Talent manager Arnold Vegafria belies tabloid reports that Baron Geisler did not enter 90-day rehab

"He's very determined naman, e. Malakas naman yung hope niya na magbabago siya," says talent manager Arnold Vegafria (inset) about Baron Geisler (main photo).


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager na si Arnold Vegafria sa Chinese New Year party ni Mother Lily Monteverde noong Febraury 2 sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato, Quezon City.

Kinumusta namin kay Arnold ang kalagayan ng kanyang talent na si Baron Geisler, na nangakong sumailalim sa 90-day rehab matapos masangkot sa sunud-sunod na reklamong acts of lasciviousness at sexual harassment. May problema kasi ito sa pag-inom ng alak.

Ayon kay Arnold, pumasok na si Baron sa rehab noong Linggo, January 30, matapos ang dalawang araw na check-up sa isang ospital.

Paliwanag ng manager, "Oo, na-rehab na siya nung...that was last Sunday. This Sunday lang. Two days muna siya sa Medical City. That was Friday and Saturday. Sunday, dinala na siya sa..."

Tumangging banggitin ni Arnold ang pangalan at lugar ng rehab facility. Pagpapatuloy nito, "Nag-lunch muna kami, together with his family. And then after, nagpunta na siya ng rehab. Dinala na namin siya sa rehab."

Ano ba ang masasabi niya sa mga usap-usapang peke lamang ang pagpapa-rehab ni Baron? May lumabas kasi sa ilang tabloids na hindi tumuloy ang award-winning actor sa rehab.

"Ay, hindi ko alam! Ako, nagsasabi ako ng totoo," sagot ni Arnold.

Nakita pa nga raw niyang nang mag-check-in si Baron sa rehab. "Oo, nandun ako," sabi niya.

POSITIVE. Confident naman si Arnold na magbabago na nga si Baron matapos ma-rehab.

"Oo, for the 90 days, I'm sure. And then mga doctors talaga niya are one of the best. Psychologist, psychiatrist... He's very determined naman, e. Malakas naman yung hope niya na magbabago siya."

Dagdag pa ni Arnold, magandang senyales daw na hindi umano nagdodroga ang kanyang talent.

"Good thing pa, hindi naman siya positive sa drugs. So, negative yung drug test na ginawa sa kanya. Yung medical test niya, yung general check-up niya, and yung executive check-up niya, everything is negative."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, may sasalubong daw kaagad na project kay Baron pagkatapos nitong sumailalim sa rehab.

"Oo, meron naman kaming project na naka-ano sa kanya. Hindi ko pa alam. Mag-uusap pa kami ng network kung anong ibibigay sa kanya. Pero I'm positive naman na bibigyan siya ng project," sabi ng talent manager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN