PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi gets emotional as Baron Geisler again fails to show up at the arraignment of her case against him

Baron's lawyer explains the actor was not allowed by his director to leave the set.
by Rose Garcia
Published Jan 17, 2011
"Everytime na dumarating ang trial, nagiging emotional ako dahil naaalala ko isa-isa na nangyari noong araw na yun. Yun lang simpleng public apology, mag-sorry na lang din sa mga fans ko. Yung mga fans ko, churchmates ko, nasaktan lahat sa ginawa niya," says Yasmien Kurdi about the acts of lasciviousness and unjust vexation case she filed against Baron Geisler (inset).

Naiyak si Yasmien Kurdi habang ini-interview ng StarTalk dahil sa hindi pagsipot ni Baron Geisler sa arraignment at pre-trial ng kasong isinampa ng young actress laban sa aktor.

Matatandaang nagsampa ng kasong acts of lasciviousness at unjust vexation si Yasmien laban kay Baron noong May 2009 dahil sa ginawa diumanong pambabastos sa kanya ng aktor sa set ng TV series na Suspetsa sa GMA-7 noon. (CLICK HERE to read related story.)

Ang kaso ay dinidinig sa Bocaue Municipal Court dahil sa naturang bayan ng Bulacan naganap diumano ang insidente.

Ang dahilan na ibinigay ng abugado ni Baron na si Atty. Bonifacio Alentajan sa hindi pagsipot ng kanyang kliyente ay ayaw raw itong pakawalan ng direktor sa taping ng ginagawa nitong serye.

Sinabi rin ng lawyer ni Baron na gusto raw ng aktor na dumalo sa proceedings at nang matapos na ito.

"Ang gusto pa nga ni Baron, mag-file pa kami sa mataas na hukuman, dahil sa aming pananaw, yung information nito of charging him of act of lasciviousness, kulang. Kulang ang allegation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang yung act of lasciviousness, parang hindi natuloy na rape 'yan. So, pare-pareho halos ng rape at act of lasciviousness ang mga elements. There must be force, violence or intimidation.

"Kung accusation, walang nagbabanggit na force, violence or intimidation. Basta lang gumano'n or hinalikan. E, puwede namang halikan na hindi krimen, e," sabi ni Atty. Alentajan.

Para naman sa abugado ni Yasmien na si Atty. Ferdinand Topacio, isang "victory" ang hindi pagsipot ni Baron sa arraignment at pre-trial ng kasong isinampa ng kanyang kliyente.

Paliwanag niya, "Kasi, ang nais lang naman namin na mangyari noong una ay huwag na munang pasiputin si Ginoong Geisler. Hanggang yung apela nila sa Regional Trial Court tungkol sa pag-deny ng kanilang apela ay natatapos.

"Pero, iginiit ko na wala naman sa batas na porke't ikaw ay umapela, hindi na sisipot sa husgado upang i-arraign."

Dahil sa hindi na naman pagsipot ni Baron, na-reset ang arraignment at pre-trial sa January 19.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EMOTIONAL YASMIEN. Para naman kay Yasmien, malaking hassle sa kanya ang hindi pagsipot ni Baron sa pre-trial nila ng kasong isinampa niya laban dito.

"Siyempre, hassle 'to, kasi may klase rin ako. I mean, araw-araw rin po ang klase ko. Nakaka-stress din po, kasi examination pa naman next week.

"At dahil hindi siya dumating ngayon, ano yun, e, kapag may taping ka, puwede ka namang magpaalam. Importante 'tong araw na 'to, lalo na korte," sabi ni Yasmien, na nag-aaral sa New Era University.

Kuwento pa ng StarStruck alumna, "Kanina nga po, medyo pinipigil kong huwag maluha. Kasi, pagod na pagod po ako. Galing ako sa school, tapos ang dami ko pa pong inaasikaso.

"Noong dumating po ako, parang 'ayan na naman po, na-open na naman po ang topic regarding that."

Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ni Yasmien habang ini-interview dahil kapag nasa korte raw siya ay bumabalik lahat sa alaala niya ang mga nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Opo, lalo na kung ano-ano ang ibinibintang niya [Baron] na hindi totoo. Na gumagawa ng istorya.

"Bakit naman ako gagawa ng istorya, gimikera? Hindi ganoon ang dating.

"Nasaktan ako sa nangyari. Parang wala naman daw siyang kasalanan.

"Every time na dumarating ang trial, nagiging emotional ako dahil naaalala ko isa-isa na nangyari noong araw na yun.

"Yun lang simpleng public apology, mag-sorry na lang din sa mga fans ko. Yung mga fans ko, churchmates ko, nasaktan lahat sa ginawa niya," saad niya.

Ayon pa kay Yasmien, sa mga sumusuporta na lang sa kanya siya humuhugot ng lakas.

"Alam n'yo, ilang beses akong sumusuko. Pero, ang dami po kasing nagsasabi sa akin na, 'Huwag kang mawalan ng pag-asa.'

"Kaya ipinapanalangin ko palagi, ipinapanata ko, na sana po, maayos na po ito, matapos na, ma-settle nang lahat."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Everytime na dumarating ang trial, nagiging emotional ako dahil naaalala ko isa-isa na nangyari noong araw na yun. Yun lang simpleng public apology, mag-sorry na lang din sa mga fans ko. Yung mga fans ko, churchmates ko, nasaktan lahat sa ginawa niya," says Yasmien Kurdi about the acts of lasciviousness and unjust vexation case she filed against Baron Geisler (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results