PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fanny Serrano in talks with Tarima director Neal Tan for another indie movie

Fanny will launch Cosmetologie 2011, a two-day beauty event, in February.
by William R. Reyes
Published Jan 22, 2011
Fanny Serrano and indie director Neal Tan are exploring three film projects. "Yung isa, Pangga ang title, last year pa ito sana nasimulan. Pero may pumasok na dalawang material, na gustung-gustong gawin din ni Direk Neal. Isang love triangle with me and a real-life couple sana... kinunsider namin sina Eula Valdes at Rocky Salumbides... then si Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz. Yung third concept will have me as a teacher ng mga streetchildren,&quo


Fashion and beauty expert Fanny Serrano is raring to face the cameras again. Ayon kay Fanny, nag-uusap sila ngayon ng writer-director na si Neal Tan, para sa gagawing indie movie.

Follow-up ito sa ginawa nila last year, ang Tarima, na nagtamo ng critical acclaim.

"Tatlong material yung pinagpipilian namin, actually," sabi ni Tita Fanny, when interviewed by PEP (Philippine Entertainment Portal) at a recent showbiz event.

"Yung isa, Pangga ang title, last year pa ito sana nasimulan. Pero may pumasok na dalawang material, na gustung-gustong gawin din ni Direk Neal.

"Isang love triangle, with me and a real-life couple sana... kinunsider namin sina Eula Valdes at Rocky Salumbides, pero now busy na sila sa restaging ng Zsa Zsa Zaturnnah sa CCP, then si Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz.

"Yung third concept will have me as a teacher ng mga streetchildren," banggit pa ni TF. "True story daw ito, sabi ni Direk Neal, na gusto niyang gawan ng script dahil ang ganda ng concept. Basta, masu-surprise kayo sa treatment ng character ko dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaabalahan niya, kaugnay ng pagiging fashion designer at salon entrepreneur, na inasikaso last year ang ginawang paglilipat ng kanyang salon (now located on Sct. Madriñan, Quezon City) ay pansamantalang ipinagpaliban ni Fanny Serrano ang pagsisimula ng follow-up movie project, matapos maitanghal ang Tarima late last year.

"Nagkaroon din ako ng maraming frustrations at disappointments, dahil nga sa sitwasyon sa paggawa ng indie films," wika pa ni TF, na nagbida rin sa Tulak noong 2009. Ito ang una niyang indie film-starrer na sinulat at dinirek din ni Neal Tan.

MEMORABLE PORTRAYALS. Sa kanyang pagganap sa Tulak, bilang tagapag-alaga ng mga streetchildren at isang drug addict (played by Rafael Rossel), nagtamo si Fanny Serrano ng Best Supporting Actor nominations, mula sa PMPC Star Awards for Movies at FAMAS para sa taong 2010.

Ang sumunod niyang indie-starrer, ang Tarima, ay nagkaroon ng malalaking premiere showings sa CCP Main Theater at UP Cine Adarna, in August and September, respectively, bago ang commercial release noong November.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Of course, proud ako sa dalawang movies na 'yan, talagang pinaghirapan naman namin. Pero yung sitwasyon, sa bookings para sa commercial run, at iba pang problema sa production, internal problems, actually... sobrang nakaka-disappoint.

"But I'm not closing my doors," sabi pa ni Fanny. "Eto nga, sinabi sa amin ni Sir Mac (Rey Maclang, producer ng Tarima) na kami na raw ni Direk Neal ang bahala sa pelikula."

At press time, Neal Tan's Tarima, which is a love story between a cloistered gay religious devotee and a prison inmate (Rocky Salumbides in his major film debut) is being considered for this year's Torino International Film Festival, in Italy.

GRAND 'PICA' EVENTS. Kamakailan ay kasama naman ni Fanny Serrano, para sa post-New Year Celebration, ang mga opisyales ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association), ang asosasyon ng mga hairdressers at salon owners na kanyang pinangunguluhan.

Pinag-usapan nila sa bagong salon ni TF (sa Sct. Madriñan, Quezon City) ang magiging kaganapan kaugnay ng Grand PICA event sa February 22 and 23, 2011.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito yung Cosmetologie 2011: Beauty, Wellness and Trends Expo, a two-day affair, consisting of hairstyling and make-up competitions (for professional and non-professional hairstylists and make-up artists), seminars, and fashion/variety shows, na gaganapin sa SMX ng Mall of Asia, sa Pasay City.

Malalaking personalidad, sa showbiz at politics, ang tiniyak ni Fanny Serrano na magiging bahagi ng naturang event na nasa ikatlong taon na nito.

"Sa first day, competition for professionals (hairstylists, make-up artists), after the opening ceremonies," Fanny revealed.

"Ang (confirmed) guests namin ay sina Senator Kiko Pangilinan at ang new director ngayon ng Tesda (Technical Education Skills and Development Authority) an si Sec. Joel Villanueva.

"Tapos, si Shalani Soledad (new female host of TV5's Willing Willie), inspirational guest speaker," banggit din ni TF. "Siya ang representative ng 'beauty industry.'

"Every year, meron kaming magandang inspirational guest speaker. Remember, nung first year namin (in 2009), it was Charlene Gonzales? Then, si Dawn Zulueta (in 2010)...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang muse namin lagi, si KC Concepcion," sabi rin ni Fanny.

"Sa intermission kasi, laging gusto ng tao, showbiz personalities. So, naghahanap pa ako ngayon. May mga target na akong kausap, although ayoko kasing nakakaabala rin sa raket ng mga artista.

"Kaya pag nag-i-invite ako, 'Ok, meron akong affair, ganitong araw... tingnan mo kung available ka lang. Kung hindi, 'wag kang mahiya, sabihin mo, para makakuha agad ako ng kapalit...'"

"Pero, for now, naka-focus kami ngayon, with PICA, sa Cosmetologie 2011. Third year na namin ito and I want something more successful talaga. Definitely, may mga changes na mangyayari," dagdag pa ni TF.

IN SUPPORT OF 'NON-PRO' SKILLED WORKERS. As mentioned, bahagi nga ng gaganaping Cosmetologie 2011 ni Fanny Serrano at ng PICA ang mga competitions para sa non-professional workers of the beauty industry.

Kabilang dito ang mga kategorya para sa Men's/Ladies' Hair Cut and Color, Fantasy, Red Carpet and Bridal Make-Up, na kapwa sasalihan ng mga non-professional at professional beauty stylists.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bibigyan namin ng sariling araw ang mga non-professionals," sabi ni Fanny. "Pag sinabing non-pro, sila yung mga nagta-trabaho sa mga parlor; hindi sila main focus, pero nag-a-assist-assist sila sa hair cutters, hair colorists...

"At sa pag-a-assist nila ay may mga natututunan yan. O, ngayon, ilaban mo yan! I-compete mo yan!" banggit pa ni TF, bilang maagang panawagan sa mga baguhang may kakayahan sa naturang gawain.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fanny Serrano and indie director Neal Tan are exploring three film projects. "Yung isa, Pangga ang title, last year pa ito sana nasimulan. Pero may pumasok na dalawang material, na gustung-gustong gawin din ni Direk Neal. Isang love triangle with me and a real-life couple sana... kinunsider namin sina Eula Valdes at Rocky Salumbides... then si Precious Lara Quigaman and Marco Alcaraz. Yung third concept will have me as a teacher ng mga streetchildren,&quo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results