Kuh Ledesma begins her 30th anniversary in showbiz in a Valentine concert with The Hitmakers

"I would say that it has been very productive. Many lessons learned and at the same time, many friends have been made. Talagang I have been blessed," says Kuh Ledesma about her 30 years in show business, which she will celebrate next year.


Uumpisahan ng local music diva na si Kuh Ledesma ang kanyang ika-30 anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng isang Valentine concert kasama ang The Hitmakers—na binubuo nina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga—sa Pebrero ng susunod na taon.

"Itong show na ito is the beginning of my 30th. So, you can expect that it's going to be a beautiful production talaga," sabi ni Kuh nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong Lunes ng gabi, Disyembre 13, sa Mario's Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Sa concert na pinamagatang The Greatest Love Song of Our Time, inaasahang kakantahin ni Kuh, kasama ang The Hitmakers, ang mga love song na naging tampok sa mga nakalipas na dekada.

"These are going to be super popular songs for all ages. Songs like, 'I Love You, Hate You,' 'All I Ask of You,' mga gano'n," sabi ng Pop Diva.

Patuloy pa niya, "You can expect that it's going to be a beautiful production talaga. Sigurado ako may mapupulot ang mga couples dito or people who are known to learn something about what real love is all about.

"There's a lot of music and there's also a lot of things that people will pick up at the end of the show."

Ang music event na ito ay gaganapin sa PICC Plenary Hall sa Pebrero 12 at 13, 2011.

Bukod sa Valentine concert na ito, binabalak din ni Kuh na magsagawa pa ng dalawang concert sa susunod na taon kaugnay pa rin ng kanyang 30th anniversary.

Ayon pa kay Kuh, maaaring maglabas din siya ng music album sa kanyang anibersaryo.

"I'm also putting up together a commemorative DVD of all the best parts noong 30 years ko. Siguro, mga 30 cuts noong iba't ibang shows na ginawa ko," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabuuan, ayon kay Kuh, masasabing naging maganda naman ang takbo ng kanyang karera bilang mang-aawit.

"I would say that it has been very productive," paglalarawan niya. "Many lessons learned and at the same time, many friends have been made.

"Talagang I have been blessed. I'm very grateful that the Lord, you know, allowed me to have a life like what I've had."

FIRST TIME WITH THE HITMAKERS. Excited din ang singer dahil unang pagkakataon ito na makakasama niya ang mga miyembro ng The Hitmakers sa two-night concert.

"During Valentine's Day, talagang mas maganda na male and female singers dahil alam mo naman puro love songs. We thought it could be good to do a lot of duets for that time.

"I'll be doing duets with each one of them. Kung ano 'yong hit nila, I will combine it with mine."

Ngunit sa apat na miyembro, alam ng marami na si Rico ay may pagka-berde sa kanyang mga hirit lalo na sa mga concert. Makakaya kaya ito ni Kuh?

Ayon sa singer, pinakiusapan niya si Rico na iwasan na muna niya ito.

Napangiti pa si Kuh nang sabihin niyang, "Sabi ko nga lahat ay napapakiusapan. Kaya nakikiusap ako kay Rico na magbakasyon muna siya sa pagka-berde niya. Sa akin, hindi puwede, e."

Patuloy niya, "Actually, puwede kang maging berde ng hindi berde, hindi masyado, light green lang.

"We will have a pool of writers naman that will be helping us. Kasi, sabi ko nga, if you want to be funny and still be acceptable with the audiences, kailangang maging smart ka lang, e.

"Hindi ko alam kung na-impress ko na talaga nang seryoso sa kanya. But I think it'll be fine. Madali naman mapakiusapan si Rico, e."

Kung sakaling maging patok ang concert, nais sana ni Kuh na gawin din ang concert with The Hitmakers sa ibang bansa tulad ng U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, hindi masasayang ang mga numbers na gagawin namin dito. And sa Amerika naman, 'yong mga kababayan natin doon, they love hearing duets, mga kombinasyon na mga ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN