Dukot reigns supreme in FAMAS Awards 2010; Lovi Poe and Allen Dizon win top acting honors

The winners in the recently concluded FAMAS 58th Gabi ng Parangal: (from left, clockwise) Lovi Poe, Best Actress, for Sagrada Familia; Allen Dizon, Best Actor, for Dukot; Joel Lamangan, Best Director, for Dukot; Gloria Diaz, Best Supporting Actress, for Sagrada Familia; and Emilio Garcia, Best Supporting Actor, for Sagrada Familia.

The movie Dukot


Anim na tropeyo ang napanalunan ng indie film na Dukot sa 85th FAMAS Awards, kasama na ang Best Picture.

Lima ang nakuha ng Ang Panday at tatlo namang major awards ang nakamit ng Sagrada Familia.

Ginanap ang Gabi ng Parangal ng FAMAS kagabi, December 13, sa GSIS Theater sa Pasay City.

Bagamat magtatapos na ang taong 2010, ang mga pinarangalan ng FAMAS ay ang mga pelikula noong 2009.

Ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences), na binuo noong 1953, ang pinakamatandang film award-giving body sa Pilipinas.

Nagsimula ang programa mga bandang alas-nuwebe ng gabi, taliwas sa sinabing alas-sais ng gabi.

Nagsilbing hosts sina Issa Litton, Arnell Ignacio, at John Nite.

BEST PICTURE & BEST DIRECTOR. Bukod sa Best Picture, napanalunan din ng Dukot ang awards para sa mga sumusunod: Best Director (Joel Lamangan), Best Actor (Allen Dizon), Best Editing (Bebs Gohetia), Best Cinematography (Monino Duque), at Best Art Direction (Edgar Littaua).

Ang Dukot ay tumatalakay sa pagkawala ng mga aktibista at mga leftists, at ang pag-aabuso sa human rights.

Ayon kay Direk Joel, ang natamo niyang award ay siyang kukumpleto sa mga parangal na natanggap niya mula sa ibang award-giving bodies.

Pinasalamatan din ni Direk Joel ang lead actress niya sa pelikula na si Iza Calzado, na present noong gabing iyon.

"Napakalaking tuwa ko at narito din si Iza para suportahan ang pelikulang Dukot. At nakita mo naman how sport she is. She is a very intelligent woman," ani Direk Joel.

Nominated si Iza sa kategoryang Best Actress para sa Dukot.

Sa acceptance speech ni Direk Joel, sinabi niya ang kanyang saloobin tungkol sa kakulangan ng suporta na natatanggap ng industriya ng pelikula mula sa nakaraang gobyerno.

"Sayang ang husay ng mga Pilipino kung walang depinidong programa mula sa gobyerno... Kung wala ang pelikulang Pilipino, di natin masasabi ang totoo nating kasaysayan," pahayag ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST ACTOR & BEST ACTRESS. Ito naman ang ikalawang Best Actor trophy ni Allen mula sa FAMAS. Noong nakaraang taon ay napanalunan din ni Allen ang kategoryang ito para sa pagganap niya sa Paupahan.

"Hindi ako makapaniwala na dito sa FAMAS nakatanggap ako ulit ng Best Actor award. ''Tsaka, pressure konti, kasi baka next year, hindi na ako makakuha," sabi ni Allen sa panayam sa kanya ng media pagkatapos ng awards night.

Tatlong acting awards naman ang napanalunan ng Sagrada Familia: Best Actress para kay Lovi Poe, Best Supporting Actor para kay Emilio Garcia, at Best Supporting Actress para kay Gloria Diaz.

Ang Sagrada Familia ay idinirek din ni Joel Lamangan.

Ito ang ikalawang Best Actress award ni Lovi ngayong taon. Sa Cinemalaya 2010 ay napanalunan niya ang Best Actress para sa pagganap niya sa Mayohan.

"Actually, I'm very, very happy 'cause it's my second Best Actress award. Second this year also.

"I'm very happy. Iba yung feeling. It's surreal," sabi ni Lovi pagkatapos ng awards night.

Inalay ni Lovi ang kanyang tropeyo sa kanyang yumaong ama na si Fernando Poe Jr.

Ngayong araw, December 14, ang sixth death anniversary ni FPJ.

Pinasalamantan ni Lovi ang mga tao na nasa likod ng camera sa paggawa ng pelikula kung saan siya ay nanalo.

"The best thing to keep in mind naman is whatever project na gagawin ko, I should always give my best. Not only para sa sarili mo, kundi para hindi ma-disappoint yung mga taong katrabaho mo.

"I think yun naman ang pinakaimportante because everyone behind the camera, I think they deserve the best also.

"For us actors, it is actually difficult na, like nagpupuyat kami, nagpapagod. Pero kung kami ganun, yun din yung pinagdadaanan ng mga taong behind the camera," saad niya.

BEST SUPPORTING ACTOR & ACTRESS. Halatang-halata naman sa mukha ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz ang tuwa sa pagkapanalo niya ng Best Supporting Actres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, ito ang "best gift ever" na matatanggap niya ngayong Pasko.

Nagbiro pa ito sa PEP at sa ibang mga miyembro ng press nang tanungin sa kanyang initial reaction sa kanyang pagkapanalo.

"A, they made a good choice!" tumatawang sabi ni Gloria.

Sa seryosong tono, pinasalamatan ni Gloria ang direktor ng Sagrada Familia na si Joel Lamangan.

"I'm very thankful and I'm so happy.

"Actually, when they asked me, 'Who do you think you really owe it to?' I think it is always the director.

"Because the director either allows you to do what you do, makes you feel very, very comfortable that you can express yourself. Or you are able to do what you think is the right way.

"It's always the director. So, thank you again, Joel."

Ine-expect ba niya ang kanyang pagkapanalo?

"Actually, hindi ko ine-expect," sagot ni Gloria.

"Sabi nila, 'Come and support the movie.'

"So, kung ine-expect ko, dapat nakaputi ako. Di ba, pag winner, nakaputi?

"Basta, okay pala ito, there's always some thrill to it. I'm so happy, thank you."

Nakangiti namang sinagot ni Gloria ang tanong kung nakailang acting award na siya to date.

"A little bit. Not that much. I can afford to have a few more," sabi ng aktres at dating beauty queen.

Masayang-masaya rin si Emilio Garcia sa pagkapanalo niya ng Best Supporting Actor.

Aniya, ang mga parangal ay "bonus" na lang sa bawat proyekto na kanyang ginagawa.

"Siyempre, kailangan mas patunayan mo yung ibinigay sa iyo na parangal. Pero sa amin kasi, trabaho lang, bonus na lang kung mapansin.

"Awa naman ng Diyos, napapansin," nakangiti niyang sabi.

Ayon kay Emilio, pampito na niyang acting award ang nakuha niya kagabi mula sa iba't ibang award-giving bodies.

THE WINNERS. Narito ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa 85th FAMAS Awards:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Best Theme Song: "Ang Panday" by Ely Buendia

Best Sound: Ditoy Aguila (Ang Panday)

Best Musical Score: Von de Guzman (I Love You, Goodbye)

Best Art Direction: Edgar Martin Littaua (Dukot)

Best Cinematography: Monino Duque (Dukot)

Best Editing: Bebs Gohetia (Dukot)

Best Screenplay: Carlo J. Caparas and RJ Nuevas (Ang Panday)

Best Story: Carlo J. Caparas (Ang Panday)

Best Supporting Actress: Gloria Diaz (Sagrada Familia)

Best Supporting Actor: Emilio Garcia (Sagrada Familia)

Best Child Actress: Mara Panganiban (Last Viewing)

Best Child Actor: Robert "Buboy" Villar (Ang Panday)

Best Actress: Lovi Poe (Sagrada Familia)

Best Actor: Allen Dizon (Dukot)

Best Director: Joel Lamangan (Dukot)

Best Picture: Dukot (CDP Events Entertainment Production and ATD Entertainment Productions)

Special Awards:

German Moreno Youth Achievement Award: Enchong Dee, Erich Gonzales, Andi Eigenmann, Matteo Guidicelli, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, and Jhake Vargas

Lifetime Achievement Award: Rustica Carpio

Golden Artist Award: Sharon Cuneta

Flavio Macaso Award: Ninoy Sofranes

Lou Salvador, Sr. Memorial Award: Lou Veloso

Exemplary Achievement Award: Dolphy

Arturo M. Padua Memorial Award: German Moreno

Fernando Poe. Jr Memorial Award: Ronnie Ricketts

Presidential Awardee: Herbert Bautista

Prestige Award of Distinction: Prof Domingo G. Landicho, PhD.

Special Citation Award as an Artist for Film: Celso Ad Castillo

Hall of Fame: Albert Michael Idioma and Jessie Lucas


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN