PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lance Raymundo's wish this year is to do a challenging role and win an acting award

Lance plays Ara Mina's son in an upcoming episode of "Untold Stories."
by William R. Reyes
Published Jan 26, 2011
"People always think na pag artista ka, papalit-palit. It's not true. I mean, depende sa tao 'yan. You don't have to be an actor to be a playboy. Kahit na iba yung trabaho mo, kung gano'n ka talaga, e, di ba? So ako, I mean, I'm in mid-20s na. I had three girlfriends in my life. That's it! Yeah!" says Lance Raymundo.

Singer-actor Lance Raymundo easily shifts between acting and singing, and vice-versa.

Although nagsimula siyang makilala bilang isang singer-performer, mas nagko-concentrate ngayon si Lance sa pag-arte sa telebisyon at sa pelikula.

Pero hindi rin niya matalikuran ang pagkanta, na ginagawa niya once in a while. Tulad sa nalalapit na Valentine's Day, o bago sumapit ang February 14, may special show sa abroad na gagawin si Lance.

"On February 12, I'll be in Papua New Guinea for a show," masayang pagbabalita ni Lance when interviewed by PEP (Philippine Entertainment Portal) at a recent showbiz gathering last January 20.

Makakasama ni Lance sa nasabing show ang Pinoy Idol winner na si Gretchen Espina. First time daw niya na mag-show sa nasabing island state at excited siya.

"We don't know [our repertoire] yet, imi-meeting pa lang kami. What I know is that may mga taga-7 [GMA network] na kasama sa biyahe namin," sabi ni Lance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang kontrata sa anumang television network si Lance at masaya siya sa mga natatanggap na offers to guest in certain shows. He would prefer to do a regular TV show, though.

ON PLAYING ARA MINA'S SON. "Like, last week, I played Ara Mina's son in an episode of Face to Face (Untold Stories)," banggit ni Lance sa PEP. Katatapos lang daw niyang mag-tape ng nasabing episode ng TV5 show.

Si Lance, bilang anak ni Ara Mina?

"Yeah," nangiti ang 26-year-old singer-actor. "Ano naman... yung parang over the years, tatlong adult years... I mean, pinatanda naman siya dito."

About Ara, natutuwang binanggit din ni Lance na malapit na magkakaibigan ang mga pamilya nila.

"Kasi yung kapatid niya [Chris Mathay], kagawad, so palaging nasa bahay din namin siya. Si Rannie [Raymundo, Lance's brother], kagawad din. So, parang naging family friend din sina Ara.

"Nung nalaman ko na I'll be playing her son—and Ara also played the 20-year old version of herself—we're both happy. Nung tumanda, siya rin. Pinaputi lang ang buhok niya. It was interesting."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipalalabas ang episode ng Face To Face: Untold Stories sa Huwebes, January 27, 8 to 9 PM, sa TV5.

"Hopefully, it will be a good start," sabi ni Lance.

"Kakasimula pa lang ng taon, may TV project na ako agad. Sana tuluy-tuloy na kasi I kinda miss working on TV. Parang debut act ko ulit yung sa TV5, and it was a great experience.

"Binigay ko rin yung lahat ko. Para at least, worth it yung pagkapili sa akin."

CINEMALAYA AUDITION. Noong January 15, nasa Cultural Center of the Philippines (CCP) naman si Lance para sa casting fair ng 2011 Cinemalaya Philippine Independent Filmfest and Competition.

Nais uli ni Lance na magkaroon ng papel sa anumang entry sa Cinemalaya sa taong ito.

"For the past two years [2009 and 2010], naging bahagi na ng mid-year tradition ko yung naging kasama ako sa Cinemalaya. So, hopefully, hindi maputol this year," hiling ni Lance.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Impressive ang naging pagganap ni Lance bilang adik-adik na anak ni Jaclyn Jose sa Nerseri (2009) ni direktor Vic Acedillo Jr., at bilang Emilio Aguinaldo sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio (2010) ni Mario O'Hara. Both films were acclaimed entries at the annual Cinemalaya Filmfest.

At ang wish pa rin ni Lance sa taong ito ay: "Hopefully, makatanggap ako ng role na sobrang challenging and hopefully makatikim ako ng award. Di ba?

"Siyempre, it's every actor's dream. I won't lie na I'd like to experience that. So, looking forward, and I plan to do my very best."

Positibo si Lance sa Cinemalaya 2011 prospects, although wala pa siyang tinitiyak.

"I mean, nag-iba uli yung look ko," ngiti niya, na mala-Paul McCartney ng Beatles of the '60s ang hairstyle ngayon.

"Probably, iba na naman ang magiging peg ko this time."

LEARNING YEARS. Tulad ng ibang celebrity, maganda ang pag-assess ni Lance sa magkasunod na taong 2009 at 2010 kaugnay ng kanyang showbiz profession.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"2009 was...yun ang toxic years," sabi niya. "Kasi, gumawa ako ng 12 indies, tapos teleseryes, sabay-sabay!

"Wala akong pahinga lahat-lahat... Dun ako humirit, e! Yun ang transition ko from singer to actor, di ba? Lahat, tinanggap ko!

"2010 naman is more of my learning years. Wala akong masyadong ginawa, pero yung konting ginawa ko naman, masyadong mabigat, masyadong intense. I was working with...mga senior [actors and directors].

"Now, siguro balanse na," pagtukoy naman ni Lance sa 2011 prospects niya.

"Natutunan ko na yung pag-handle ng toxic schedule in 2009, and I learned how to deal with artists in 2010.

"Hopefully, that combination will give me a good 2011 onwards. Tuluy-tuloy lang. It's still there, and I think nakatulong din na paiba-iba ang hitsura ko every three months."

FIDEL TOUR. Sa seryoso niyang pagsabak sa acting simula noong 2009 sa indie film na Fidel, na idinirek ni Mark Shandi Bacolod, ay maraming natutunan at rewards na natatamo ngayon si Lance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng naabusong OFW ang Fidel, na ang tema'y napapanahon para sa kaalaman at pagtanggap ng mga manonood na Pilipino, lalo ng mga mag-aaral.

Kasalukuyang lumilibot sa iba't ibang colleges and universities nationwide ang lead-starrer ni Lance.

"I'm really happy with Fidel, kasi it's proven na a good material can be timeless," banggit ng aktor.

"Yun ang pinakaunang tinanggap kong [movie] project sa buong buhay ko and I was praying for a project that will launch my career into something that will never die. Para naman if it's my last project, then may legacy akong maiiwan.

"Awa ng Diyos, it was not my last!" pasasalamat ni Lance. "But then, marami nang lumipas na ginawa ko, buhay pa yung pinakauna kong ginawa. At nakakatulong sa mga tao."

MEND THE WOUNDS. Kaugnay ng pelikulang Fidel ang pinakahuling gusot na kinasangkutan ni Lance, nang mabalitang nagkaroon siya ng alitan sa screenwriter ng project, na dati rin niyang manager-handler, na si Charlotte Yangco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Charlotte? Yeah, but we're friends again. We're back to working together; not she as my manager, pero sa tour ng Fidel, siya ang nagha-handle. So, naayos na namin ang gusot.

"I'm with Ricky Gallardo [Lance's present manager] ngayon, and she [Charlotte] honors that. May mga project siya for me, regarding Fidel... She's very cool."

Masaya rin daw ang love life ngayon ni Lance.

"Masaya ang life!" natawa si Lance. "In general, lahat! All aspects!"

Seriously, Lance admits keeping a steady relationship with the same fiancée, socialite Annah Araneta.

"Siya pa rin. Yun ang part ng buhay ko na hindi masyadong showbiz," wika niya.

"People always think na pag artista ka, papalit-palit. It's not true. I mean, depende sa tao 'yan. You don't have to be an actor to be a playboy.

"Kahit na iba yung trabaho mo, kung gano'n ka talaga, e, di ba? So ako, I mean, I'm in mid-20s na. I had three girlfriends in my life. That's it! Yeah!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As an afterthought, though, he retorted, nang may mabanggit kaming kakilala niya, "Ay, apat pala! Joke, joke, joke!"

Sa end ng interview ay nag-request si Lance na mabanggit ang kanyang twitter account (http://www.twitter.com/LanceRaymundo)

"Paki-plug na lang my Twitter para dumami ang friends ko," sabi niya.

Read Next
Read More Stories About
Lance Raymundo, Fidel
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"People always think na pag artista ka, papalit-palit. It's not true. I mean, depende sa tao 'yan. You don't have to be an actor to be a playboy. Kahit na iba yung trabaho mo, kung gano'n ka talaga, e, di ba? So ako, I mean, I'm in mid-20s na. I had three girlfriends in my life. That's it! Yeah!" says Lance Raymundo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results