PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mico Aytona grabs opportunities coming his way after Survivor exposure; plays Dwentukin in Dwarfina

Mico relates lessons he learned after "Survivor Philippines."
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 7, 2011
"After kong makauwi from the game, malaki ang naging pagbabago sa akin. Hindi na ako naging dependent sa mommy ko or sa mga kapatid ko. Yung naging experience ko sa isla, nakabuti sa akin at natuto talaga ako na maging independent na," says Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway Mico Aytona.

Naging maganda ang takbo ng career ni Mico Aytona pagkatapos ng kanyang exposure sa Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Sunud-sunod na kasi ang guest appearances niya sa iba't ibang shows ng GMA-7 at regular pa rin siyang napapanood sa Walang Tulugan With The Master Showman.

Ngayon ay kasama siya sa cast ng bagong telefantasya ng GMA-7, ang Dwarfina. Ginagampanan niya rito ang role ni Dwentukin, ang duwendeng magbabantay kay Dwarfina (Heart Evangelista).

"Excited ako to be part of Dwarfina. Ito ang first primetime series ko sa GMA-7 at si Heart pa ang bida," nakangiting sabi ni Mico nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Dwarfina noong January 4.

Kuwento pa niya, "Matagal ko nang kilala si Heart at nagkatrabaho na kami niyan before noong nasa kabilang TV station [ABS-CBN] pa kami.

"Ngayon kasi, hindi pa kami nagkakasama sa taping. Pero almost all my scenes ay kasama ko si Heart at ang ibang mga duwede sa series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Medyo comedy ako dito kasi ako yung laging inaantok na duwende, pero ako ang dapat nagbabantay kay Dwarfina. So, marami akong mga palpak na gagawin dito sa pagbantay ko sa prinsesa."

LIFE AFTER SURVIVOR. Maraming nagbukas na opportunities kay Mico right after niyang ma-vote out sa Survivor Philippines. Nagpapasalamat nga siya sa mga patuloy na nagbibigay ng trabaho sa kanya.

"Super happy ako kasi right after Survivor Philippines, dumami ang guestings ko at parati tayong may shows out-of-town.

"Nakakapagsayaw na rin ako paminsan-minsan sa Party Pilipinas. Kahit na natapos yung Ka-Blog, marami naman ang ipinalit na blessings.

"Pero noong isama ako sa cast ng Dwarfina, talagang natuwa ako kasi napansin na rin ako sa wakas. At ibinagay nila sa akin yung role ko sa series.

"Ako naman, basta trabaho, hindi tayo hihindi. Ang maganda, first primetime series pa ito ng GMA-7 for 2011 kaya ang suwerte naman naming nasa cast. Pabuena-mano kami ng GMA-7," saad ni Mico.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FELLOW CASTAWAYS. Tinanong ng PEP si Mico kung nagkaayos na ba sila ng kapwa niya castaway sa Survivor Philippines na si Ian Batherson. Ang Fil-Am StarStruck V alumnus kasi ang nagbuyo kay Solenn Heussaff na iboto siya kaya siya napatalsik sa isla.

"Naintindihan ko naman ang ginawang 'yon ni Ian. Kanya-kanya kaming mga paraan para tumagal kami sa isla," sabi ni Mico.

"Ang mali ko lang is hindi ako yung pursigido kasi naging kampante ako kina Solenn, Aira [Bermudez], at Moi [Bien]. Hindi ko alam, sila pala ang boboto sa akin.

"Nagulat lang ako noong malaman ko na isa si Solenn sa bumoto sa akin. Solid kaming dalawa niyan, e.

"Noong makausap ko si Ian, sinabi niya na ang nagbuyo raw kay Solenn na iboto ako was Ahron [Villena]. Tapos noong umere na yung episode, si Ian pala ang nagbuyo kay Solenn na ako ang iboto.

"Medyo nagtampo. Pero noong si Ian na ang natanggal after ko, natuwa ako doon kasi parang, 'Ayan, siniraan mo kasi ako kay Solenn, ikaw tuloy sumunod na natanggal!'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero okey naman kami ni Ian. Tapos naman na 'yon. It was a great experience para sa aming lahat.

"Hindi naman ako nagalit kay Solenn that time. Naintindihan ko rin naman siya. Up to now, magkakaibigan kami. Minsan lumalabas kaming lahat kung hindi kami busy."

MR. INDEPENDENT. Dahil sa naging experience ni Mico sa isla, natuto siyang maging independent. Inamin niyang Mama's boy siya noon at sanay siyang may nag-aasikaso sa kanya.

"After kong makauwi from the game, malaki ang naging pagbabago sa akin. Hindi na ako naging dependent sa mommy ko or sa mga kapatid ko.

"Yung naging experience ko sa isla, nakabuti sa akin at natuto talaga ako na maging independent na.

"Sinubukan ko ngang tumira on my own after the show. Kumuha ako ng condo unit na malapit sa GMA-7 para maranasan ko na ang maging independent.

"Okey naman for the first two months kasi I was on my own. Nagkaroon lang ng hindi magandang kaganapan kaya bigla akong napabalik sa bahay namin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BAD EXPERIENCE. Nanakawan si Mico at malaking halaga ang nanakaw sa loob ng condo unit niya. Puwersahan daw na binuksan ang kanyang pinto at mabuti na lang daw at yung pera lang ang natangay.

"Talent fee ko yun sa ginawa kong raket. Cash yung ibinayad kaya noong umuwi ako sa condo, iniwan ko lang doon sa bedroom at umalis ako agad. Hindi ko alam na may nagmamanman na pala sa akin that time.

"Nalaman ko na nanakawan ako noong tumawag sa akin ang kapatid ko kasi pinapunta ko siya sa unit ko at nagulat siya na sira na yung pinto at magulo na sa loob.

"Nakakapagtaka lang, nangyari yung nakawan around 10 ng gabi. So, malamang may mga nakarinig na binubukas ang pintuan ng unit ko.

"Kasi, may bakat ng mga sapatos sa pinto, so tinadyakan nila yung pinto. E, compound style yung tinitirhan ko, e, kaya imposibleng walang makapansin sa mga 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Noong pinaimbestigahan ko, sinabi sa akin na malamang inside job 'yon. Tagaroon lang daw ang mga trumabaho.

"Pero pinabayaan ko na lang kasi wala namang nasaktan at pera lang ang nakuha. Yung ibang mga gamit ko, hindi naman kinuha. Talagang pera lang ang hanap nila.

"Kaya napilitan akong i-give up na yung condo at bumalik ako sa bahay namin.

"May tinitingnan pa rin naman akong lilipatan ko, pero gusto ko yung safe na lugar. Yung okey ang security at mapagkakatiwalaan ang mga nasa paligid."

LOVELESS. At 22 years old ay walang girlfriend ngayon si Mico. Ang last relationship daw niya ay noong January 2010 pa. One year na raw siyang walang seryosong girlfriend.

"Oo nga at one year na pala. Kinaya ko pala!" tawa niya.

"Marami naman tayong nakikilala, e. I go out on dates naman. Pero nothing serious talaga.

"Mas okey ang ganito kasi bata pa naman tayo and it's good to meet a lot of girls. Maaga kasi tayong natutong manligaw at magkaroon ng girlfriend kaya parang this time, wala muna. Mas okey naman pala!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sooner or later, mahahanap mo yung babae na para sa iyo talaga. Darating naman ang panahon na you will get tired of dating at papunta na sa serious relationship ang gusto mo.

"But for now, happy and single muna tayo at ang trabaho muna ang seseryosohin natin," sabi ni Mico.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"After kong makauwi from the game, malaki ang naging pagbabago sa akin. Hindi na ako naging dependent sa mommy ko or sa mga kapatid ko. Yung naging experience ko sa isla, nakabuti sa akin at natuto talaga ako na maging independent na," says Survivor Philippines Celebrity Showdown castaway Mico Aytona.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results