Tom Rodriguez not yet ready for gay roles: "But hopefully, it is one of the roles that I would like to tackle in the future."

"I don't want to offend because those are people. I don't want to offend them by portraying a caricature," says Tom Rodriguez about not being ready yet to portray gay roles.


Pagkatapos ng isang malaking break nang siya ay mapasama bilang isa sa housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Double Up noong 2009, tuluyan na ring napasok ni Tom Rodriguez ang show business at nabigyan ng projects sa pelikula at telebisyon.

Nakasama siya sa mga pelikulang Here Comes the Bride at Petrang Kabayo. Sa TV naman, napanood siya sa isang episode ng weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya at Precious Heart Romances: Love Me Again ng ABS-CBN, at My Driver Sweet Lover ng TV5.

Bukod sa pag-arte, pinasok na din ni Tom ang music scene bilang miyembro ng all-male singing group na VOIZboys. Kasama niya rito sina Guji Lorenzana, Jay-R Siaboc, at Nico Antonio.

Kaugnay nito,magkakaroon ng concert ang VOIZboys kasama ang '70s singing group na Rainmakers sa February 18 sa Music Museum.

Sa presscon ng concert na VOIZes in the RAIN kamakailan sa Bellore Restaurant sa Quezon City, nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tom.

ACTING. Aniya, natutuwa siya sa mga role na kanyang nakukuha. "It's funny that my first two movies are comedy, kasi yung mga TV shows naman, puro drama. I want to try everything para naman may diversity sa craft ng pag-arte," saad ni Tom.

Paano ba niya nagagampanan ang iba't ibang genre ng pag-arte?

"Pag iisipin mo, lahat yun nangyayari naman talaga sa totoong buhay. Yung totoong buhay natin, may halong komedya, may halong musika, may halong drama din. So, lahat yun pinagdaanan na natin lahat, so we all have the tool needed for acting," sagot ng actor-singer.

Hindi naman kaila na isa sa mga asset ni Tom ay ang magandang hubog ng kanyang katawan. Ito ang dahilan kung bakit siya napasama sa listahan ng Cosmo Hunks noong nakaraang taon.

Marami-rami na rin siyang sexy roles na ginampanan.

"I've done a lot... Precious Hearts, there are a lot of sexy scenes. Here Comes the Bride, ang dami naming sexy scenes ni Angelica [Panganiban] dun so... Sa Petrang Kabayo nga, there's a scene where naliligo kami," kuwento ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT YET READY FOR GAY ROLE. Sa puntong ito ng kanyang career, ano ang isang role na hindi pa niya kayang gampanan?

"Siguro, hindi afraid of doing, pero afraid of doing now. Kasi ayaw mong gawin yung isang role na hindi mo pa kaya kasi baka hindi mo magampanan nang tama.

"Acting, you wanna embody the role the best as you can, so may steps... You pick up tools along the way na makakaya mong magampanan na yung role."

Ang tinutukoy ni Tom na hindi pa niya kayang gampanan sa ngayon ay ang gay role.

Paliwanag niya, "I don't want to offend because those are people. I don't want to offend them by portraying a caricature.

"Nakikita mo naman yung portrayal nila Sir Gardo Versoza at John Lloyd [Cruz]. When they portray gay men, they portray them as people. Hindi yung caricature na kung ano lang yung preconception nila of a gay person.

"Hindi naman, kasi mga tao yun, may puso sila, they have ideas to say, they have feelings to share. Kailangan, as an actor, ma-embody mo yun.

"Ngayon, masasabi ko na hindi ko pa kaya. But hopefully, it is one of the roles that I would like to tackle in the future."

PAINTING & SINGING. Malayo ang buhay ni Tom dito sa Pilipinas sa Arizona, USA. kung saan nag-migrate ang kanyang buong pamilya noong siya ay 12 years old.

Isang graphic designer si Tom sa Arizona kung kaya't hindi na nakapagtataka na isa pa sa mga talento nito ay ang pagpinta.

"Yun ang hilig ko talaga, which is another art. Even now, kahit na nasa set ako, I paint pag wala akong eksena. I would sketch and draw anything when I'm at home. Hindi mawawala sa sistema ko 'yon. Gusto ko 'yong creative outlet niya, e," kuwento ni Tom.

Bilang bahagi ng isang singing group, sinabi ni Tom na hindi niya inakala na posible itong mangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I didn't do music before. I never... I would just sing in the bathroom. Ngayon, I'm having fun with it. I'm learning lahat-lahat.... It is another expression or outlet na katulad din ng acting. So, lahat yun—painting, music, acting—lahat sila art" saad niya.

NOT YET. Kung game si Tom sa painting, music at acting, hinay-hinay naman daw muna siya pagdating sa love life.

"Dati, may mga crush-crush lang. Pero ngayon wala akong girlfriend," sagot ni Tom sa PEP nang kumustahin ang aspetong ito ng kanyang buhay.

Paliwanag niya, "Ang hirap kasi sa stage ko ngayon. Alagaan nga lang sarili ko, ang hirap. Ibinubuhos ko ngayon lahat sa work. Tapos, dapat ibuhos mo din sa relationship."

Ayaw raw magkaroon ng girlfriend ni Tom para lang masabi na meron siya nito.

"Kasi for a relationship to work, you can't just enter it half-hearted na just to have it. Parang, 'Okay, may girlfriend ako just for the sake.' I'd rather be alone kung ganun lang mangyayari.

"Unfair sa tao, unfair din sa sarili mo to enter a relationship na hindi ka naman makaka-commit," sabi niya.

Malaking factor na busy siya ngayon sa trabaho at sa career. "Kasi ngayon talaga, after nito, tulog na lang. Mamaya, commitment to myself, mag-gym."

Nagbigay rin siya ng payo na tila yun ang kanyang sinusunod ngayon: "Love yourself first, love your work. Then, later on, when you are more stable..."

Ano ba ang mga katangiang gusto ni Tom sa isang babae?

"To be honest, when a girl is confident and she carries herself well. A girl who can stand on her own, yung sobrang match talaga yung personality naming dalawa.

"[Someone who I can] hang out with, yung walang problema. Someone I can joke with, laugh with, cry with. Someone [with whom] I could do everything. Pretty much a best friend and a lover all rolled into one," excited na paglalarawan ni Tom sa kanyang dream girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago natapos ang interview, sinabi si Tom na kahit hindi man siya interesado na magkaroon ng love life ngayon, bukas naman siya sa mga puwedeng mangyari.

"Well, it's hard cause I can't say... Like right now, ayaw ko ng relationship but the right girl might come along and just sweep you off your feet. You never know these things, e.

"Kung hindi, bakit pipilitin, di ba? Why would you push yourself doing something na hindi naman puwede? Hindi naman tama," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN