Melai Cantiveros admits boyfriend Jason Francisco sleeps over at her house

"Hindi naman. 'Tsaka hindi ko naman pinapa-feel yun sa kanya kasi hindi ko din napi-feel yun sa kanya kasi masaya siya sa akin. Masaya siya sa nararating ko at nagtutulungan naman kami," says Melai Cantiveros when asked if there is rivalry between her and boyfriend Jason Francisco in terms of progress in their showbiz career.


Hindi na talaga mapigilan ang Pinoy Big Brother (PBB) Double Up Big Winner na si Melai Cantiveros sa pag-alagwa ng kanyang showbiz career.

Bukod sa endorsement niya sa Bench kasama ang Big 5 ng PBB Double Up, isa na namang endorsement para sa Unitech, ang appliance arm ng kumpanyang Unitop, ang pinirmahan ni Melai kahapon ng tanghali, Disyembre 17, sa Heritage Hotel sa Pasay City.

Masayang-masaya at hindi makapaniwala si Melai sa bago niyang endorsement.

Ayon sa komedyana, hindi pa niya naikukuwento ang bagong endorsement niya sa kanyang pamilya.

"Siguro matawa talaga yung mga taga-GenSan, o yung [mga] taga-sa amin, kasi ako na yung endorser ng Unitech."

Marami mga magandang nangyari kay Melai ngayong taon.

Noong Pebrero 13 ginanap ang "Big Date on the Big Night" ng PBB kung saan si Melai ang itinanghal na Big Winner. Mula noon ay tuluy-tuloy na ang guestings at projects ni Melai sa bakuran ng ABS-CBN.

Naging parte siya ng katatapos lang na primetime show na Kokey@Ako. At sa kasalukuyan ay kasama siya sa reality program na I Dare You at sa comedy gag show na Banana Split.

"This year, so very blessed, blissful, chenes!" bulalas ni Melai.

"I'm so inspired na nangyari ito sa akin kasi nga, di ba, normal na tao ako before, tapos nangyari sa akin ito ngayon. So, kailangan ko na talaga mag-thank kay God."

Pero nagi-guilty raw siya na hindi na siya nakakapag-simbang gabi.

"Two days na ngayon. Pero okay lang kasi nagtrabaho ako until 7 a.m. So, hindi na ako makakapag-simbang gabi nito. Kailangan ko lang mag-pray," ani Melai.

Noong mga nakaraang taon, bago siya pumasok sa Bahay ni Kuya, ay nakukumpleto raw niya lagi ang simbang gabi.

"Gigising talaga ako ng over-over para lang mag-simbang gabi!" bulalas ni Melai.

CHRISTMAS PLANS. Ano ba ang plano ni Melai ngayong Pasko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bibigyan ko ng bonggang-bonggang Christmas party yung mga pinsan ko," mabilis niyang tugon

Paliwanag niya, "Kasi nga dati, yung mga Christmas party namin, puro bihon!

"Araw ng mga patay, bihon; araw ng mga kuwan, bihon pa rin; Christmas party, bihon pa rin.

"Lagi na lang bihon at biko.

"So, ngayon, spaghetti 'tsaka lechon!"

Uuwi raw si Melai ngayong Pasko sa bahay nila sa General Santos City.

Paano na ang St. Monique Valais house and lot sa Rizal na parte ng napanalunan niya sa PBB?

"Paano naman yung bahay kung wala kang family dun?" sagot ni Melai.

Nagbiro na lang siya at sinabing, "Okay lang 'yon. Pagdating ko i-pray-an ko na wala siyang multo kasi kailangan ko talagang makita yung family ko."

Dagdag pa niya, "Yung mga pinsan kong maliliit na mukhang yagit, nami-miss ko talaga sila. Kaya bonggang-bongga 'yong mga ibibigay kong mga regalo!"

ATTITUDE PROBLEM? Ngayong sikat na siya, may mga bali-balita na lumalaki na raw ang kanyang ulo. Pero ipinaliwanag naman ito ni Melai sa panayam sa kanya.

"Kasi nga, kalimitan ako nale-late. Kaya malaki nga ulo ko daw," sabi niya.

Tumigil ito sandali at nagbiro ng, "Pero so far, hindi pa naman malaki, wala pa naman tumor!"

Pero aniya, sa seryosong tono, "Siguro normal lang naman 'yon, at least meron kang ma-learn na lesson. Kasi hindi naman ikaw ang tumitingin sa sarili mo, yung iba naman."

SMOOTH RELATIONSHIP. Samantala, pinabulaanan naman ni Melai ang balita na binubugbog daw siya ng on- and off-screen partner niya na si Jason Francisco.

"Matagal na 'yon [na issue]," sabi ni Melai.

Dagdag niya, "Kaming dalawa ang nagbubugbugan. Yun ang aming way of kuwan, para hindi kami sabihang sweet.

"Kasi ang OA [overacting] naman kung sabihan kami na, 'Uy, ang sweet!' Nahihiya kasi kami."

Pinabulaanan din niya ang balita na hiwalay na sila ni Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman. Lagi siyang pumupunta sa bahay, lagi din kaming gumagala.

"Ngayon kasi, may I Dare You ako, meron din akong Banana Split. So over over ako ka-busy," paliwanag niya.

"Siya, next year, meron din kasi kaming gagawin na pasabog, time bomb!"

Ngunit inamin ni Melai na lagi silang nag-aaway ni Jason.

"Araw-araw!" sambit niya.

"Minsan yung mga gamit. Maloko 'yan, kasi minsan nilalagay sa akin yung mga cockroach. Maloko na sobra sa pagkaloko nag-aaway na."

Para sa kanilang bonding time, madalas silang manood ng sine, o kung kaya nagba-bonding sa bahay ni Melai sa Rizal.

"Pag alam niya nasa bahay ako, pumupunta din naman siya doon. Nag- sleepover tapos uwian na, para may time lang na mag-usap.

"Smooth naman [ang relationship namin]," paglalarawan ni Melai.

Hindi ba nai-insecure si Jason sa mga nakukuha niyang projects?

"Hindi naman. 'Tsaka hindi ko naman pinapa-feel yun sa kanya kasi hindi ko din napi-feel yun sa kanya, kasi masaya siya sa akin. Masaya siya sa nararating ko at nagtutulungan naman kami.

"Nagtutulungan talaga kami kasi kaming dalawa yung magkakilala bago kami pumasok dito [sa showbiz]. So, kami yung nagtutulungan ng over at saka siyempre inspiration," saad ni Melai.

CHRISTMAS PLAN WITH JASON. Ano naman ang Christmas plans nilang dalawa?

"Magpakasal!" ang mabilis na sagot ni Melai sabay tawa.

"Ang plan namin maghiwalay muna kami ngayon kasi pupunta muna ako sa parents ko.

"One year na kaming... Kasi last year dun kami sa PBB nag-Christmas, so punta muna ako sa family ko, siya sa family niya.

"So, pagbalik niya, magkakaroon na kami ng family!" biro ni Melai.

Nasa plano na ba nila ang magpakasal?

"Ay, hindi po. Kasi bata pa kami, sobrang bata pa namin.

"Kasi pag iisipin mo 'yan, sobra na pagka-love at baka masaktan ka sa huli, so smooth lang," sagot ng 22-year-old comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON EX-BF. Sa pag-uwi ni Melai sa GenSan, may posibilidad na magkita sila ng ex-boyfriend niyang si Roy Patalinghug, na dati'y balitang pinagseselosan ni Jason.

"Hindi kami magkikita nun... Baka magkita kami kasi friends din kami 'tsaka kasi may girlfriend na 'yon.

"At nakabuntis na iyon!" pambubuko ni Melai.

Hindi ba siya na-hurt nang nabalitaan niya na nakabuntis ng iba si Roy?

"Hindi naman ako na-hurt, pero na-stress lang ako sa kanya kasi siyempre kawawa naman yung mga kapatid niya," aniya.

Pero diin niya, "I'm super over! Wala na akong napi-feel sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN