Nikki Valdez breaks down as she reveals real status of her marriage

"Hindi kami nagkakasundo on a lot of things," Nikki Valdez revealed about her marriage. She points out that she wasn't physically abused.

"Kung anuman yung nangyari along the way na hindi maganda, hindi naman yun sapat para sabihin mo sa sarili mo na 'bakit ko ginawa yun?' You learn from it, you stand up from it again. And dasal lang, I guess," Nikki said when asked if she has any regrets about her decision.


Matagal nang usap-usapan na hiwalay na diumano ang actress-singer na si Nikki Valdez sa kanyang asawa na si Christopher Lina. Ayon pa sa bali-balita, ito raw ang dahilan kung bakit bumalik ng Pilipinas ang ABS-CBN talent at binalikan ang kanyang showbiz career.

Pero nanatiling tahimik si Nikki, hanggang sa ipagtapat niya ang katotohanan sa estado ng kanyang marriage sa presscon ng Ang Tanging Ina Mo (Last Na 'To) kahapon, December 3, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Nagsimula ito nang tanungin siya kung pinauwi siya ng Star Cinema para sa pelikula kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Tudis, ang ikalawang anak ni Ina (Ai-Ai delas Alas).

Aniya, "Ngayon ko lang naman masasabi ito sa lahat ng tao.

"My husband and I, we've had our differences...

"Kasi, magpaka-totoo na lang tayo. Kasi, ang dami namang nagtatanong.

"Gusto ko na lang po maging honest. Hindi ko naman na siya itinatago.

"Ang hirap naman kasi sa sitwasyon ko na may anak na kami. I have a two-year and four-month baby and..."

Hindi na natuloy ang gustong sabihin ni Nikki dahil tuluyan na siyang napaluha.

And trying to make light of the situation, dahil nagsisimula pa lang ang prescon para sa movie, hindi napigilan ni Ai-Ai na humirit ng konting patawa sa sitwasyon ni Nikki.

Aniya, "Sige, anak, umiyak ka pa para lalong kumita ang pelikula natin. Sige na anak, itodo mo na ang buong buhay mo, ilabas mo na!"

Pati si Eugene Domingo, na gumaganap bilang best friend ni Ai-Ai sa pelikula, ay nakiramay sa biruan at dinagdagan pa ang kanyang hirit.

Sabi niya, "Doon pa lang sa 'My husband and I...' naka-marka na.

"Nag-abala ka pang mag-contacts, iiyak ka din pala! Brown pa man din 'yan!"

Pati si Nikki ay natawa na lang sa hirit ng dalawang comedienne.

Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy ni Nikki ang kanyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang pong sabihin na hindi pa kami legally separated.

"Hindi ko na ipagdadamot yung tungkol dito. Hindi ko lang alam yung sasabihin.

"Pero along the way, we've been trying to fix things.

"Pero ayan, sinabi ko na po sa inyong lahat."

STILL IN THE PROCESS. After the presscon proper, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng paglilinaw si Nikki tungkol sa marital situation niya.

Kuwento ni Nikki, limang taon din ang pinagsamahan nila ni Christopher bilang boyfriend-girlfriend bago nauwi sa kasal ang kanilang pagsasama.

Dalawang beses silang ikinasal.

Unang ikinasal sina Nikki at Christopher Lina sa Huwes noong February 14, 2007. Nagkaroon sila ng church wedding noong July 7, 2007 dito sa Pilipinas.

Umalis silang mag-asawa that same month para manirahan sa Toronto, Canada, kung saan naka-base si Christopher.

"Okay na okay kami dati," sabi ni Nikki.

"I guess when we're far from each other and suddenly you're together...

"We made the effort dati to see each other.

"Every two months, pupunta siya dito. Tapos, ako naman, pupunta doon [Canada] after two months to bond lang.

"I guess, finally, noong nagsama kami, doon namin nakita na ang dami pang kailangan i-work out.

"Okay kami talaga," ulit niya.

"I mean, yung struggles namin in the beginning were simple ones.

"Siyempre, iba buhay ko dito. Pagdating doon, iba naman.

"Pero here naman, I learned to become independent already. Alam ko yung haharapin kong buhay doon.

"Pangalawa, yung pagsasama namin, hindi namin maano yung chores namin sa bahay.

"He was so used to being independent and doing everything.

"Ako naman, noon lang din naibibigay nang todo-todo yung pagsisilbi ko. Yung paglalaba, yung pagluluto, may mga ganun kaming issues.

"But those are really small.

"But it came to a point when I became pregnant..."

They have a two-year old daughter whom Chris saw last March of this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I make it a point to introduce him to her.

"Kasi, iba yung nakikita at naririnig niya ang father niya. I have to give that to him.

"Hindi naman naging masama yung relationship in the beginning.

"When she sees his father's pictures, alam niya.

"My daughter is a very sweet girl.

"Gusto namin na lumaki siya nang tama kahit wala ang Papa niya physically.

KEEPING IT TO HERSELF. Matagal na raw kinimkim ni Nikki ang tungkol sa problema niya. Pero alam daw ito ng ABS-CBN at ng kanyang pamilya.

Aniya, "I don't want to go into details dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko.

"Ngayon lang din ako naglabas ng sinasaloob ko.

"Kasi ang hirap pag-usapan dahil may nagba-bind sa aming dalawa.

"Plus, we really haven't sat down and talked about it na kung ano ba talaga ang gagawin.

"Sabi nga nila, 'mahirap maghiwalay kaysa magpakasal.'

"It takes a lot of preparation. Given na yung you're going to spend.

"Pangalawa, yung emotions mo, it has to be ready—ito ba talaga ang gusto ninyong dalawa?

"Kaya sinabi ko kanina na hindi kami separated legally sa papel.

"Second, hindi pa kami talaga maayos.

"Wala kami sa level ngayon of being civil to each other.

"Estranged lang kami. Hindi lang kami nagsasama."

Hindi matukoy ni Nikki sa simula ng pagpapaliwanag niya kung ano ang tunay na dahilan ng "estrangement" nila ng kanyang asawa.

"I'm not saying na wala akong fault," sabi ni Nikki.

"Sa isang relationship naman—friendship, business or whatever—you continuously work on it. And two-way yun lagi.

"I guess, may pagkukulang ako. Pero I'm not saying na hindi namin sinubukan talaga."

THIRD PARTY? Natanong din kay Nikki kung nagkaroon ng third party sa kanilang pagsasama. Ito kaya ang posibleng dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan?

Nag-pause at bumuntung-hininga muna si Nikki bago sumagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Meron kaming naging experience. Boyfriend ko pa lang siya. May ganun na nangyari."

So, posible na pati ngayon na kasal na sila?

"Ang hirap kasi na manggaling sa akin. Hindi ko pa siya nakikilala. Pero, yeah, may mga issues na ganun," sagot niya.

Pero nilinaw ni Nikki na hindi pa niya tinutuldukan ang kanilang pagsasama sa rebelasyon niyang ito.

"Ang advice sa amin, ang marriage is you always have to work on it every single time.

"Hindi naman ako nagsasalita ng tapos. Kaya lang, this is the perfect time for me to be true to myself.

"And sa lahat ng nagtatanong tungkol sa amin, ayokong maging unfair.

"Ayoko naman din na sina-sacrifice ko yung emotions ko because I'm trying to hide something

Dagdag niya, "Ngayon ko lang naiintidihan yung dumaan sa lahat ng situation na ganito.

"Akala ko it was so easy to hide it forever. Pero hindi. Kailangan lang maging strong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN