William Martinez's family asks for privacy from media

Yayo Aguila (left), former wife of William Martinez, said her husband who suffered a stroke, is in a stable condition at the St. Luke's Medical Center in Quezon City.


Hanggang kahapon, November 27, Sabado, base na rin sa ulat ng StarTalk TX ng GMA-7, ay nagdesisyon ang pamilya ni William Martinez na huwag munang ipa-cover sa media ang pangyayari ng pagkaka-confine sa ospital ng aktor sa St. Luke's Medical Center dahil sa stroke.

Gayunman, tiniyak ng dating asawa ni William na si Yayo Aguila na stable ang kundisyon ng aktor.

Nooong Miyerkules, November 24, sa Twitter account ng panganay nilang anak na si Patrizha Martinez, sinabi nito na...

"Had to be at the hospital at 5 am for papa's CT scan. And I arrived at 5:15. My dad said 'You're late!' which were the clearest words I've heard from him since Monday.

"I'm so dead but at least it's a positive sign that he's aware of his surroundings."

Nagpasalamat din si Patrizha sa paggalang ng media sa desisyon nilang manahimik hinggil sa kalagayan ng ama.

Sa pamamagitan rin ng Twitter account, nag-iwan ito ng pakiusap ...

"To those people who are still trying to ruin my Papa, please stop. Negative energies never win. My dad is a good person with a huge heart and will never do anything to hurt anybody.

"We trust that God has a perfectly good reason why this happened and we hope that you leave it at that."

Noong nakaraang Hulyo, inamin ni Yayo na hiwalay na sila ni William, her husband of 25 years. Gayunman, sinabi ng aktres na hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa isang possible reconciliation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN