Vicky Morales believes a celebrity's story on Wish Ko Lang does not automatically lead to high ratings

Vicky Morales says she distances herself from the selection of stories featured in Wish Ko Lang.

"I don't take an active role in it. It's my staff that does it. Kasi ayaw ko namang masabihan na nilalako ko yung sarili kong ano, kasi kakilala ko yung gan'yan. Kaya I always try to stay away from the selecting process," she says.


Hindi makapaniwala si Vicky Morales na magtatagal ang kanyang show na Wish Ko Lang, ang GMA-7 public-affairs show na may layuning tuparin ang mga kahilingan ng mga manonood.

Ngayong buwan, magdiriwang ng ika-walong taon sa telebisyon ang Wish Ko Lang. Nagsimula ito noong 2002 with Bernadette Sembrano as its original host, at marami-rami na ring katapat na programang napatumba.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Vicky sa isa pocket interview noong Martes, Nobyembre 20, sa executive lounge ng GMA-7.

EIGHT YEARS. Hindi man si Vicky ang naunang host ng show, proud pa rin siya na isa na ito sa mga long-running shows sa Pilipinas.

Kuwento ni Vicky, may nag-predict kasi na hindi tatagal ang Wish Ko Lang.

"May staff na pumuntang manghuhula. Sabi ng manghuhula, hanggang seven years nga lang ang itatagal ng Wish Ko Lang.

"Sabi ko, wow! Tatagal kami hanggang seven years, that's long! Parang hindi ko maisip.

"Ngayon, eight years na tayo. I didn't think that we would actually last for that long," saad niya.

Marami-rami na rin kasi ang mga hit shows na tumapat na sa Wish Ko Lang. Ilan sa mga ito ay ang dating horror series ng ABS-CBN na Nginiiig!, ang wish-granting show ni Willie Revillame na Willingly Yours, ang public affairs program na Failon Ngayon!, at maging ang mga lumang pelikula ni Fernando Poe Jr. na Cinema FPJ.

Ayon kay Vicky, maraming pagkakataon na nag-alala sila dahil natatalo sila sa ratings ng mga show na ito.

"Parang sometimes, iniisip namin, 'Naku, dyusko...' Usually the first few episodes, talagang, 'Paano tayo magre-recover.' Pero after a while, o 'yon," saad ni Vicky.

Dagdag niya, tumagal daw ang Wish Ko Lang dahil mabuti ang hangarin nito.

"Maybe that's the potent effect of Wish Ko Lang.

"Somehow, may suwerte siyang dala because of all the good vibes. Feeling ko, 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sabi ko, it has to be more than what we do in the show. Maybe there's a certain magic."

WILLIE'S SHOW. Ngayon daw, mahigpit nilang kalaban ang Willing Willie ng TV5, hosted by Willie Revillame.

Natatawa si Vicky dahil isa sa mga kliyente ng law firm ng asawa niyang si Atty. King Reyno ay si Willie.

Sabi ni Vicky, "Sabi ko, 'Bakit n'yo tinapatan ang Wish Ko Lang?' Kasi katapat namin yung Willing Willie. 'Ano ba kayo?'

"E, sabi niya, 'Hindi namin hawak yung timeslot, e. We're just the lawyers. Hawak yun talaga ng TV5.'

"Imagine! Of all programs sa Sabado, kami pa yung katapat?

"Pero yung minute-per-minute, panalo pa rin kami. Yes, at least kasi, it's ano, by chunk yung ratings.

"Pero yung minute-per-minute, yung tapatan, panalo pa rin kami. Although we lost sa pilot.

"But they're doing well! Natatalo nila yung [TV] Patrol! We didn't expect!"

CELEBRITY STORIES. Marami-rami na ring nai-feature sa Wish Ko Lang na mga kuwento ng mga dating artista o mga atleta na ngayon ay naghihirap na.

Kasama sa mga ito ay ang kuwento ng buhay ng dating comedian na si Palito, dating beauty queen na si Aurora Sevilla, at ang dating sexy actress na si Lyka Ugarte.

Ayon kay Vicky, hindi sila nagpo-focus sa mga kuwento ng mga artista dahil hindi automatic na mataas ang rating ng ganitong episodes.

"It's more on the story, e. Sometimes, may pangalan. Pero pag hindi rin touching..." saad niya.

Isa sa mga istorya na tumatak sa mga manonood ay ang sinapit ng aktres at dating Manila councilor na si Cita Astals. Ayon sa mga balita, nakikita raw si Cita na naglalakad-lakad nang mag-isa sa mga kalsada ng Maynila habang kinakausap ang sarili.

Ngayong taon, sinubukan ng Wish Ko Lang na tulungan si Cita, ngunit nabigo sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Vicky, "We wanted to put her into an institution... there was someone who was willing to sponsor her.

"Yung bahay naman siya, hindi siya basement, ganun.

"E, ayaw ng family, e. You really need that written consent.

"Then her friends were trying to get her in, pero ayaw talaga.

"Sayang na nga talaga, because we got... Mahal din even yung gamot niya, yung institution, doctors, they were all willing to help.

"Kasi, nadadaan naman sa medication.

"Sabi na nga nila, if na-treat in a month, best case a month, kaya nang i-treat. Longest siguro three months.

"Pero kaya raw with medication, with supervision.

"Kasi ang ganyan, you really have to take medication regularly.

"In her case kasi, when you give medication, hindi nila iniinom.

"But if you really have someone there to monitor you, talagang gagaling daw siya.

"Sayang talaga! Sayang.

"Galit na galit nga kami, parang, 'Ano ba 'yan?' Kasi her relatives were based abroad. So, sayang.

"Yun din yung nakaka-frustrate. Kasi you see it could be done, and then your hands are tied kasi you need something like that [writtem consent], kasi it's a legal thing, di ba? Puwede kang mademanda.

"Yung friends nga niya, willing na sila. 'Kami na lang, kami na lang! Kahit mademanda kami.'

"We cleared it with legal here, hindi rin puwede. Yun."

CHOOSING STORIES. Tinanong ng PEP kay Vicky kung siya ba ang pumipili ng mga kuwentong ipapakita nila sa Wish Ko Lang.

"I don't take an active role in it. It's my staff that does it," sagot niya.

"Kasi ayaw ko namang masabihan na nilalako ko yung sarili kong ano, kasi kakilala ko yung ganyan.

"Kaya I always try to stay away from the selecting process."

Pero hindi raw naman maiiwasan na may nag-aabot sa kanya ng mga sulat kapag nakikita siya sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I get their letter, I get their numbers. I tell them, write a letter, now, now na.

"Minsan sa mga mall, meron akong... isulat mo lahat ng details nun. Kasi marami 'yan.

"I wouldn't remember all of that kaya I tell them to give it to me and I submit it to our staff," saad niya.

Dagdag pa ni Vicky, hindi nila kayang sagutin lahat ng mga hiling na nakukuha nila.

"Sometimes naman, mahirap talaga kasi medical cases yung iba, like chemo, cancer.

"You know very well that this show also has a budget. Hindi rin namin puwede i-sustain yung therapy minsan, yung dialysis for an entire year.

"So you also know the limitations of the show.

"At the same time, you want to help. So you ask them, o ano pa yung ibang mga wishes, ano pa yung ibang makapagpapaligaya sa kanila?

"Minsan, may side story sila na hindi nila nakikita yung family nila, or they wish for a family reunion before they go.

"Yun yung mga tinutupad namin.

"And maybe, token na lang yung mga two months worth of dialysis. Minsan, hindi talaga namin makayanan yung an entire year."

Ano kaya ang maaasahan ng mga manonood ng Wish Ko Lang para sa susunod na taon?

"More of the same, pero mas compelling na stories.

"You always target that kasi na mas compelling yung ano.

"Kasi sometimes, ano, may mga story na okay, ganyan. Pero gusto mo yung mapapaluha yung tao," sagot ni Vicky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN