Director Andoy Ranay works for the first time with Regine Velasquez and Dingdong Dantes in I Heart You Pare

"Kasi, romantic comedy, tapos nakakatawa sila pareho. Si Dingdong, this time, hindi naman siya serious actor. Serious comedy naman ito. First time ko rin to work with Regine. Masaya!" says director Andoy Ranay about working with Regine Velasquez and Dingdong Dantes.


"Nag-start na kami mag-shoot," bungad ni Direk Andoy Ranay sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa lobby ng Wilfrido Ma. Guerrero Theater last Friday, November 26.

Ang tinutukoy ni Direk Andoy ay ang upcoming primetime series ng GMA-7 na I Heart You Pare, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez at Dingdong Dantes.

May ten-minute intermission ang dulang Isang Panaginip na Fili, na pinanonood ni Direk Andoy kasama ang stage actress na si Frances Makil Ignacio, kaya kinausap namin sandali ang kontrobersiyal na ring direktor.

Ayon kay Direk Andoy, two weeks na silang nagte-taping ng romance-comedy teleserye nina Regine at Dingdong.

"Kasi, may break si Regine na one month 'cause she's getting married," banggit ng direktor.

Ikakasal ngayong buwan ang Asia's Songbird sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

Sa December 10 daw ang simula ng taping break ni Regine.

"It's doing great!" bulalas pa ni Direk Andoy nang kumustahin ng PEP ang trabaho nila.

Nagdye-gel din daw sina Dingdong at Regine, as in may good chemistry sila bilang tandem.

"Oo, sobra!" bulalas niya. "Kasi, romantic comedy, tapos nakakatawa sila pareho.

"Si Dingdong, this time, hindi naman siya serious actor. Serious comedy naman ito.

"First time ko rin to work with Regine. Masaya!"

ENDEARING. All praises si Andoy sa kanyang idinidirek na pareha sa I Heart You Pare, na isa sa pang-opening salvo ng GMA-7 next year, 2011.

About Regine V, he said, "She's very endearing and very professional. Super!

"She comes to the set prepared, tapos whatever I ask her to do, she would do it no matter what."

Regine has also learned to act well, as in, isa na ring aktres, sa paningin ng kanyang bagong direktor sa teleserye.

"Totoo," pagkumpirma ni Andoy.

INTELLIGENT ACTOR. Ganun din daw si Dingdong. Lalo't isa na ring premyadong aktor si Dingdong, who won as Best Drama Actor sa nakaraang Star Awards for TV ng PMPC para sa teleseryeng Stairway to Heaven ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nominated din ang Kapuso actor sa Asian Television Awards as Best Drama Actor para pa rin sa pagganap niya sa Stairway to Heaven. Bukas, December 3, gaganapin ang awards night nito sa Singapore.

"Exactly! That's right. Mabuti naman," wika ni Direk Andoy.

"And he's very happy [with his award]. Tapos, ang ginawa naman niya, as a breaker, ito namang comedy.

Bago pa man niya idinirek si Dingdong sa I Heart You Pare, Direk Andoy believes he already has the makings of a serious actor.

"Oo naman. Very intelligent actor si Dingdong," sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN