Aiko Melendez is single again; marriage with Martin Jickain now annulled

"Parang napaso na ako. And this time, ayoko naman na sisihin ako ng dalawang anak ko na, 'Mom, yung first time na annulment mo, okay pa, e. Yung second time, Mom, you better think about it.' Kapag third time, wala na akong ihaharap sa mga anak ko!" says Aiko Melendez about her fear of getting married again.


"Single" na ulit ang actress-politician na si Aiko Melendez.

Ito ay matapos i-grant ng korte ang annulment case na isinampa ni Aiko laban sa dati niyang asawa na si Martin Jickain. Inabot ng tatlong taon ang pagdinig sa naturang kaso.

Ikinasal sina Aiko at Martin noong February 16, 2006. Pero pagkalipas lang ng isang taon at pitong buwan ay naghiwalay rin sila.

Mayroon silang isang anak na babae—si Marthena, na ngayon ay four years old na.

Noong Linggo, November 28, ay nagpaunlak ng interview si Aiko sa kanyang manager na si Boy Abunda sa The Buzz.

Dito ay pinag-usapan ang pagbaba ng desisyon sa annulment nina Aiko at Martin.

"Yes, legally, in the true sense of the word!" natatawang simula ni Aiko tungkol sa kanyang pagiging single muli.

Kasabay ng pagga-grant sa annulment nila ni Martin ay ang pagbibigay kay Aiko ng sole custody sa kanilang anak na si Marthena.

"Yes, it's a decision... Kung makikita n'yo po ang decision ng court, yung custody ay sa akin," sagot ng dating konsehala ng Quezon City.

Pero ayon kay Aiko, may visitation rights naman si Martin sa kanilang anak.

NOT YET FRIENDS. Ngayong tapos na ang annulment case nila, masasabi ba ni Aiko na magkaibigan na sila ng dating asawa?

"Honestly, hindi kami nabigyan ng pagkakataon na maging magkaibigan," sabi niya.

"Pero civil kami in the sense na kapag may kailangan siya kay Marthena, hindi pa niya madiretso sa akin.

"Kasi nga, traumatic ang nangyari sa amin ni Martin. May demandahan pong nangyari.

"Aside sa annulment, may restraining order, so hindi pa namin kayang maging magkaibigan."

Pero hoping ba siya na maging magkaibigan din sila?

"Yes, yes," mabilis niyang sagot.

MARTHENA'S QUESTIONS. Tuwing naghihiwalay ang mag-asawa ay inaasahan nang maaapektuhan ang kanilang anak.

Sa kaso ni Marthena, may nakikita na bang epekto si Aiko at nagtatanong na ba ito sa murang gulang niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like kanina, she was asking, 'Where are you going?'

"Sabi ko, 'May interview ako with Tito Ninong [Boy].'

"'A, for The Buzz? Ano isyu?'

"So, I don't know how to tell her everything because she's still young.

"I just told her na, 'No, eventually Marthena, maiintindihan mo.'"

May mga tanong na rin ba ang anak kung bakit hindi sa bahay nila nakatira ang daddy niya, and other innocent questions about a regular family set-up?

"I'm lucky enough na there was no time that she asked me that," sagot ni Aiko.

"Napakabait po sa akin ng Diyos na she's okay agad. Adjusted agad.

"Kaya nga nagtataka rin ako. Baka siguro napi-feel din ni Marthena na, 'A, siguro hindi pa kaya ng mom ko na sagutin' ang tanong niya."

AIKO'S BOYFRIEND. Bukas naman sa lahat na matagal na habang dinidinig pa ang annulment case nila ni Martin ay may boyfriend na si Aiko—ang mayor ngayon ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses.

Ano ang naging reaction ni Patrick nang malamang annulled na ang kasal nila ni Martin?

"Actually, mas nauna si Patrick malaman," banggit ni Aiko.

"Kasi, nandoon ako sa window no'n. 'Hon, I missed Aiko Melendez na. You're Aiko Melendez na.'

"'No! I'm annulled already?'

"Sabi niya, 'God is good. Yes, indeed.'"

Nang sinabi ba ni Patrick na "God is good," does he mean he has now the chance to propose marriage?

"Hindi pa, hindi pa," nakangiting sagot ni Aiko.

Hindi pa nagpo-propose sa kanya si Patrick?

"We do in passing, but nothing really formal," sabi ng aktres.

"Ayoko kasing isipin ng tao na just because annulled na ako, papakasal na ako. Ginagawa kong hobby. Hindi yata maganda.

"At gusto ko lang sabihin din on national TV na at least ako, kapag pumapasok sa isang relasyon, seryoso. Kaya nga ako nagpapakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, parang iniisip ng ibang tao na, 'A, si Aiko, gusto lang magpakasal for the heck of it.' Hindi."

May takot ba sa isip niya na magpakasal ulit?

"Meron po," pag-amin ni Aiko.

"Parang napaso na ako.

"And this time, ayoko naman na sisihin ako ng dalawang anak ko na, 'Mom, yung first time na annulment mo, okay pa, e. Yung second time, Mom, you better think about it.'

"Kapag third time, wala na akong ihaharap sa mga anak ko!"

Unang nagpakasal si Aiko sa aktor na si Jomari Yllana, kung saan mayroon siyang anak na lalake—si Andrei.

Sinagot din ni Aiko ang balitang buntis daw siya.

"Gusto ko pong sabihin na after election po, hindi ko naramdaman na may beywang po ako. So, hindi po ako buntis.

"So, I'd like to clarify that.

"Hindi ko tinayming itong annulment na ito. Tatlong taon kong hinintay ang desisyon na ito.

"Hindi naman po siguro nararapat na tatlong taon kong dinadala ito at tinayming ko. Nakakatawa naman po yun.

"Hindi po ako buntis," diin niya.

CALL TO JOMARI. May panawagan naman si Aiko sa ama ng panganay na anak niya, si Jomari Yllana.

"Jom, magpakita ka naman sa anak mo.

"Ikaw naman...Dyusko, ilang taon na!

"Kapag nagpa-promise siya kay Andrei, tuparin niya.

"Kapag hindi niya natutupad, explain niya kay Andrei, why, what happened? Kasi ako ang nagiging mukhang sinungaling sa anak ko.

"And I don't want him to think or to happen na nagmumukha akong kontrabida. E, totoo lang, sinasalo ko lang din si Jom."

Masama ba ang loob ni Andrei sa kanyang ama?

"Opo, e," sabi ni Aiko.

"Ang gusto ko lang naman, yung tingin ni Andrei kay Jomari, still the same.

"Sana ngayong magpa-Pasko, magkaroon naman ng oras si Jom para kay Andrei."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN