Freddie Webb happy over SC decision to free his son Hubert; Lauro Vizconde: "Sana tulungan n'yo akong hanapin ang tunay na pumatay sa pamilya ko."

Lauro Vizconde (top) is grief-stricken over the Supreme Court's decision to free Hubert Webb, the prime suspect in the murder of his family in 1991.

On the other hand, Freddie Webb (bottom), Hubert's father, says his family is on "cloud nine."


Hinimatay si Lauro Vizconde, 72, nang marinig ang balitang pinawalang-sala ng Supreme Court ang mga primary suspect sa pagpatay sa kanyang pamilya noong 1991.

Ngunit agad naman siyang nahimasmasan matapos paligiran ng kanyang mga kapamilya at mga miyembro ng press, na sinamahan siya sa paghihintay sa desisyon sa kanyang bahay sa Parañaque City kaninang umaga, December 14.

Emosyunal siya habang nagbibigay ng pahayag. Tanong niya, bakit tila hindi dininig ang kanyang mga dasal?

"Diyos ko! Bakit mo po ako pinabayaan?" saad niya habang tumutulo ang luha.

"Ginawa ko lahat ng magagawa ko sa tulong ng lahat ng nagmamalasakit sa akin. Pero wala. Maski mga dasal ko, parang hindi dininig.

"Nangyari na ang aking kinatatakutan," dagdag ni Lauro. "Wala nang katarungan dito sa bansa."

Pagpapatuloy niya, talamak pa rin umano ang corruption sa gobyerno at sa justice system ng bansa.

"Paano po ang tiwala sa hukuman? Kahit sa mababang kapulungan, e nababayaran lang.

"Ano pa ba ang masasabi natin? Kaila pa ba sa inyo ang rampant corruption sa ating gobyerno?

"Umpisahan mo sa pinuno, sa kaibabaan. Kaya 'yan ang kinatatakutan ko, hindi magtatagal iyan nga ang nangyari."

Bagamat hindi pa niya buong-buong tinatanggap ang desisyon ng husgado, may binitawan pa rin siyang isang panawagan.

"Sana, tulungan n'yo akong hanapin ang tunay na pumatay sa pamilya ko," pahayag ni Lauro.

CASE DETAILS. Mahigit 19 na taon na ang dumaan nang mangyari ang massacre sa tahanan ni Lauro sa BF Homes, Parañaque City.

Noong June 30, 1991 ay brutal na pinaslang ang pamilya ni Lauro: ang asawa niyang si Estrellita, 47, at ang mga anak niyang sina Carmela, 18, at Jennifer, 7.

Matapos ang apat na taon, lumutang ang isang witness sa kaso. Siya si Jessica Alfaro, na siyang nag-akusa kay Hubert Webb at mga kasamahan nito ng salang pagpatay.

Dahil sa pagkadawit sa kaso ay nakulong si Hubert, anak ng dating senador na si Freddie Webb, at walo pa nitong kasamahan noong 1995.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Depensa ng mga abugado nina Hubert, wala raw sa bansa ang kanilang kliyente nang mangyari ang krimen. Nagpakita sila ng mga dokumento bilang patunay na nagpunta sa Amerika si Hubert at wala siyang kinalaman sa pagpatay.

Noong 2000 ay ibinaba naman ng korte ng Parañaque ang sentensiyang habambuhay na pagkakabilanggo kay Hubert at sa kanyang mga kasama.

Inutusan din sila ng korte na magbayad ng P3-million kay Lauro Vizconde.

Ibinasura naman ng Court of Appeals ang isinampang motion for reconsideration nina Hubert noong December 16, 2005.

At ngayon ngang December 14, 2010, binaliktad ng Supreme Court ang desisyon ng mga mababang hukuman.

Ayon sa desisyon ng SC, hindi raw napatunayan na "guilty without reasonable doubt" sina Hubert, dahilan para pakawalan sila mula sa pagkakakulong matapos ng 15 taon.

FREDDIE WEBB SPEAKS. Masayang-masaya naman si Freddie Webb, ang ama ni Hubert Webb, nang malaman ang desisyon ng mataas na hukuman.

Saad niya sa isang panayam na inere sa Balitanghali ng QTV-11 kanina, "We were very happy when we got the news, though we were very confident that the outcome will go in our favor because of the evidence that we presented, because of the consistencies of the people that became witnesses.

"But over and above that, kahit papaano yung kaligayahan na yun, e masasabi ko rin ay may konting kalungkutan sapagkat iniisip din namin yung panahon na una siyang ipinasok sa kulungan ay halos hindi na namin maalala.

"It was 15 years ago! And we were telling ourselves, 'no, we wouldn't have to go 15 years if only our system was more aggressive in finding out what the truth is."

Pahayag pa ng 68-year-old former senator, "confident" raw siya at malaki ang tiwala niya sa Panginoon.

"Yes, of course. We were very confident, 'no? Because we not only hoped, not only wished, but we have faith not in men but in God."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatuloy ni Freddie, hindi niya raw masisisi ang mga taong naniwalang may kasalanan si Hubert, noong panahong nililitis pa ang kaso.

"But let me also make a statement here that, yung panahon na yun ay hindi ko naman masisisi yung mga tao na maniwala.

"Sapagkat napakadaling makuha ang loobin ng tao, lalong-lalo na lumalabas na si Mr. Vizconde, e, nawalan ng pamilya.

"At para bang madalas na ginagamit pa nga ng huwes ay, 'I am powerful, I am moneyed, I have the right connections.'

"Hindi po totoo 'yan. Wala po akong ginamit na ganun."

"Ang ginamit ko lang po ay ang tiwala sa ating Panginoon.

"Hanggang ngayon po ay katakot-takot ang pasasalamat ko.

"Hindi po tao ang gumawa nito. Ang gumawa nito, e, Panginoon. Tinulungan po ako."

Sa isang hiwalay na panayam naman sa dzMM ay nagbigay siya ng mensahe para kay Lauro Vizconde.

"There is a difference between him and me," sabi ni Freddie.

"Alam naman niya... kahit paano nag-imbestiga din kami. We have nothing to do with the loss of his family.

"I agree with him. I could imagine... At least tama siya na at least ang anak namin nand'yan.

"But I don't know why... my son has been in jail for 15 years for a crime he has not committed."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN