Carla Abellana "happy" for ex-boyfriend JC Intal and Bianca Gonzales

"Natutuwa ako, kasi parang finally he can be happy, he can love somebody else again, yung gano'n. And nakikita kong masaya siya. Sana maging maayos yun," says Carla Abellana about ex-boyfriend JC Intal, who is reportedly dating TV host Bianca Gonzales.


Suporta kay Mother Lily Monteverde ang rason ng pagdalo ni Carla Abellana sa Chinese New Year's eve celebration ng Regal matriarch kagabi, February 2, sa function room ng Imperial Palace Suites.

Magkasunod na dalawang taon na raw na dumadalo si Carla sa Chinese New Year celebration ni Mother Lily.


12-PICTURE CONTRACt. Bukod dito, isa ring Regal Baby si Carla. Labindalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin para sa film company ni Mother Lily.

"Wala namang years kung kailan matatapos yung kontrata ko," sabi ni Carla nang tanungin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung hanggang kailan ang kontrata niya sa Regal.

"Sa totoo lang, sa kontrata, wala namang nakasulat kung kailan ang umpisa at kung kailan yung end. Kailangan talagang matapos ko yung 12 movies na yun.

"Nakakadalawa na ako, kaya 10 pictures na lang ang gagawin ko."

Sigurado naman daw na may gagawing mga pelikula ngayong taon si Carla.

"Last year pa lang, naka-lineup na yung mga pelikula for 2011. Hindi ko pa alam kung ano yung mga specific na yun, kasi anything can change. Alam naman natin lahat na hangga't hindi pa nagro-roll yung kamera, puwede pang magbago ang mga bagay-bagay.

"Pero may nabanggit naman sa akin na may isang love story, may isang horror siyempre, at may isang comedy. Pero we'll see, depende pa. Nandoon na yun sa lineup," saad niya.

Kasama ba sa natitirang sampung pelikulang gagawin niya ang launching movie niya?

"Launching movie? Parang hindi ko alam kung magkakaroon ako. Parang hindi ko rin sure kung ready na akong magkaroon ng sarili kong pelikula.

"Siyempre, mas gusto to work on movies with other artistas. Kasi mas maganda na meron akong nakakasama, tapos meron akong naga-guide sa akin, or support.

"Mas gusto kong ako muna yung support kaysa ako yung magbibida sa sarili kong pelikula. Parang matagal pa bago ako maging ready.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I admit na ayaw ko rin ng pressure. Iba rin kasi pag pelikula kaysa sa TV show. Kahit mabilis gumawa ng pelikula, mas malaki ang pressure kasi the whole world to see 'yan, e. Di ba?

"Less than two hours, kailangang kumita ang pelikula kasi malaki ang inilalabas na pera para gumawa ng isang pelikula. Mas may pressure naman sa movie kaysa sa TV and nakakaba naman," pahayag ni Carla.

BEST ACTRESS NOMINATION. Ang pinakahuli niyang ginawa para sa Regal Films ay ang Shake, Rattle & Roll 12, na kalahok sa 2010 Metro Manila Film Festival.

Dahil sa kanyang pagganap sa "Punerarya" episode ay na-nominate si Carla sa Best Actress category ng MMFF Awards.

Noong una ay kinuwestiyon ang nominasyon niya. Pero nang mapanood ng marami ang naturang pelikula, marami ang umayon na may karapatan naman pala siyang ma-nominate, along with winner Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina Mo Rin) and Marian Rivera (Super Inday and the Golden Bibe).

Ano ang reaksiyon ni Carla sa kanyang nominasyon?

"Sa totoo lang, I really do not believe that I was good enough to be nominated," sabi niya.

"Sa totoo lang, ginawa ko lang kung ano ang kailangan kong gawin. So, hindi ko talaga in-expect na mano-nominate ako.

"In fact, umalis na kami no'ng awards night. Nalaman ko lang kay Tito Arnold [Vegafria, her manager] na nominated pala ako. Nasa bahay na ako no'ng nalaman ko. Nagulat kami siyempre.

"And hanggang ngayon, hindi pa talaga ako makapaniwala. Unang-una, hindi ko alam na posible palang ma-nominate dahil isang episode lang yung ginawa ko, hindi naman buong pelikula, tapos horror pa.

"Usually, ang alam kong nano-nominate drama, comedy. So, hindi ko talaga akalain. Nagpapasalamat lang ako dahil, at least, may nakita yung mga tao sa 30-40 minutes na ginawa ko," nakangiti niyang sabi.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na na-nominate ang isang artista para sa kanyang pagganap sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang sa kauna-unahang Shake, Rattle & Roll, na ipinalabas noong 1984 Metro Manila Film Festival, ay na-nominate at nanalo pa nga si Herbert Bautista bilang Best Actor para sa pagganap niya sa "Manananggal" episode.

THALIA MEXICANOVELAS. Ang naging launching project ni Carla sa bakuran ng GMA-7 ay ang Pinoy remake ng Mexicanovela na Rosalinda, na pinagbidahan ni Thalia. Bago ang Rosalinda ay naging launching vehicle din ni Marian Rivera ang remake ng MariMar, na unang ginampanan ng Mexican singer-actress.

Ngayon, isa na namang telenovela ni Thalia ang gagawan ng Pinoy remake—ang Maria del Barrio. Gagawin ito ng ABS-CBN kunsaan ang magbibida ay si Erich Gonzales.

Ano ang reaksiyon ni Carla na si Erich naman ang magre-remake ng isang serye ni Thalia?

"Magtu-two years na rin halos na hindi na nasundan yung Rosalinda. Yung una nga MariMar.

"Actually, bagay sa kanya yun," sabi ni Carla tungkol kay Erich. "With her look, with her beauty, with her hair, everything! Bagay sa kanya yung project.

"I don't know her personally. Na-meet ko siya one time lang, pero... ano lang, aralin lang niya ang mga galaw ni Thalia, okey na siya with that. Kahit hindi na niya panoorin yung original Maria del Barrio, kasi iba naman yung lalabas sa TV, e, Filipino version. Iibahin naman yung version.

"Ang importante, yung magiging galaw niya. Basta do her best at huwag siyang magpapadala sa pressure. Gawin lang niya yung kailangan niyang gawin. 'Saka ibigay niya yung one hundred percent niya, okey na siya doon," pahayag ni Carla.

JC & BIANCA. Napangiti naman si Carla nang mabanggit ng PEP sa kanya ang tungkol sa pag-amin ni Bianca Gonzales sa pagkakaroon nila ng understanding ng basketbolistang si JC Intal.

Si JC ay naging boyfriend ni Carla ng limang taon, na nagsimula noong nag-aaral pa lang sila. Taga-La Salle si Carla noon, samantalang sa Ateneo naman pumapasok si JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Carla, "Natutuwa ako, kasi parang finally he can be happy, he can love somebody else again, yung gano'n. And nakikita kong masaya siya. Sana maging maayos yun."

Nagkakausap pa rin ba sila ni JC?

"Oo, may communication pa rin kami. Nagkakausap lang. Hindi kami nagkikita. I mean, the phone is there, text or tawag. 'Saka sa Facebook," pag-amin ni Carla.

Umamin sa kanya si JC tungkol sa kanila ni Bianca?

"Oo, umamin naman siya. Hindi naman nagtatago yun," sagot ni Carla.

"Paano ko ba nalaman? I guess sa Facebook ko nakikita, yung mga pictures. Ako naman, tinutukso-tukso ko lang siya.

"Ang masasabi ko na lang, I hope that everything will be well between them, di ba? Maging maayos ang lahat sa kanila, maging smooth ang lahat sa kanilang dalawa."

Walang matandaan si Carla na nagkita at nagkakilala na silang dalawa ni Bianca.

"Napapanood ko lang siya. Natutuwa lang dahil even if I don't know her personally, I know that she's a good person, she's educated," sabi niya.

Samantala, stable naman ang relasyon ni Carla at ng kanyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Ayon sa young actress, mas mature na ang paghawak nila sa kanilang relasyon ngayon. Hindi na raw nila pinagkakaabalahang pansinin pa ang mga maliit na bagay na puwede nilang pagtalunan.

Ngayong tapos na ang Grazilda, mas maraming oras na rin daw silang ginugugol sa isa't isa dahil wala nang taping si Geoff.

Magkasama ulit sina Carla at Geoff sa susunod nilang project na Magic Palayok.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN