Michelle Van Eimeren "very happy" for ex-husband Ogie Alcasid and his wife Regine Velasquez

"My children, my husband and I, mahal ko kayong dalawa. We all love you so very much. We're very happy," says Michelle Van Eimeren (extreme left) about newlyweds Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Michelle came with her second husband, Mark Morrow (extreme right).


Isa sa espesyal na bisita sa kasal nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez noong December 22 sa Terraza de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas, ang dating Australian beauty queen na si Michelle Van Eimeren.

Si Michelle ang unang asawa ni Ogie at ina ng kanilang dalawang anak na sina Leila at Sarah. Kasama ni Michelle na dumalo sa kasal ang dalawang anak, at ang Australian husband niyang si Mark Morrow.

May "special participation" din sina Michelle, Mark, Leila, at Sarah sa kasal nina Ogie at Regine. Candle bearers sina Michelle at Mark, maid of honor si Leila, at Bible bearer naman si Sarah.

Si Michelle din ang gumawa ng bulaklak na nasa wrist ni Regine at ang bouquet entourage.

Sa panayam ng Startalk kay Michelle sa wedding reception, nakangiti nitong sinabi na ilang oras lang ang tulog niya dahil sa paggawa ng mga bulaklak.

"Medyo puyat pa ako. Kasi ginawa ko yung mga bulaklak hanggang alas-kuwatro ng umaga. So, konting tulog ko kanina, pero basta maganda sa kanila," sabi ni Michelle, na matatas pa rin sa pagsasalita ng Tagalog.

Hanggang sa December 28, Martes, lang daw mananatili sa Pilipinas sina Michelle at babalik na sila sa Australia.

Instead of a honeymoon, isang family vacation daw ang magaganap after ng wedding.

"Hindi ko sure kung dapat sabihin ko, pero Bohol yata ang pupuntahan namin," banggit ni Michelle.

Ano naman ang masasabi niya kay Regine bilang isang bride?

"Stunning! Absolutely stunning! She's just a vision talaga," sagot ni Michelle.

As for her ex-husband, Ogie, ito naman ang sinabi ni Michelle: "You know, he's like parang kapatid ko. So, I could say talaga na ito ang gusto niya sa buhay niya. He just looks so happy, so I'm very happy for him."

VERY GOOD FRIENDS. Marami naman ang humahanga, at tila hindi makapaniwala, na nanatiling matalik na magkaibigan sina Michelle at Ogie pagkatapos nilang maghiwalay. Bukod dito, naging pamilya na rin ang turing ni Michelle kay Regine, at ni Ogie kay Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang sikreto sa magandang samahan nila sa kabila ng mga pinagdaanan nila?

"Walang secret," nakangiting sabi ni Michelle.

"Dapat yung puso mo, talagang it's true. Dapat isipin yung mga anak mo.

"So, siyempre, si Ogie at ako, isipin namin yung dalawang anak namin. Yung importante sa amin, masaya sila at confident sila sa family.

"Meron silang dalawang set ng magulang, and all of us love them very much. So, 'yan ang importante sa amin."

Nahingan din ng pahayag ng Startalk ang husband ni Michelle na si Mark Morrow at ang dalawang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.

Mark: "I just wanna wish them well. It's a lovely day and I just wish them happiness in the future."

Sarah: "Congratulation and I love them both. I'm just so happy for them."

Leila: "Congratulation. And I'm very happy for both of you."

Bilang ex-wife ni Ogie, masayang-masaya raw si Michelle para kina Ogie at Regine.

"Basta, sobrang sayang-saya kami para sa inyong dalawa and sobrang ganda-ganda ng ceremony ninyo, and truly touching sa puso yung mga sinasabi niyo sa isa't isa.

"My children, my husband and I, mahal ko kayong dalawa. We all love you so very much. We're very happy."

Last year, sa kasal nina Michelle at Mark sa Australia ay dumalo rin sila Ogie at Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN