Eula Caballero proclaimed Brightest Star in TV5's Star Factor

Cebuana aspiring star Eula Caballero was the winner in TV5's first artista search, Star Factor. The grand finals was held earlier today, December 5, at Ynares Sports Arena.


Matapos dumaan sa maraming challenges at workshops, it came down to two Cebuanas at TV5's Star Factor Grand Finals, na ginanap kaninang hapon, December 5, sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Itinanghal ang crowd favorite—kung pagbabasehan ang lakas ng mga sigaw sa pangalan niya—na si Eula Caballero bilang Brightest Star at Grand Winner sa paligsahan para sa pinakabagong talento na magpapasigla sa bakuran ng TV5.

Kabilang sa mga premyo ni Eula ay P1 million in cash, four-year college scholarship, house and lot, at kontrata sa TV5.

PRAISES FROM THE STARMAKERS. Para sa finals, si Eula ay nagpakitang-gilas sa pamamagitan ng pag-emote sabay pagsasayaw sa madamdaming awiting "Bring Me To Life" ng Evanescence.

Umani ng papuri mula sa starmakers, na nagsilbing judges, ang production number na ito.

Ani Audie Gemora: "Nagawan nila na nakapalibot sa emosyon ang performance and she was able to sustain it. Nabigyan ito ni Eula ng buhay at emosyon. She is gonna go very far."

Binansagan namang "leading-lady material" ni Raymund Isaac si Eula.

Ayon kay Maestro Ryan Cayabyab, "tumagos mula sa TV papunta sa puso ng manonood ang performance, kaya't effective ito."

Binigyang-din naman ni Direk Joey Reyes na hindi dahil lumuluha ang isang tao ay magaling na itong umarte.

Ngunit ang nagpaganda raw sa pagtatanghal ni Eula ay "may konteksto ang pag-iyak niya, may hinuhugutan ng damdamin."

Sinabi pa ng director-screenwriter, ang plus factor ni Eula ay mahal ng kamera ang mukha niya at hanep ang kanyang personalidad.

"She is the competitor to beat," ang walang takot niyang pronouncement.

Sinang-ayunan naman ito ni Annabelle Rama: "Malakas ang dating niya. Lahat ng hinahanap ko sa artistahin, nandiyan na sa kanya."

THE RUNNERS-UP. Ang closest competitor at kababayan ni Eula na si Morisette Amon ang siyang naging 2nd Brightest Star.

Para sa kanyang production number, kinanta ni Morisette ang"Defying Gravity" mula sa Broadway musical na Wicked.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung pag-arte ang kalakasan ni Eula, pag-awit naman ang kay Morisette.

Ngunit ang consensus ng starmakers sa kanyang performance ay "we've seen better performances from her." May mga bahagi kasi sa pag-awit ni Morisette na sumabit siya.

Komento naman ni Annabelle tungkol sa kanyang performance: "Naguluhan ako, pareho silang magaling ni Eula."

Ang nag-iisang lalaki sa mga finalist na si Christian Samson ang itinanghal na 3rd Brightest Star.

Nanalo naman bilang Flawless Shining Star at 4th Brightest Star ang Pampangueña na si Ritz Alzul.

Mula sa mga nag-audition para sa Star Factor mula sa iba't ibang bahagi ng bansa ay nagkaroon ng 18 hopefuls, at kalaunan ay natira ang apat na finalists.

Ayon kay Audie Gemora: "We did a good job na makahanap ng apat na talagang magagaling [na talento para sa finals]."

Kasamang nag-host ni Ruffa Gutierrez sa Grand Finals ng Star Factor ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez, at sina John Estrada at Amy Perez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN