Kuya Germs shrugs off criticisms on Walk of Fame which is now on its fifth year; defends inclusion of Jacky Woo

(Top) Former vice president and TV Patrol anchor Noli de Catsro is flanked by 24 Oras anchors Mel Tiangco and Mike Enriquez; (below) former That's Entertainment stars Manilyn Reynes (left) and Sheryl Cruz (right) also get their stars this year.


Naging matagumpay ang 5th Walk of Fame ni German "Kuya Germs" Moreno na ginanap sa Central Plaza ng Eastwood City Walk sa Pasig City noong Miyerkules, December 1.

Naging tradisyon na ni Kuya Germs na magbigay ng stars para sa local celebrities tuwing December 1.

This year, hindi lang mga artista ang kanyang napiling bigyan ng kani-kanilang stars sa kahabaan ng Eastwood kundi pati news and broadcast personalities, athletes, at isang foreign actor.

THE STARS. Dumating halos lahat ng kabilang sa Walk of Fame sa taong ito.

Mainit pa rin ang pagtanggap kina Sheryl Cruz at Manilyn Reynes ng fans na nasa Eastwood City Park.

Ang tawag nga kay Sheryl ng mga tao ay "Fabiola," ang kanyang wicked character sa GMA-7 telefantasya na Grazilda. Samantalang "Elsa" naman ang tawag kay Manilyn dahil sa character niya sa comedy series na Pepito Manaloto.

Natawa naman si Manilyn nang may tumawag pa sa kanya na "Corazon," ang character niya sa local adaptation ng Mexican telenovela na Marimar.

Masaya naman ang world-champion bowler na si Paeng Nepomuceno dahil siya lang ang athlete na binigyan ng star sa Walk of Fame sa taong ito.

First time daw niyang mabigyan ng gano'ng klaseng parangal at iti-treasure daw niya ang moment na iyon.

Nagtilian naman ang fans para kina Coco Martin at Jericho Rosales.

Gabi na nang dumating sina Kim Chiu at Gerald Anderson, pero hinintay pa rin sila ng kanilang fans. Galing pa kasi ang dalawa sa kani-kanilang mga trabaho.

Nangako kasi ang Kapamilya love team kay Kuya Germs na darating sila to personally see their stars on the Walk of Fame.

THE NEWS ANCHORS. Ang ganda namang makitang magkakasama ang news anchors na sina Noli de Castro, Mike Enriquez, Korina Sanchez, at Mel Tiangco na binigyan ng stars sa Walk of Fame.

Nagkaroon pa nga ng pagkakataon na magkuwentuhan at magtawanan sina Mike, Noli, at Mel sa harap ng mga TV camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit na magkalaban ang mga news programs nila na TV Patrol (Noli) at 24 Oras (Mike at Mel), ipinakita nila na trabaho lang ang lahat at magkakaibigan pa rin sila. Lalo na kina Noli at Mel na original partners sa TV Patrol.

Hindi lang nakasama sa kanilang kuwentuhan si Korina dahil mabilis itong umalis after the unveiling ceremonies dahil may lakad pa raw siya.

OTHER STARS. Sabay-sabay ring pinarangalan this year ang mga kinikilalang Jukebox Queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente, at Eva Eugenio. May kanya-kanyang drama ang tatlong ito nang dumating sila sa unveiling ng kanilang stars.

Ang mga sumakabilang-buhay nang sina Norma Blancaflor, Johnny Delgado, at Julie Vega ay kinatawan ng kanilang mga kamag-anak.

Ang iba pang binigyan ng stars this year ay ang veteran actresses na sina Perla Bautista, Bella Flores, Divina Valencia, at Sylvia La Torre; TV host and actress Janice de Belen; action star and OMB Chairman Ronnie Ricketts; actress and Congresswoman Lani Mercado-Revilla.

Nandiyan din ang aktor na si Diether Ocampo; TV host and talent manager Boy Abunda; TV host and broadcast journalist Che-Che Lazaro; and singer/songwriter Freddie Aguilar.

Hindi naman nakadalo ang Pinay international star na si Charice dahil nasa U.S. siya ngayon. Ang kanyang manager na si Grace Mendoza ang nag-represent sa kanya.

Hindi rin nakadalo sina Tito, Vic & Joey dahil may kanya-kanya silang mga trabaho noong araw na iyon. Pero dumating naman ang kanilang mga anak para i-represent sila: Gian Sotto for Tito, Oyo Sotto for Vic, and Jocas de Leon for Joey.

CRITICISMS. Aminado si Kuya Germs na bagamat marami siyang natatanggap na mga papuri dahil sa pagbibigay niya ng importansiya sa showbiz personalities, meron ding bumabatikos dahil karamihan daw sa mga binibigyan niya ng star sa Walk of Fame ay wala pang napapatunayan kaya hindi pa raw dapat sila isali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Kuya Germs,"Every year naman, ganyan ang mga naririnig at nababasa ko.

"You cannot please everybody. May gawin kang mabuti sa kapwa mo, may nasasabi pa rin sila.

"Ako naman, wala akong pinipiling bigyan.

"Basta sa akin, kapag naghahatid ka ng saya sa maraming kababayan natin at mahal mo ang iyong ginagawa, you deserve a star on the Walk of Fame.

"Hindi tayo nagdi-discriminate dito. Pantay-pantay ang lahat para sa akin.

"Hindi ako magdedesisyon na maglagay ng pangalan sa Walk of Fame kung wala akong hiningan ng mga advice.

"I consulted other people at kung sino ang makita ninyo ngayon, approved lahat 'yan," saad ng tinaguriang Master Showman.

JACKY WOO. This year, ang isa mga kinukuwestiyon kung bakit nabigyan ng star sa Walk of Fame ay ang Japanese actor, singer, at businessman na si Jacky Woo.

May mga bumatikos na bakit daw bibigyan ni Kuya Germs ng star si Jacky samantalang hindi naman ito Pinoy at ano raw ba ang naging kontribusyon nito sa local entertainment.

Paliwanag ni Kuya Germs, "Tulad nga ng sinabi ko, hindi tayo nagdi-discriminate dito. Welcome para sa akin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ating mga Pinoy.

"Para sa akin, ang tulad ni Jacky Woo na nagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-produce ng pelikula at mga shows ay dapat pinapasalamatan at binibigyan ng importansiya.

"Sa pagkakaalam ko, he loves our country at gustung-gusto niyang katrabaho ang mga Pinoy dahil pinagkakatiwalaan niya tayo.

"Kaya para sa akin, he deserves to be on Walk of Fame."

FIVE YEARS. Hindi inaasahan ni Kuya Germs na aabot sa five years ang pagbigay niya ng star sa Walk of Fame. Inaabangan na rin kasi ito taun-taon at nagiging marka na ito para sa mga dayuhan na bumibisita sa ating bansa.

Ayon sa veteran TV host, "Yaman din lang at nasa ika-limang taon na tayo, nagpapasalamat ako sa Diyos at nandito pa rin ang Walk of Fame at nagiging tourist attraction na siya sa Eastwood City Walk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito naman ang goal ko na makilala ng mga dayuhan ang mga artistang ipinagmamalaki natin.

"Tulad nga sa Hollywood, binibigyan nila ng importansiya ang mga artista nila-mapa-bata o mapa-matanda.

"Lahat sila ay nirerespeto at 'yan ang gusto kong mangyari sa ating mga artista."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN