Rodrigo Duterte leads partial, unofficial results for president

May 9, 2016
<p>Mayor Rodrigo Duterte: "Of course, I am happy. But I do not make conclusions out of the partial returns because this could change radically."</p>

Nangunguna ngayon sa partial and unofficial results, base sa COMELEC-GMA Mirror Server, si PDP-Laban presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte.

Halos nasa limang milyon na ang kalamangan niya sa pumapangalawa sa kanyang si Senator Grace Poe at puapangatlong si Mar Roxas.

Ito ay base sa halos 65% ng transmitted voting results.

Kaya naman malaki ang pasasalamat ng Davao City mayor sa lahat ng mga bumoto sa kanya pati na rin sa mga hindi.

Pahayag ni Duterte sa panayam ng 24 Oras ng GMA Network, “To those who voted for me, salamat po.

“And for those who did not vote for me, salamat din po in participating in the process of elections.

“Your votes must be there and it would be counted correctly.

“If elected president, it will be for the interest of the country. Period.”

Ano ba ang pakiramdam niya ngayon?

Tugon ng 71-year-old frontrunner, “Hopeful lang po. I’m praying... I’m praying, ‘yan lang.”

Continue reading below ↓

Kahit nangunguna sa bilangan, ayaw pa ring pakampante ni Duterte. Mga ilang porsiyento kaya ng boto bago niya masabing panalo na nga siya sa pagka-presidente?

Sagot niya, “When I take my oath.”

“I AM HAPPY.” Sa hiwalay naman na panayam kay Duterte ng Bilang Pilipino coverage ng News 5, sinabi niyang masaya siya sa unang bugso ng resulta ng bilangan.

Pahayag niya, “Of course, I am happy.

“But I do not make conclusions out of the partial returns because this could change radically.

“And this is an election and we are counting and until the last vote is counted, nothing really is final there.

“But hopeful lang po ako na sakali lang, kapag ipagpala ng Diyos, that my… at the end of the day, I can find myself chosen by people and by God.”

Hindi naman daw nagmu-monitor si Duterte sa resulta ng halalan.

Panglabing-isa na raw niya itong paglahok niya sa halalan bilang kandidato at natutunan na raw niyang mag-relax pagkatapos makaboto.

Continue reading below ↓

Aniya, “Hintayin ko na lang yung resulta and then, kung talo ako, I would like to say thank you to the Filipino people for those who voted for me; and dun sa hindi, salamat pa din.”

Si Duterte ay kasalukuyang nasa kanyang maliit na farm niya sa Davao at doon siya magpapahinga hanggang matapos ang bilangan.

Samantala, sa vice-presidential race ay dikit ang labanan nina Senator Bongbong Marcos at Congresswoman Leni Robredo, ngunit nangunguna ngayon si Marcos.

Para naman sa up-to-date na resulta ng botohan, clik here.

Read Next
Read More Stories About
Rodrigo Duterte
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Mayor Rodrigo Duterte: "Of course, I am happy. But I do not make conclusions out of the partial returns because this could change radically."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results