Geoff Eigenmann to Carla Abellana's dad: "Tito Rey, if there's any problem, I'm here to talk."

"Si Tito Rey naman, he's an artista ever since, so he knows ang nangyayari behind the camera. Alam niya ang mga nangyayari sa mga artista. So, as much as possible, poprotektahan mo ang anak mo," says Geoff Eigenmann about Rey "PJ" Abellana's reaction to his relationship with Carla Abellana.


Isa ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa unang naglabas ng panayam ni Rey "PJ" Abellana hinggil sa tila pagtutol niya sa nababalita pa lang noong relasyon ng anak na si Carla Abellana kay Geoff Eigenmann.

Paliwanag ng aktor, bilang isang artista rin, nais niya lang daw protektahan ang kanyang anak, kaya hangga't maaari ay huwag muna itong makikipagrelasyon. (CLICK HERE to read related story.)

Sa hiwalay na panayam naman sa kanya ng Showbiz Central, lumitaw ang disappointment ni PJ dahil sa iba pa raw niya nalaman na boyfriend na pala ni Carla si Geoff.

Two months pa lang ang relasyon nina Carla at Geoff.

Nagbigay na ng reaksiyon ang ina ni Carla na si Rea Reyes sa PEP tungkol sa mga pahayag ni PJ kaugnay ng relasyon ng kanilang anak at ni Geoff. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Rea, nagtataka siya kung bakit biglang naging interesado sa lovelife ng kanilang anak si PJ. Samantalang noong nakipagrelasyon si Carla sa basketball player na si JC Intal nang limang taon ay hindi naman daw nagtanong noon si PJ tungkol dito.

At kung si PJ ay tila tutol na maging boyfriend ni Carla si Geoff, kabaligtaran naman ito sa mommy ng Kapuso actress.

"He's a perfect gentleman. He's very nice. He comes from a good family," sabi ni Rea tungkol sa boyfriend ng kanyang anak.

GEOFF'S SIDE. Sa taped interview ng Showbiz Central kay Geoff kahapon, November 28, sinagot ni Geoff ang balitang may "tampuhan" sila ni Carla ngayon dahil sa pagtutol ng ama ni Carla sa kanilang relasyon.

"Yes, may tampuhan," pag-amin niya.

"There were problems. But it's part of the relationship.

"I'm not really worried, it's spice.

"It means there's really something there, and if you want it to work, it works."

Sinagot din ni Geoff ang isyung hindi pabor sa kanya ang ama ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Last night ko lang actually napanood online yung interview.

"Yung mga napag-usapan about that, I haven't had the chance to talk to anyone about that.

"But no, I have no right. I don't think I can give my own opinion.

"Kung anuman ang nasabi or what, between them na lang.

"Si Tito Rey naman," patuloy niya, "he's an artista ever since, so he knows ang nangyayari behind the camera.

"Alam niya ang mga nangyayari sa mga artista. So, as much as possible, poprotektahan mo ang anak mo."

Hindi naman daw nagwo-worry ang ina ni Geoff na si Gina Alajar dahil sa isyung ito.

"She's not affected. She knows the showbiz also. So, why would it affect her, di ba?" sabi ng young actor.

Ano naman ang mensahe ni Geoff sa ama ni Carla?

"Tito Rey, if there's any problem, I'm here to talk. Puwedeng mapag-usapan ang lahat ng bagay. Wala naman kaming itinatago," saad ng batang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN