Valerie Concepcion on rumored axing of Pilipinas Win Na Win!: "Hangga't hindi pa sinasabi sa amin, I don't want to assume anything."

"Hindi ko rin naman isinasara ang possibility na mag-work ako sa ibang network. Basta kung saan may trabaho, go ako doon. Open ako sa lahat. I'm open like a carenderia!" says Valerie Concepcion.


"Prodigal daughter."

Iyan ang tawag ni Valerie Concepcion sa kanyang sarili dahil sa ginawa niyang pagbabalik kina Drs. Manny and Pie Calayan bilang endorser. Mula kasi sa Calayan Surgicenter noon ay lumipat siya sa ibang beauty clinic.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Valerie sa launching niya bilang endorser cum Christmas Party ng Calayan para sa mga kaibigan nila sa showbiz na ginanap sa Bahia function room sa Hotel Intercon noong December 15.

Agad ngang tinanong ng PEP kay Valerie kung paano nangyari na kinuha ulit siyang endorser ng Calayan?

"Ang nangyari kasi, nag-expire na yung contract ko kay Dra. [Vicki] Belo.

"And then, sakto, nagkita kami ni Doc Manny. Tapos sabi niya, 'Tara, balik ka sa Calayan.'

"Pumayag ako kasi nung umalis din naman ako sa Calayan, wala naman kaming bad blood.

"'Ay naku, Doc, sige. Usap tayo nina Tita Becky [Aguila, manager ni Valerie]. Walang problema.'

"Siyempre masaya ako. At least, tinanggap ulit ako ni Doc," saad ni Valerie.

Nagkaroon ba siya ng isyu kay Dra. Belo?

"Ay, wala!" sambit ni Valerie.

"Okay naman kami ni Dra. Belo. It's just that nag-expire na yung kontrata ko sa kanya. Yun lang yun.

"Nagkataon nga kasi nag-offer din si Doc Manny, so hindi na ako nagdalawang-isip kasi I'm from Calayan din before."

Facial at body scrub lang daw ang usual na pinagagawa niya sa Calayan Surgicenter at never pa siyang nag-undergo ng surgical procedure. Pero kung meron siyang ipapaayos kay Doc Manny, anong parte ng katawan niya 'yon?

"Before pa, gusto kong magpagawa ng ilong. Kasi lahi namin ang matangos pero palapad!" natatawang sabi ni Valerie.

"Gusto ko sanang magpabawas. Pero sabi ni Doc, bagay na raw sa face ko yung ilong ko, so ayaw niyang galawin."

PILIPINAS WIN NA WIN!. Hindi rin pinaligtas ng PEP si Valerie sa mga intriga at hiningan namin siya ng komento sa napapabalitang matatanggal na umano ang Pilipinas Win Na Win! (PWNW) kung saan isa siya sa co-hosts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pagbabawas ba ng oras ng show nila ay nangangahulugang any time ay mawawala na ito sa ere?

"Hindi naman," sagot ni Valerie.

"Wala pa namang nanggagaling sa management na tatanggalin.

"Hangga't hindi pa sinasabi sa amin, I don't want to assume anything.

"Ayokong makinig sa mga hearsay. Ayokong mag-isip.

"Kumbaga, ano ako e, I'll just go with the flow."

Pero happy pa ba siya sa PWNW?

"Oo naman. Kasi may anak ako. So, kung saan ako may trabaho, happy ako basta may trabaho," sagot ng single mother.

May balita ring ang bagong game show ni Kris Aquino na The Price Is Right ang ipapalit sa PWNW. Ano ang masasabi niya rito?

"Oo nga, narinig ko rin 'yan, e. Pero ewan ko, hindi pa naman sinasabi sa amin."

WORKING FOR ANOTHER NETWORK? Hindi ba siya nagwo-worry dahil pag nawala ang PWNW ay wala na siyang show sa ABS-CBN, lalo na hindi naman siya nakakontrata sa network?

"Hindi naman ako nagwo-worry kasi feeling ko naman, hindi naman ako pababayaan ni Lord.

"Kung mawawala man ang Win Na Win!, hindi ako natatakot kasi marami naman akong pupuntahan," sabi ni Valerie.

Posible ba na lumipat na rin siya ng network lalo na't umuugong ang balita na baka lumipat na siya sa TV5?

"Hindi ko rin alam, e. Sabi ko nga, go with the flow lang ako. So, we'll see by 2011.

"Pero hindi ko rin naman isinasara ang possibility na mag-work ako sa ibang network.

"Basta kung saan may trabaho, go ako doon.

"Open ako sa lahat. I'm open like a carenderia!" biro pa ni Valerie.

Bukod sa pagho-host ay umaarte rin naman si Valerie. Pero ang huling soap pa niya sa ABS-CBN ay ang Momay. Napu-frustrate ba siya na hindi siya nabibigyan ng acting projects sa Dos?

"Hindi naman. Kasi last September, ABS asked me if I want hosting or acting. Ako yung pumili ng hosting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi stable kasi yung suweldo mo doon na every month makukuha mo. At least naka-budget ka.

"Kasi pag teleserye, hindi mo naman alam kung gaano katagal yung show, three months o six months o one year, di ba? Tapos hindi mo alam kung kailan ka ulit magkaka-project.

"So, yung security-wise yung pinili ko bilang may anak ako."

Posible ba na lapitan niya si Willie Revillame para makalipat siya sa Willing Willie ng TV5?

"Ayokong magsalita ng tapos," sagot ni Valerie.

"I've always been thankful to Kuya. I love him so much. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil siya ang nakatulong para maging host ako.

"But now, hindi pa naman pumapasok sa isip ko na lumapit sa kanya. But I'm not saying na hindi darating yung ganung point.

"Sabi ko nga, hindi ko kinu-close yung doors ko. At saka okay naman kami, wala naman kaming bad blood ni Kuya."

HOLIDAY PLANS. Ano ang Christmas plans niya?

"Trabaho, puro trabaho. Kasi sa December 22 hanggang 26, may trabaho ako, may raket ako.

"December 24 and 25 lang talaga yung bakasyon ko. Feeling ko mag-stay lang ako sa bahay," sabi niya.

How about sa New Year?

"Sa bahay lang din ako. Kasi si Pokie [Pokwang], naimpluwensiyahan niya ako na dapat pag New Year, nasa bahay ka lang.

"Nagpapaagaw ka ng pera at barya para suwerte. Maraming bilog-bilog."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN