PEP Special Year-End Report:Showbiz Triumphs in 2010

Manny Pacquiao's triple victory this year in boxing and politics and Charice Pempengco's spiralling fame on the international music scene allow us to hope that 2011 will be an even better year for Filipino talents worldwide.


Pangkaraniwang sinasabi na dalawa ang mukha ng entablado: malungkot at masaya.

Ngayong taon ay nasaksihan at nabalitaan natin ang mga nakalulungkot at nakagugulat na balita—mula sa pagpanaw ng ilang haligi ng industriya hanggang sa kaliwa't kanan na demandahan at alitan ng iba't ibang personalidad.

Subalit hindi naman puro dilim at gulo ang 2010 para sa showbiz, dahil marami pa ring magagandang kaganapan ang nakapagpangiti sa atin.

Kapansin-pansin na maraming personalidad ngayong taon ang lumikha ng ingay maging sa ibang bansa, katulad na lang ng mga aktor at direktor na walang pagod na inilalaban ang kanilang mga pelikula sa mga international film festivals.

Ang iba naman—katulad nila Manny Pacquiao at Charice Pempengco—ay lalo pang nakilala ang husay sa buong mundo.

At ngayong magsasara na ang taon, binalikan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at inilista ang ilang pangalang umani ng papuri sa publiko at kritiko dahil sa kanilang ipinamalas na tunay namang kahanga-hanga.

Alamin ang mga showbiz personalities na napasama sa aming listahan sa pamamagitan ng pag-click dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN