Pasig City RTC dismisses Katrina Halili's case against Hayden Kho for "insufficiency of evidence"

"Aside from finding that the prosecution failed to present the required quantum of evidence to prove beyond reasonable doubt that Dr. Kho violated RA 9262, the Court further held that the acts allegedly committed does not constitute a crime as defined under RA 9262," Hayden Kho's lawyers said in a written statement furnished to the press following the dismissal of the case filed by actress Katrina Halili.


"Dr. Hayden Kho, Jr. endured a long and harsh winter of persecution, but now finds comfort in the warmth of sweet redemption."

Ito ang mabulaklak na panimula ng statement na ibinahagi ng Kapunan Lotilla Garcia & Castillo Law Firm sa media, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), kaugnay sa pagbabasura ng Pasig City Regional Trial Court sa kasong isinampa ng aktres na si Katrina Halili laban kay Hayden Kho.

Ngayong araw, December 14, ibinaba ni Judge Rodolfo R. Bonifacio ng Branch 159 ng Pasig RTC ang desisyon na nag-aabsuwelto kay Hayden sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

"Insufficiency of evidence" ang rason kung bakit idinismis ng korte ang kaso, na nag-ugat sa pagkalat sa publiko ng sex video ni Hayden kasama si Katrina.

BACKGROUND OF THE CASE. May 2009 nang kumalat ang video na nagpapakita sa pagtatalik nila Katrina at Hayden, na kilala ng publiko bilang boyfriend ng sikat na cosmetic surgeon na si Vicki Belo.

Kaagad na lumikha ng ingay ang eskandalo at sinabi ni Katrina na hindi niya alam na may kamera pala na nakatago at nagre-record sa kanilang pagtatalik.

Maging ang Senado ay nakialam sa isyu sa rekomendasyon ni Senator Ramon "Bong" Revilla Jr.

Matapos na tawagin ni Senator Bong si Hayden na "pervert of the highest kind" sa kanyang privilege speech sa Senado noong May 18, 2009, ay pinangunahan naman nito ang isang senate hearing na ginanap noong May 28, 2009. (CLICK HERE to read related article.)

Bagamat kalaunan ay humupa rin ang ingay na dulot ng eskandalo ay tuluy-tuloy naman ang pag-usad ng kasong inihain ni Katrina laban kay Hayden sa korte.

Pinagbigyan din ng Professional Regulations Commission (PRC) noong November 20, 2009 ang kahilingan ni Katrina na tanggalan ng lisensiya si Hayden. (CLICK HERE to read related article.)

Isang licensed cosmetic surgeon si Hayden at ikinatwiran ni Katrina na hindi ito dapat hayaan ng ahensiya na ipagpatuloy ang kanyang natapos na propesyon dahil walang pasyente ang maaaring magtiwala dito dahil sa nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

January 5, 2010 naman nang mag-post si Hayden ng P20,000 cash bond sa Pasig City RTC para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso. (CLICK HERE to read related article.)

Si Atty. Lorna Kapunan ang tumatayong abugado ni Hayden sa kaso, samantalang si Atty. Raymund Palad naman ang kay Katrina.

"NOT A VIOLATION OF R.A. 9262." Ayon sa statement na ipinadala ng mga abugado ni Hayden sa PEP ngayong , December 14, via e-mail, ay dalawang criminal acts ang inihain laban sa kanilang kliyente.

"(a) the act of taking a video of the sexual encounter without the knowledge and consent of private complainant, causing psychological and emotional distress on private complainant Halili; and (b) the act of uploading the sex video in the internet, causing mental an/or emotional anguish and humiliation on private complainant Halili."

Dagdag pa ng statement: "On the charge of uploading the video in the internet, the prosecution failed to present ANY evidence on the charge of illegally uploading the videos.

"In fact, the prosecution readily admitted and acknowledged that there was no evidence that the accused uploaded the said videos. As such, Honorable Court does not see any reason to hold the accused criminally liable.

"With respect to the charge of video taping the encounter without the knowledge of the Halili, the Court held that 'the Court itself saw during the ocular inspection that the video camera was situated in an open and unconcealed place which cannot escape unnoticed.

"And so, what resonates with this Court is that the accused repeatedly stated his Affidavit that the camera was never hidden from private complainant, and that it was in plain view.

"The Court further held that 'this should explain why the accused did not anymore ask for private complainant Halili's express consent to the video taking. There was no need to belabor the obvious: the video camera was there visible to both of them, it was aimed at the direction of the bed, and it was already the fourth occasion when their libidinous activities were recorded in video. That is why the Court cannot believe the prosecution's insistence that the private complainant was unaware of the video taking.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a result of the findings of the Court, the Court held that "[I]n light of the above discussions, it is clear that evidence is insufficient to prove that the sex video was taken without the private complainant's knowledge.

"On this score alone, it will already be very hard to hold the accused criminally responsible for his act of taking the sex video.

"The mere taking of the sex video by the accused without the private complainant's knowledge and consent is not yet a violation of Republic Act 9262, otherwise known as the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

"It becomes a crime only when the said act 'alarms or causes substantial emotional or psychological distress to the woman.'

"However, as correctly pointed out by the Court, the expert witnesses of the prosecution themselves namely the NBI Psychologist-In-Charge, Ms. Alcuaz, and the NBI Psychiatrist, Dr.Papa, testified that the cause of the psychological distress of complainant Halili is the uploading of the video NOT the video taping of the encounter.

"Thus, it was the prosecution's own evidence that proved that the psychological damage was not cause by the video taking. As such, the court held that the prosecution has not adduced evidence sufficient to establish any criminal responsibility of the act of taking and recording the sex video."

HAYDEN'S REQUEST. Sinabi rin ng mga abugado ni Hayden na mula pa noong umpisa ay ikinakatuwiran na nila na ang pagkuha ng video ay hindi maaaring tratuhin ng hukuman bilang isang krimen.

"It is unfortunate that Dr. Kho had to go through months of suffering the humiliation and harshness of a criminal trial. Notwithstanding this, we are pleased with the results and decision of the Honorable Court. With this development, Dr. Kho can now truly move on and leave this terrible ordeal behind him," pahayag ng kanyang mga abugado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaugnay ng mga pangyayaring ito, napag-alaman ng PEP ang kahilingan ni Hayden na maibalik ang bisa ng kanyang lisensiya na unang binawi ng PRC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN