Solenn Heussaff on painting Richard Gutierrez nude: "Takot ako, e!"

"I think the first was the longest one. Parang when we were kissing, I was thinking, did he [Director Andoy Ranay] say cut and we didn't hear him? Parang it's too long na," relates Solenn Heussaff about her seven-take, three-minute kissing scene with Richard Gutierrez while doing My Valentine Girls.


Pinag-usapan nang husto ang mahabang kissing scene nina Solenn Heussaff at Richard Gutierrez para sa My Valentine Girls ng Regal Films at GMA Films.

Three minutes daw ang itinagal nito at ayon kay Solenn nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng media sa presscon ng pelikula noong Huwebes ng gabi, February 3, sa function room ng Imperial Palace Suites.

Naka-seven takes daw sila ni Richard nang ginawa nila ito.

"But it doesn't mean I don't kiss well, ha!" sabi muna ni Solenn nang mabanggit nga ang sinasabing longest kiss with Richard.

Nilinaw ng PEP kung sa seven takes na yun ba ay tigti-three minutes ang bawat isa?

"I think the first was the longest one. Parang when we were kissing, I was thinking, did he [Director Andoy Ranay] say cut and we didn't hear him? Parang it's too long na.

"But I guess they just wanted to get the perfect angles. Tapos, the more you kiss, the more comfortable you get. So it ends up more real," patuloy pa ni Solenn.

Tinanong ng PEP kung hindi ba nakaramdam ng soreness ang labi nila dahil sa mahahaba at paulit-ulit na pakikipaghalikan.

"No, no... I can still smile naman," pabirong sagot ng Filipino-French newcomer. Natatawang dagdag pa niya tungkol sa kissing scene nila ni Richard, "He's a good kisser naman."

Dahil nga sa seven takes na kissing scene nila, tinanong tuloy ang 25-year-old Survivor Philippines Celebrity Showdown third runner-up kung wala bang kilig o "something" na na-develop sa kanilang dalawa ni Richard.

"Like I've said before, he's the type of guy I'd go for. He's very nice, he's good with his family, he's successful, determined, he has ambitions...

"Well... who knows, who knows... I'm just going with the flow, just taking my time," aniya pa.

Pero sa ngayon nga raw ay friendship muna ang namamagitan sa kanila ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil tila binibigyan nga ng hype ang mahabang halikan nila ni Richard sa "BBFF" episode ng My Valentine Girls na ipapalabas nationwide sa mga sinehan sa February 9, tinanong ng PEP si Solenn kung okey lang ba na matandaan siya sa kanyang first movie as "the girl with the longest kissing scene with Richard."

"Well, I guess I just have to beat that record somewhere else," biro ni Solenn. "No... I'm okay with that."

Naka-line up naman agad sa mga proyektong gagawin ni Solenn sa GMA-7 ang role niya bilang love interest muli ni Richard sa pagbabalik ng Captain Barbell sa TV. Isang news reporter ang role ni Solenn.

"I guess it's gonna be more of a challenge for me. 'Cause it's gonna be 22 weeks of shooting, I think."

Mas malaking challenge nga raw ito sa kanya kaysa sa unang pelikula niya with Richard dahil kailangan na talaga niyang mag-full Tagalog sa kanyang mga dialogues.

"More and more Tagalog, every time, at least. At least now, I understand Tagalog more. Pero my speaking and thinking Tagalog, medyo, still very slow," patuloy niya.

Naibigay na rin ni Solenn kay Richard ang painting na pangako nito sa binata.

"I finished it after [painting] 10, 12 hours... straight!" pagmamalaki niya.

Sir Richard bilang isang aktor at environmentalist daw ang pininta niya.

"So the painting has like, leaves on the ground and there are these circles, like film. It represents Richard as an actor and environmentalist."

Ginawa raw niya talagang bagay sa personality ni Richard ang painting para siguradong isasabit ng aktor ang painting sa kuwarto nito.

"Usually when I do paintings of people, I base the colors on their personality, like for example kay Anne [Curtis], I chose soft colors for her. Pero with Richard, since he likes reggae music, I chose reggae-ish colors and colors na pang-guy. Just to make sure he's gonna hang that painting in his room," kuwento pa ni Solenn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagkakataon kayang mai-paint niya si Richard nang nude?

"No!" mabilis na sagot ni Solenn.

Bakit naman?

Nakangiti pa ring ang dalaga bago nagsalita.

"Takot ako, e!"

Natawa na lang din ang lahat sa sinabing ito ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN