Sharon Cuneta easily shifts between showbiz and baking

"Nata-touch ako na laging may surprise Siya sa akin na nangyayari whenever I think of slowing down talaga... Parang lagi Siyang nagsasabi na, 'Huwag muna, may gagawin pa tayo.' Parang gano'n," says Megastar Sharon Cuneta.


Isa sa mga nakakahiligan ngayon ng Megastar na si Sharon Cuneta ay ang pagbe-bake at pagluluto. At ang specialty niya pagdating sa baking ay ang carrot cake.

Gaya ng kanyang estado sa showbiz, sikat na sikat din ang carrot cake ng Megastar sa mga nakatikim na ng "secret recipe" niyang ito.

At sa kauna-unahang pagkakaton nga ay niregaluhan niya ang mga kaibigan niya sa entertainment press ng specialty niyang ito sa thanksgiving/Christmas party na ipinatawag niya kaninang hapon, December 17, sa Ruby function room ng Holiday Inn sa Ortigas, Pasig City.

Ayon kay Sharon, bukod sa mga nakagawian na niyang regalo sa press ay naisipan niyang magbigay ng kakaibang regalo ngayong taon na siya talaga ang gumawa.

"Parang labor of love ko talaga," sambit niya.

Ilang araw raw talagang pinaghirapan ng Megastar ang paggawa ng carrot cake.

Kuwento pa niya, "Hindi talaga ako nakatulog ng dalawang gabi. Kasi, nagwo-work ako sa araw. Or, merong schedules yung mga anak ko.

"So, talagang I had to make time for it talagang madaling-araw."

"The first night, ako lang talaga mag-isa kasi naaawa ako sa yaya namin at sa mga kasambahay... Tapos kanina, nagpatulong talaga ako sa frosting dahil ang dami!"

Gusto raw kasi ni Sharon na mapamahagi na lahat ng carrot cakes para maaga silang makaalis ng kanyang pamilya papuntang probinsiya bukas, December 18.

"Basta ako, pinaka-excited ako sa cake ko kasi ako talaga ang nagpakahirap nun!" sambit niya.

CARROT CAKE BUSINESS. Bukod sa pagreregalo samalalapit niyang kaibigan, ginawa na ring negosyo ni Sharon ang pagbe-bake ng carrot cake.

Nagsimula raw ang lahat dahil sa kaibigan niyang si Fanny Serrano, na personal makeup artist din ng Megastar.

Kuwento niya. "Alam mo, nakakatuwa, kasi sabi ko noon kay Tita Fanny, noon pa namin pinag-uusapan 'yan.

"Sa parlor kasi, nagpapadala ako para sa sarili lang niya. Ipapatikim sa ibang mga customer niya, sa mga kliyente niya. Yung iba artista, yung iba hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi niya muna sasabihin kung sino [ang nag-bake]. Pag natikman na, 'Ang sarap!' gaganun sila.

"Sasabihin niya [Fanny], 'Guess sino ang nag-bake? Si Sharon!'

"Siguro, five years ago, may mga umu-order sa akin. Yung iba, hindi nga alam na ako.

"Kasi nireregaluhan yung mga um-order, tapos tatawag sila sa number, hindi nila alam ako yung nagbe-bake.

"So, meron pa ngang once nasa Dubai ako, magku-concert, e. May tumawag sa secretary ko, magkasama kami sa van papunta na ng venue, sabi, 'Ay, sorry po, kasi yung baker nasa Middle East.' Hindi nila alam na ako!" natatawang lahad ni Sharon.

Dagdag niya, "Nakakatuwa, maraming umu-order dahil masarap, hindi dahil ako lang. Maraming nasasarapan.

"So, ang nangyari, sabi ni TF [tawag kay Fanny], 'O, di mag-ano tayo pagbukas ng bago kong parlor.' Sabi ko, 'Di pa-slice-slice lang kung gustong bumili ng mga customer mo.' 'O, di sige.'

"E, biglang may nagtanong sa presscon ko sa North Edsa, wala na, kumalat na! Ngayon, papaano na? E, di wala na akong tulog! Kasi ang dami nang order!" tawa niya ulit.

"Ang dami nang umu-order through Tita Fanny, through Peachy, my other makeup artist. So, kinikilig naman ako siyempre!

"So, I'm just gonna cost them dahil siyempre, yung pag-bake nung malaki, it's just a bit more expensive than whatever is in the market.

"Kasi it's really homemade, and I don't skimp on the ingredients. Saka ako talaga yung gumagawa.

"Tapos, ang gagawin ko, baka naman maging mahal for the other people who want to buy, I also make them in small sizes and also in mini-bun sizes, yung mas malaki lang ng konti sa cupcakes."

Pero wala naman daw balak si Sharon na gawing full-time career ang pagbe-bake ng cake.

"Siyempre, yung kinikita ko sa showbiz, hindi mo talaga maku-compare sa pagbe-bake. Pero isa 'yan sa passions ko," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COFFEE SHOP. Totoo bang magbubukas sila ni Fanny ng coffee shop sa bagong puwesto ng parlor nito?

Sabi ni Sharon, "Si TF kasi, nung pinag-uusapan namin yung cake, nagka-idea siya bigla... Yun ang ikinukuwento niya, coffee shop, kasi meron siya nun sa dati niyang parlor, wala pa ako.

"So, ang nangyari, akala ng lahat magkakaroon ng coffee shop, as in lahat ng pagkain meron.

"Actually, mine will be the cakes, and maybe some pasta dishes, yung mga alam kong lutuin.

"So, lahat sa parlor niya. Kaso mo, papasok ka talaga sa parlor niya. Ang laki ng kitchen, ginawan niya ako!" napabungisngis na naman si Sharon.

"Tapos, nasa may boutique niya, sabi niya, 'Habang nagsusukat sila, may pa-coffee-coffee saka cake.' Alam mo naman si Lola!

"So, actually, kinikilig ako dahil dream ko yun nung bata ako, e. Dream ko 'yon. So, natutupad na."

FRANKIE & MIEL. As early as now, mukhang may susunod na sa yapak ni Sharon pagdating sa pagbe-bakeā€”ang panganay nilang anak ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie, 10.

"Oo, kanina, nagbe-bake na naman ng peanut butter cookies kasi hit na hit, e. Parang magbebenta siya!" tawa ni Sharon.

"So, Frankie also wants, pag hindi siya busy with school, gusto niya mag-bake ng cookies niya na peanuts. It's just cute. I love it!"

Kasama naman ni Sharon na pumunta kanina sa Holiday Inn ang pangalawa nilang anak ni Senator Kiko na si Miel, 6.

"Tapos si Miel, talagang gustong sumama sa akin. Talagang last minute, nagpaalam sa daddy niya."

Mahilig din bang mag-bake si Miel?

"Si Miel always likes to help. Slowly natututo siya."

Habang ini-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Sharon, tahimik lang na naglalaro sa kanyang iPad si Miel sa kanyang tabi.

"Saka hindi siya humihiwalay talaga sa akin," banggit ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo, sabi ko nga, kahit kumakain ka, kailangan merong time na ki-kiss siya, yayakap siya.

"Saka kahit ano ang ginagawa, basta magkadikit kami, kahit na sa kuwarto."

Nakikitaan din ba niya ng hilig sa pag-aartista ang dalawang anak nila ni Senator Kiko?

"At this point, parang may ano ito [Miel] na singing senator siya... Ay, si Frankie pala 'yon," pagtatama ni Sharon sa kanyang sarili.

Kaya ang ginawa ni Sharon ay tinanong na lang niya ang anak: "Baby, what do you want to be when you're big na?"

Sagot ni Miel: "Dancer and actress."

"Naku, showbiz na!" tawa ni Sharon. "Actress, bago 'yon, bago 'yon. Ngayon ko lang narinig ang actress.

"Okay baby, I will alalay to you," sabi pa niya sa anak.

Okay lang ba kay Sharon kung sakaling pasukin din nina Frankie at Miel ang showbiz?

"Ay, oo, okay lang sa akin... Ewan ko lang kay Senator, ewan ko kay Kiko!" tawa niya muli.

"Sa akin, okay lang. I think, like KC, magtapos lang ng school, okay na."

Si KC Concepcion ang anak ni Sharon sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.

EVENTFUL YEAR. Bagamat dumaan din sa ilang intriga si Sharon, maituturing pa rin niyang "eventful" ang 2010.

"Alam mo, hindi naman ako pinapabayaan ng Diyos talaga. Wala namang panggagalingan niya kundi Siya, di ba?" sabi niya.

"Nata-touch ako na laging may surprise Siya sa akin na nangyayari whenever I think of slowing down talaga... Parang lagi Siyang nagsasabi na, 'Huwag muna, may gagawin pa tayo.' Parang gano'n."

Isa raw sa ipinagpapasalamat niya ngayong taon ay ang paglabas ng sarili niyang perfume, ang Loving.

"Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, sobra akong excited at gusto kong magpasalamat sa lahat ng bumibili ng pabango ko, kasi ayaw muna ng partner ko na ilabas muna yung billboard dahil wala na kaming stocks!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, if the bottle stones come right away, baka gawan namin ng paraan.

"Temporarily lang, we might have to use other bottles. But the exact same box, the exact same pabango, of course.

"We won't change the quality at all. Yung bote lang siguro ang maiiba for a while lang," paniniguro ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN