Mark Bautista reveals Iza Calzado inspired one of his original compositions in new album

Mark Bautista revealed that the inspiration behind his song "OK Lang," which he composed for his new album, Nagmamahal, is no other than Iza Calzado. Mark admitted he's been a longtime admirer of Iza.

"Talagang humahanga lang ako sa kanya aside sa napakaganda talaga niya. Pag nakilala mo siya, talagang napakaganda ng kalooban niya."


Inilunsad ang pang-limang album ni Mark Bautista, na pinamagatang Nagmamahal kagabi, December 6, sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City.

Extra proud si Mark sa album niyang ito dahil bukod sa ito ang unang-una niyang all-Tagalog album, first time niya ring gumawa ng mga kanta. Dalawa nga sa original compositions niya ay kasama sa 13-track album na ito.

"Bakit" at "OK Lang" ang original compositions niya.

Sa "Bakit," kuwento raw ng isang kaibigan at base rin sa personal experiences niya ang pinagkuhanan ng inspirasyon para rito.

"It's about loving someone, pero hindi ma-surpass nung tao yung pagmamahal na ibinibigay mo.

"Pero mahal mo pa rin siya, at ayaw mo pa rin siyang hiwalayan.

"E, normally madalas ding nae-experience talaga ng mga tao yan. Yung pagkamartir, gano'n," kuwento ni Mark nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) dalawang oras bago sinimulan ang launching ng album.

Ayaw namang magdetalye pa ni Mark kung sino sa kanilang dalawa ng sinasabi niyang kaibigan ang nagpakamartir sa pag-ibig.

"Basta, base lang doon sa kuwento nga ng kaibigan ko at sa sarili ko ring experience," nakangiti na lang sabi ng 27-year-old singer.

INSPIRED BY IZA. Ang "OK Lang" naman, ibinulgar niya sa mismong launching, bago niya ito kantahin, na ang pinagkuhanan niya ng inspirasyon sa paggawa ng kantang ito ay walang iba kundi ang Kapuso actress na si Iza Calzado.

"Magkaibigan kami, pero may boyfriend na siya, of course.

"Talagang humahanga lang ako sa kanya, aside sa napakaganda talaga niya.

"Pag nakilala mo siya, talagang napakaganda ng kalooban niya," ani Mark tungkol sa Beauty Queen lead star.

Noon pa raw siya humahanga kay Iza, kahit na noong nasa kabilang istasyon pa siya.

At nang finally ay nagkasama na sila sa iisang istasyon at nakilala niya nang husto si Iza, lalo raw siyang humanga hindi lang sa ganda ni Iza kundi pati na rin sa ugali nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibang klase talaga si Iza," sabi pa ni Mark tungkol sa dalaga.

NO LOVE LIFE. Sa ngayon ay loveless si Mark, pero natsitsismis sa kanya ang bagong Viva contract star at dating Survivor castaway na si Jef Gaitan.

Sabi ni Mark, sa ngayon ay friends lang sila ni Jef at ayaw muna niyang magmadali na pumasok sa mas malalim na relasyon dito.

"Let's just see. Sa ngayon kasi, we're both happy being friends," dagdag niya.

Pero marami ang nakapansin na kakaiba ang saya ni Mark nang dumating sa launching niya ang co-Viva artist at niligawan niya rin noon na si Sarah Geronimo.

Bago ang launching mismo, tinanong na ng PEP kay Mark kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Sarah.

"Si Sarah, we remained friends. Siguro hindi lang talaga perfect time noon na maging kami," nagliwanag ang mukha ng binatang tubong-Cagayan de Oro habang nagpapahayag tungkol kay Sarah.

"Hindi ko alam kung sa bandang huli, kami rin pala ang magkakatagpo. You can never tell.

"Ako, naniniwala ako na in God's perfect time, yung sinasabi nila, mangyayari't mangyayari rin talaga yun.

"So far, kami ni Sarah, we still communicate. Yun ang maganda sa amin, kasi naging strong na rin ang foundation namin bilang magkaibigan."

Dahil sa magkaiba na nga sila ng network, nasasabik na raw si Mark na makasama't makatrabaho muli si Sarah, na makakasama nga niya sa isang concert na gaganapin sa Japan sa susunod na buwan.

"Hindi ko pa alam kung saan sa Japan at anong day, pero sa January yun," dagdag na impormasyon pa ni Mark.

TAKING ADVICE FROM AGA. Bukod sa paggawa ng album at Party Pilipinas, naging abala rin si Mark sa paggawa ng movie.

Kasali siya sa Regine Velasquez-Aga Muhlach reunion movie na may tentative title na Of All The Things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Super close na pinsan ni Aga ang papel niya sa Regine-Aga movie at aminado si Mark na hanggang ngayon nga raw ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakakaeksena na niya sa pelikula ang mga artistang noon daw ay pinapangarap lang niyang makita nang personal.

"Minsan nga, sa mga eksena, hanggang ngayon, nanliliit talaga ako...

"Pero sobrang professional sila. Masarap kasama. Makuwento.

"Hindi mo sila kakikitaan ng star complex o kung ano...

"Sobrang mabait katrabaho.

"Nag-a-advice sila. Si Kuya Aga, lalo na. Siya kasi ang lagi kong kasama.

"Nagbibigay siya ng advice sa pera, sa relationship. Marami akong natututunan," sabi pa ni Mark tungkol sa kanyang co-stars.

Parte rin ng soon-to-be aired GMA-7 fantaserye na Dwarfina si Mark. Pinagbibidahan naman ito nina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

CLICK HERE to watch Mark singing the carrier single of Nagmamahal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN