Piolo Pascual collaborates with ace photog Raymund Isaac for special coffee-table book

Piolo Pascual and Raymund Isaac have been working together for 12 years now. "Almost all, if not all of my endorsements, si Raymund po ang nagpo-photograph," said Piolo. They recently collaborated again and came up with the coffee-table book Piolo Revealed, a collection of never-before-seen photo outtakes from the Piolo's advertising shoots and Piolo's Palawan pictorial. The limited edition is available only at Fully Booked.


Ni-launch kagabi, Nobyembre 30, sa Fully Booked, Bonifacio High Street, The Fort, Taguig City, ang coffee-table book ni Piolo Pascual na may titulong Piolo Revealed.

Mga kuha ng tinaguriang "Philippines' premiere fashion photographer" na si Raymund Isaac ang laman ng 200-page, limited edition coffee-table book na nagkakahalaga ng P2,500 at mabibili exclusively sa 13 branches ng Fully Booked stores.

Nakilala noon si Raymund bilang "Bad Boy of Philippine Photography" dahil sa kanyang nakakaintriga at matatapang na nude photographs. Matapos ang dalawampu't limang taon sa fashion, advertising at celebrity portrait photography, isa na nga sa mga nirerespeto at tinitingalang pangalan hindi lang sa fashion at advertising industry, kundi maging sa showbiz ang pangalang Raymund Isaac.

Kabilang sa mga sikat na artistang na-pictorial na ni Raymund ang mag-asawang Charlene Gonzalez at Aga Muhlach, Lucy Torres at Richard Gomez, Judy Ann Santos, Gretchen Barretto, Lorna Tolentino, Christopher de Leon at marami pang malalaking pangalan sa showbiz ngayon.

Dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan, katrabaho, at sponsors nina Piolo at Raymund ang book launching. Kabilang sa mga dumating na showbiz friends ng aktor at ng photographer sina Gretchen Barretto, Director Joyce Bernal, Director Johnny Manahan, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, Ogie Diaz, Ervic Vijandre, Dra. Vicki Belo, Crystal Henares, at siyempre pa, ang nakikilala na rin ngayong "ambisyosang yaya" ni Piolo na si Moi Bien.

WAY OF THANKING. Koleksyon ng mga never-been released photos at maiikling panayam kay Piolo ang nilalaman ng libro. Outtakes mula sa mga advertising photo shoots at pictorial ni Piolo sa El Nido, Palawan ang mga litratong makikita roon.

"The reason why I did this is actually our way of saying thank you, sa amin ni Piolo. This is our way of saying thank you and Merry Christmas. Thank you for all the support you've given to Piolo and I," nasabi ni Raymund nang humarap na sila ng kaibigan niyang si Piolo sa mga bisita at press na naroroon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpasalamat nga sina Piolo at Raymund sa mga brands at kumpanyang kumuha sa kanila, bilang endorser at photographer.

"Almost all, if not all of my endorsements, si Raymund po ang nagpo-photograph," sabi nga ni Piolo tungkol sa madalas nilang pagtatrabaho ni Raymund.

"I've been working with Raymund for more than 10 years. Twelve years, to be exact. My very first pictorial when I got back, my launching movie, actually, was Lagarista [2000]. And he was the one who did the pictorial for the poster. Since then, si Raymund na po ang gumagawa..."

"Since then, pinagbawalan mo na ako na ilabas ang Lagarista pictures mo!" sabat naman agad ni Raymund sa kalagitnaan ng pagkukuwento ni Piolo sa harap ng mga bisita tungkol sa working relationship nila. Natawa na lang si Piolo sa pagbibiro ng kaibigang photog.

"Hayaan nyo, part two po ng libro natin, lahat ng bawal na pictures ni Piolo, ilalabas ko na." Ngingiti-ngiti na lang si Piolo habang patuloy sa pagbibiro si Raymund, na ikinatawa naman ng ilang bisita.

Isa pang pinagmamalaki nina Raymund at Piolo ay ang pagkakaroon ng "3-D" pictures ng coffee-table book.

"You have to use the 3-D glasses to appreciate further some of the photos in this book," ani Piolo tungkol sa mga litratong kailangang gamitan ng espesyal na salamin sa mata.

Inihalimbawa nga ni Raymund ang isang litrato mula sa libro na may 3-D effect. Ang shot na naliligo si Piolo. "Dapat ma-try niyo with the 3-D [glasses]. Para makita niyo yung... Parang ganito, parang kasama niyo siya na naliligo."

"This was shot in Raymund's bathroom," si Piolo naman ang sumabat.

"Oy, hindi...," tonong nahihiya naman ni Raymund sa rebelasyon ni Piolo, na ikinatawa muli ng mga bisita.

IMPRESSED BY PIOLO'S PHOTOGRAPY. Nang masolo ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Raymund, tinanong namin kung ano naman ang rate niya sa pagiging photographer din ni Piolo. Kailan lang kasi ay ni-launch naman ang SunPIOLOgy Planners ni Piolo na ang mga litratong laman ay mga kuha ng aktor ng landscapes mula sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at sa abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam niyo, I'll tell you the truth, lahat tayo may mata. It's just the right timing and guidance para makuha mo yung totoong eye mo as a photographer. Si Piolo Pascual...utang na loob! Lalaban pa ba tayo kay Piolo, e, all-around artist siya? So, ang kanyang lamang na lang sa atin is, nagawa na niya ang emotions at acting, so, translation na lang niya sa litrato.

"The truth, I'm actually impressed, kasi yung first exhibit niya, kami yung naghanda, e. So, ang ganda-ganda," positibong review pa ni Raymund tungkol sa pagiging photographer ni Piolo.

Nagbibigay pa rin ba siya ng pointers kay Piolo pagdating sa photography?

"Of course! Even I want pointers for myself. Kahit anong sabihin mo, lahat ng tao, kailangan ng pointers talaga," mapagkumbabang sagot ng ace photographer.

Buong-pagmamalaki namang sinabi ni Raymund na kanyang idea na magkaroon ng 3-D effect pictures sa Piolo Revealed.

"Akin!" pag-ako nga ni Raymund. "Kasi batang isip ako, so, gusto ko may 3-D. Nami-miss ko na yung 3-D!"

First time gawin ng magaling ng photographer ang mag-pictorial ng isang artista para sa isang coffee table book. Tinanong ng PEP kung may balak ba siyang mag-pictorial uli ng isa pang artista at sino naman kaya ang susunod na artistang iyon?

"Ay, secret! Kasi confidential po ito. Hindi ko po sasabihin. Itago na lang po natin siya sa pangalan na 'Ai-Ai.'" pagbibiro at pambubuko na rin ni Raymund bago tuluyang magpaalam para asikasuhin ang iba pa niyang mga bisitang kaibigan.

CLICK HERE for video of Piolo's interview


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN