Ogie Alcasid-Regine Velasquez wedding is all set

The invitations to the wedding of Ogie Alcasid and Regine Velasquez have been given away. The wedding will take place on December 22, Wednesday, at The Peak, Terrazas De Punta Fuego, in Nasugbu, Batangas.


Paglabas ng artikulong ito ay naipamahagi na marahil sa 80 percent ng invited guests ang invitation para sa kasal nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Gaganapin ang "wedding of the year" sa December 22, 2010, sa The Peak, Terrazas De Punta Fuego, sa Nasugbu, Batangas.

Nagkaroon ng aberya sa pagdi-distribute ng invitation dahil nagpalit ng wedding planner ang mga nag-aasikaso sa preparasyon ng event.

Si Regine mismo ang nag-design ng invitation.

Gaya ng dapat asahan, isa itong kakaibang invitation na malayo sa mga tradisyunal na imbitasyon sa mga kasalan.

Isa lang ito sa iilang partisipasyon niya sa preparasyon sa kanilang wedding ni Ogie.

Ang isa pa ay ang kanyang wedding gown.

Kilala naman si Regine sa pagiging creative at untraditional sa maraming bagay, gaya ng pagpili niya sa kulay red na wedding gown.

Hangga't maaari ay ayaw rin niya ng photo shoot pagkatapos na pagkatapos ng seremonya. Gusto rin niya na isang party ang magaganap pagkatapos ng wedding ceremony.

THE WEDDING INVITATION. May sukat na 7x9 1/2 ang lapad ng invitation na hardbound.

Kulay beige ang cover nito. Sa extreme right side ng cover ay makikita ang larawan nina Ogie at Regine na magkaharap at hawak ang isang puting payong.

Nakatayo ang dalawa sa gilid ng pavement ng pool at ang background nila ay bundok.

Naka-white-layered sleeves and long gown si Regine na may black belt sa taas ng kanyang waist. May nakalagay na mask sa kanyang noo na may accent na feather.

Ang gown na ito ang isinuot ni Regine sa duet nila ni Ai-Ai delas Alas sa concert ng huli sa Araneta Coliseum, ang Akin ang Tronong 'To.

Si Ogie naman ay naka-black suit at white underpolo.

Sa cover pa lang ng wedding invitation ay mararamdaman mo na ang pagkakaroon ng katiwasayan sa pagmamahalan nina Ogie at Regine.

Sa inside front cover naman ay mababasa ang ilang verse ng kantang nilikha ni Ogie para kay Regine, ang "Ikaw ang Aking Pangarap":

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikaw ang aking pangarap

Ikaw ang sagot sa 'dasal

Puso ko ay iaalay

Pagka't minamahal kitang tunay

Ikaw ang aking pag-ibig

Ang nagbibigay kulay sa 'king daigdig.

Wala nang nanaisin pa

Kung magpakailanman ay kasama ka

Ikaw ang aking Pangarap.

Ang background ng lyrics ay mga batuhan sa dagat at bundok.

Sa loob ng invitation ay may pocket kung saan nakapaloob ang anim na larawan nina Ogie at Regine na iba't iba ang shots and sizes.

May kanya-kanyang title ang mga larawan.

GUEST INFORMATION. Ang pinakamaliit ay may title na "guest information."

May kuha silang nakatayo pa rin sa pavement ng pool at hawak-hawak ni Ogie ang puting payong. Nakatalikod silang dalawa at nakaharap sa bundok. Makikita rin na naka-crossed fingers ang dalawa.

Sa likod ng larawan ay nakasulat ang ilang detalye gaya ng kung ilang seats ang naka-reserve sa guest at kung ano ang attire.

Bagamat strickly formal ito, may nakasaad na mga kulay na damit na nire-requiere para sa wedding: Light grey or beige suit with pastel colored dress shirt. Pastel colored flowing dress.

Ina-advice sa mga babae ang wedge shoes dahil gagawin sa beach ang kasalan. Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng red dress dahil naka-red gown nga si Regine.

Nakasaad din sa invitation ang pagbabawal sa mga camera at camcoders during the ceremony at sa reception.

Ang isa namang larawan ay may pamagat na "Ogie and Regine" kung saan masaya silang magkahawak-kamay na naglalakad.

Nasa likod nito ang mga pangalan ng parents ni Regine na sina Mr. Gerardo Velasquez, na mas kilala bilang si Mang Gerry, at si Mrs. Teresita Velasquez.

Ang parents naman ni Ogie ay sina Mr. Herminio Alcasid Sr. at Mrs. Herminia Alcasid.

Nakasulat din dito ang date, araw, oras, at lugar ng pagdarausan ng wedding, pati na ang cocktails at dinner.

THE WEDDING ENTOURAGE. Ang isa namang larawan may titulong "wedding entourage."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa akto si Ogie na hinahalikan niya sa pisngi ni Regine habang nakapikit ang huli.

Naka-beaded strap dress si Regine, samantalang naka-long sleeves na white naman si Ogie.

Nakasulat sa likod ng larawan ang mga bumubuo ng entourage:

Bible bearer si Sarah Kate Van Eimeren Alcasid (bunsong anak ni Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren).

Ring bearer si James Roque.

Vow bearers naman sina George at John (mga alagang aso nina Regine at Ogie).

Candle bearers sina Michelle Van Eimeren at ang Australian husband nito na si Mark Morrow.

Flower girls sina Charlize Jolene Velasquez, Sabriya Ramsey Gotidoc (anak ni Jaya), Isabelle Gianna Danielle Sese, at Elisha Pineda.

Ang huling larawan ay may pamagat na "Alcasid-Velasquez Nuptials."

Nakaupo sa batuhan sina Ogie at Regine. Nakahilig ang songbird sa singer composer habang masuyo silang magkahawak-kamay.

Sa likod ng photo nakasulat ang mga pangalan ng principal sponsors: Mr. Jose Mari Chan, Ms. Victoria Belo, Mr. Felipe Gozon, Ms. Sharon Cuneta, Mr. Ronnie Henares, Ms. Ida Henares, Mr. Orlando Ilacad, Mrs. Wilma Galvante, Mr. Michel Lhuillier, Mr. Amparito Lhuillier, Mr. German Moreno, Ms. Nanette Inventor, Mr. Manny Pangilinan, Mrs. Ma. Rosario Legarda, Mr. Vic del Rosario, Mrs. Lily Monteverde, Mr. Freddie Santos, Ms. Anastacia Puno, Mr. Antonio Tuviera, at Mrs. Crisanta Villanueva.

Ang best man ay si Antonio Alcasid at ang maid of honor naman ay si Leila Isabel Van Eimeren Alcasid (panganay na anak nina Ogie at Michelle).

Kabilang sa groomsmen si President Benigno Aquino III. Kasama rin dito sina Mr. Roberto Adriano, Mr. Fernando Avanzado (Dingdong Avanzado), Mr. Ruben Lugtu, Mr. Jose Avelino Flores, Mr. J. Antonio Nazareno, Mr. Beethoven Bunagan (Michael V), Mr. Janno Gibbs, at Mr. Archimedes Castillo.

Ang mga bridesmaid naman ay sina Ms. Svetlana Tasha Mitra, Ms. Janelle Amanda Avanzado (anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza), Ms. Leanna Julia Mitra, Ms. Yleina Ezri Mitra, Ms. Allanah Kirsten Mitra, Ms. Maria Brianna Bunagan (anak ni Michael V), Ms. Michaela Celine Adriano, at Ms. Nicole Diane Manieo Flores.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pinakamaliit na larawan na nakalagay sa pocket ay may pamagat na "We're Getting Married," na may iba't ibang maliit na shots nina Ogie at Regine.

Nakasulat sa likod ang pasasalamat ng dalawa sa pagdalo ng mga invited guest.

Nakalagay rito ang anim na box na may corresponding charitable institutions na gustong bigyan ng donations ng mga dadalo sa kasal.

Sa halip na gifts, sa mga nakasulat na charitable institutions na lang gustong ibigay ng dalawa ang kanilang matanggap.

Ang mga ito ay ang C.U.R.E. Foundation, Childhope Asia Philippines, Bridges Foundation Inc., Gawad Kalinga, Operation Smile Philippines, at ang "for the benefit of the doubt...regine and ogie" na may smiley.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN