex-girlfriend Jewel Mische could get back together. "Like I said, I'm not closing my doors on anything dahil kami ni Jewel, napakaganda rin ng pinagsamahan namin," he said.


Nakausap ng Startalk TX via taped interview na ipinalabas kahapon, Sabado, November 27 si Richard Gutierrez sa pictorial niya for S magazine sa Marriott Hotel.

Ang isa sa mga itinanong kay Richard ay ang tungkol sa napabalitang pag-alis ng dating kasintahan na si Jewel Mische sa GMA-7 at paglipat sa ibang network.

Nai-report sa PEP Alerts na pinyagan na ng GMA-7 si Jewel na lumipat ng ibang network at pumirma ng kontrata sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN. Kaya malamang na sa Kapamilya network na siya mapanood.

At ayon ay Richard...

"You know, I'm very happy for her. Kung saan siya masaya, masaya din ako for her.

"As long as she is happy, I'm happy for her."

Tinanong rin ang guwapong Kapuso actor kung may communication pa ba sila ni Jewel?

"Oo naman! Hindi pa rin nawawala yung constant communication namin."

Ito ba ay nangangahulugan na puwede pa silang magkabalikan?

"Like I said, I'm not closing my doors on anything dahil kami ni Jewel, napakaganda rin ng pinagsamahan namin," pahayag ni Richard.

Naitanong rin ang tungkol sa gagawing pelikula ni Richard para sa Valentine's Day sa taong 2011.

"Magsisimula na, malapit na, for Valentine's. "Hindi tuloy yung original plan but you know this movie has been planned out long before, and it's a trilogy for Valentine's and it's gonna be exciting."

Sa tanong kung sino ang leading lady o makakapareha niya sa nabanggit na pelikula...

"Surprise na lang siguro muna for now," pagtatapos pang pahayag ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN