Sunshine Dizon's husband Timothy Tan settles amicably with the family of the woman he ran down by accident

"Walang may gusto sa nangyari, aksidente po yun. Nagpapasalamat na lang din ako, naunawaan ng pamilya. At the same time, nagkaroon ng settlement. Naibigay po namin lahat ng pangangailangan nila—pagpapalibing, lahat po yun, naayos. Hindi na po nakasuhan si Tim. So, thank you talaga," says Sunshine Dizon.


Nagkaroon na ng settlement sa pagitan ng asawa ni Sunshine Dizon na si Timothy Yap at ang pamilya ng nasagasaan niyang 60-anyos na babae na kinilalang si Johara Alignaye, isang Badjao. (CLICK HERE to read related story.)

Namatay si Alignaye sa naturang aksidente na naganap noong November 29 sa Angeles, Pampanga.

Namamalimos daw si Alignaye nang maganap ang aksidente.

Sa taped interview ng Startalk kahapon, December 3, sa barangay captain ng Barangay Balibago sa Angeles, Pampanga, na si Tony Mamac, isinalaysay nito ang aksidente.

"Nangyari 'yan, mga lampas na ng hatinggabi. At ang nangyari kasi riyan, kami rito sa Barangay Balibago, pagdating ng alas-diyes ng gabi, lahat ng mga namamalimos, street children, iniipon namin 'yan dito at pagkatapos ay dinadala namin sa mga pamamahay nila. At yung iba naman, ipinapadala namin sa DSWD.

"Yung gabi na 'yan, nagkataon na yung mga grupo ng Badjao, sila yung mga nakuha natin. At yung biktima na 'yan ay nakasama doon.

"Itong matandang biktima ay humiwalay sa mga kasamahan niya. At lumabas na ng barangay at dumiretso na doon sa highway.

"Pagdating do'n sa highway, paparating naman itong sasakyan," kuwento ni Mamac, na ang tinutukoy ay ang kotse ni Timothy.

Dagdag pa niya, "Ang sasakyan kasi ay kulay itim. So, hindi napansin yung matanda."


"Dead on the spot" daw ang biktima.

Kuwento pa rin ni Mamac, "Pagkatapos noon, itong nakasagasa ay umalis din. Pero mga ilang minuto ang nakaraan, biglang bumalik din.

"Siguro, na-realize noong driver na mali ang tatakbuhan niya."

Kinasuhan naman daw agad ng reckless imprudence resulting to homicide si Timothy sa himpilan mismo ng pulis.

Doon na rin nakaharap ng mister ni Sunshine ang mga kaanak ng biktima at doon na rin naganap ang settlement.

SUNSHINE'S REACTION. May taped interview rin ang Startalk sa misis ni Timothy na si Sunshine at nagbigay ito ng reaksiyon tungkol sa settlement na nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naging maayos naman ang usapan. Nagkaroon ng settlement on both sides, nag-settle yung family.

"Inayos po namin ang lahat ng dapat. We did our part. Lahat po ng dapat kailanganin, ibinigay po namin," saad ng aktres.

Kinumpirma naman ni Police Superintendent Abel Magnaca Lingat mula sa Angeles, Pampanga, ang pahayag ni Sunshine.

Sinabi nito na lahat ng pangangailangan ng naiwang pamilya ng biktima ay ibinigay ni Timothy kung kaya't nag-settle ang dalawang kampo at nagkapirmahan ng isang affidavit of desistance.

Sinabi rin ng apo ng biktima na hindi sinasadya ni Timothy ang pagkakasagasa sa lola niya. Ang importante sa kanya ay ang mailibing nang maayos ang kanyang lola.

Dahil dito, nakahinga na raw nang maluwag si Sunhine, na ngayon ay limang buwang buntis.

"Masyadong nakakatakot yung mga pangyayari," sabi niya.

"But I'm just very thankful na lang din. Salamat sa Diyos, natapos na rin ang pangyayaring ito ngayong araw.

"So, my husband is resting. You know, we're asking for prayers din."

TRAUMATIC EXPERIENCE. Pagkatapos ipalabas ang taped interview kay Sunshine ay nakausap din ng Startalk host na si Joey de Leon ang aktres via phone patch.

Ano ang naging unang reaction ni Sunshine nang marinig niya ang aksidente, lalo pa nga't hindi naman siya kasama ng asawa nang maganap ito?

"Naku, sa totoo lang po, nanginginig ako rito sa bahay. Hysterical talaga at sumakit actually yung tiyan ko!" sabi ng aktres sa kabilang linya.

"Dapat nga, isusugod na ako ng mom ko sa hospital, but thank God wala namang nangyari sa baby. I just took some medication at naging okay naman.

"Pero, talagang sobrang trauma talaga."

Wala bang naging epekto sa pagbubuntis niya ang nangyari?

"Hopefully wala naman po, with God's grace," sagot niya.

THE SETTLEMENT. Muli ring nilinaw ni Sunshine na okay na lahat sa pagitan ng kanyang pamilya at pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una sa lahat, gusto kong magpasalamat siyempre sa Diyos. All these are possible because of Him, di ba?

"Walang may gusto sa nangyari, aksidente po yun. Nagpapasalamat na lang din ako, naunawaan ng pamilya.

"At the same time, nagkaroon ng settlement. Naibigay po namin lahat ng pangangailangan nila—pagpapalibing, lahat po yun, naayos.

"Hindi na po nakasuhan si Tim. So, thank you talaga."

Pinasalamatan din ni Sunshine ang ibang mga tao na may kinalaman para maayos ang lahat.

Dagdag ni Sunshine, "Actually, Tim just celebrated his birthday noong December 2 at nagpa-misa na lang kami rito sa bahay."

Kumusta na si Tim ngayon?

"Well, he's coping. He's trying to be strong for the family," sagot ni Sunshine.

"Pero siyempre, Tito Joey, kapag ganyang sitwasyon talaga, katulad noong nag-birthday pa nga siya, malungkot kami.

"Siyempre, noong birthday ni Tim... Parang, yes, there's a reason for celebrating because we are alive, at the same time, may pamilyang nagluluksa.

"So, all we have to do na lang is offer prayer and offer a mass na lang po."

SUNSHINE'S COMPLAINT. Nagpasalamat din si Sunshine sa Startalk dahil sa pagiging "fair" daw ng programa sa kanilang side at sa kanilang pamilya.

"Pero, may gusto rin po akong linawin," patuloy niya. "Dahil kanina, I received a call na apparently, may teaser po ang Showbiz Central na nakita nilang yung asawa ko, akala nila nakakulong. I actually saw it also."

Ang Showbiz Central ang isa pang showbiz talk show ng GMA-7.

Ayon pa kay Sunshine, "Yung pagka-edit kasi ng video, si Tim, nandoon sa... Actually, sa bahay po namin yun, sa gate, si Tim, kinukunan nila. Unknowingly, hindi po alam ng asawa ko. Na kapag pinanood mo po sa video na yun, akala mo, nasa rehas.

"So, I just want to say that I'm actually very offended by it, sobra po. Kasi number one, Tito Joey, hindi po sila nagpaalam na pupunta rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako... Because of what happened to my husband, my mother [Dorothy Laforteza] and I, we have to go to Baguio to pick something sa negosyo namin. At si Tim, susunod na lang dapat sa Baguio.

"So, inabutan nila yung asawa ko rito, nakapantulog, kakagising lang. Hinarap naman sila.

"Pero hindi alam ng asawa ko na kinukunan nila at pinalabas pa nila sa teaser, e, parang nakakulong ang asawa ko.

"Sana respeto lang. Hinihingi ko lang sa Showbiz Central, respeto lang.

"Respeto lang!" mariin niyang ulit.

"Number one, hindi na kayo nagpaalam, kinunan n'yo pa nang hindi alam!

"Lahat kami, nagdarasal kami, ginawa namin ang lahat ng puwede naming gawin para hindi makita ng mga tao na ganoon ang hitsura ng asawa ko. Thank God, hindi naman nakulong.

"Tapos kayo, wala namang kabalbalan, gate ng bahay namin, ang teaser n'yo, parang nakakulong! Ano ba yun? Respeto lang!"

Para maging light ng konti ang usapan ay nagbiro si Joey na wala naman daw naka-pajama sa kulungan, although naiintindihan daw ng host ang nararamdaman ni Sunshine.

Pero ayon kay Sunshine, "Well, sana po maintindihan n'yo kasi ang hitsura rin ng video, kalahati lang, e. Nakakasama lang din po ng loob."

Sabi naman ni Joey, in behalf of Showbiz Central, siya na raw ang humihingi ng paumanhin.

SUNSHINE'S PREGNANCY. Pagkatapos nito ay dumako na ang usapan nila sa pagbubuntis ni Sunshine.

Sa December 17 nila malalaman ang gender ng kanilang baby sa pamamagitan ng ultrasound. Sa April 28, 2011 ang expected due date ni Sunshine.

Ano ang plano ni Sunshine sa kanyang showbiz career pagkatapos niyang manganak?

"Siyempre po, I have to concentrate muna sa baby," sabi ni Sunshine.

"Siguro eventually kapag medyo malaki-laki na ang bata, maybe I can go back po.

"But not as I used to do before na halos hindi na umuuwi kasi siyempre, iba na ang may pamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN