Matthew Mendoza surrounded by women in Alakdana; shares his experience in losing his mom

"Nagustuhan ko ang story ng Alakdana and it's something different. Kadalasan kasi kapag afternoon drama series, puro dramahan talaga. This time, may halong fantasy and mystery," says former matinee idol Matthew Mendoza.


Pangatong beses pa lang na gumawa ng drama series sa bakuran ng GMA-7 ang dating matinee idol na si Matthew Mendoza.

Noong 2006 ay nakasama siya sa afternoon drama series ng TAPE Inc., Agawin Mo Man ang Lahat, na pinagbidahan ng nagsisimula pa lang noong si Marian Rivera. Noong 2008 naman ay nakasama siya sa Daisy Siete: Prince Charming and the Seven Maids bilang father ni Rochelle Pangilinan.

Ngayon ay kabilang si Matthew sa top-rating afternoon telefantasya ng GMA-7 na Alakdana bilang ama ng bidang si Louise delos Reyes.

Mas madalas daw magkaroon ng series si Matthew sa ABS-CBN. Ilan sa mga nagawa niyang teleserye sa Kapamilya network ay Kokey, Dyosa, at Habang May Buhay.

Nagkataon na wala siyang series ngayon sa Dos kaya nakuha ng GMA-7 ang serbisyo niya.

"Kung saan may trabaho, siyempre, tanggapin natin," nakangiting sabi ni Matthew sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"It just so happens na mas nauuna ang ABS-CBN na i-cast ako. This time, wala namang tawag for a new series sa Dos and timing naman may offer ang GMA-7.

"Naging suki naman ako noon ng GMA-7 during my younger years. Lahat ng mga shows noon sa kanila, naging guest ako, lalo na sa show ni Mikee Cojuangco na Mikee.

"Kaya si Direk Mac [Alejandre], who is our director in Alakdana, ay director namin sa Mikee. And it is so nice to work with him again after so many years.

"Nagustuhan ko ang story ng Alakdana and it's something different. Kadalasan kasi kapag afternoon drama series, puro dramahan talaga. This time, may halong fantasy and mystery.

"And maganda ang role na ibinigay sa akin as the father of this girl na half-scorpion played by Louise and another girl played by Joanna Marie Tan.

"It's also my first time to work with Jean Garcia and Jobelle Salvador, who play the women na naanakan ko sa Alakdana. Si Jean nakakasabay ko lang siya mag-guest noon sa iba't ibang shows sa TV, noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz. Si Jobelle naman, hindi pa ako artista, kilala ko na siya. Kaya nakakatuwang isipin na they will one day play the mother of my daughters in a TV series."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MATTHEW'S LATE MOTHER. Hindi nakapunta si Matthew sa press launch ng Alakdana noong January 17 dahil kalilibing lang noon ng kanyang mother na si Mrs. Linda Ann Winter Kniazeff-Mendoza sa Puerto Princesa, Palawan. Sumakabilang-buhay ang ina ni Matthew noong January 10 dahil sa sakit na cancer.

Ikinuwento ni Matt na two years nang may sakit ang kanyang ina at pabalik-balik sila from Palawan to Manila para sa pagpapagamot nito. Pero sa pagpasok daw ng 2011 ay naramdaman na ng pamilya ni Matt na baka hindi na magtagal ang kanyang ina dahil sobrang mahina na ito.

Kaya noong ma-comatose na noong January 9, umuwi na silang magkakapatid sa Puerto Princesa dahil alam nilang hindi na magtatagal ang kanilang ina. The next day, January 10, ay namaalam na ang ina nila.

"Nakapag-taping na ako for the pilot week ng Alakdana. Kaya noong ipatawag na kaming lahat, nagpaalam muna ako kasi family emergency. Mababait naman ang staff ng Alakdana kasi nag-adjust sila sa situation ko.

"The week na nakaburol si Mommy, may two taping days pa ako. So I had to fly in and out of Manila para makapag-taping and, at the same time, be in Palawan for the wake. It was tiring, pero nagawan naman ng paraan ang lahat," saad ni Matt.

Kaya nga noong sumapit ang birthday ni Matt last January 22, hindi masyadong naging masaya dahil nami-miss nga niya ang kanyang ina.

"Hindi na kami nag-celebrate kasi nga in mourning pa ang buong family. My kids are so sad kasi very close sila sa lola nila. Pati mga nephews and nieces ko, lahat sila malungkot sa pagkawala ni Mommy.

"Kaya nagsimba na lang kami and had a simple and quiet dinner. Iba talaga kapag nandiyan ang mommy mo on your birthday. Alam ko naman na she's still around and she wants us to be happy kahit wala na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"How I wished nga na naabutan niya ang new show na kasama ako. My mom is my biggest fan. Kapag may bago akong pelikula noon, siya ang masayang-masaya. Kapag nasa isang TV series naman ako, nanonood talaga siya.

"She has been a very supportive mother ever since I started from modeling to being an actor. Even noong may sarili na akong pamilya, she was always there to look after my kids kapag wala ako. Kaya naging very close ang mga anak ko sa lola nila.

"Those are the things that I miss now and I will forever be thankful because lahat ng natutunan ko sa buhay, I learned it from my mom. So wherever she is now, alam namin that she's happy," pahayag ni Matthew.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN