Anne Curtis excited to finish movie with Luis Manzano; offended by rumor that younger sister Jasmine and co-star were seen kissing

Anne Curtis reacts to the rumor that good friend and co-star Luis Manzano was reportedly spotted kissing her younger sister, Jasmine: "Disgusting and revolting. Sabi ko, napaka-malicious-minded naman nun!" she says. "Sabi ko kay Jasmine, 'Welcome to showbiz, my darling. That's only the beginning.' Sabi niya 'Ate, bakit ganon? Kuya ko yan, e!' Sabi ko, 'I know, darling. Ganyan talaga.'"



Inaasahang matatapos ang pelikulang Who's That Girl? na pinagbibidahan nina Anne Curtis at Luis Manzano in time for its showing sa mga sinehan sa unang linggo ng Marso.



Kuwento ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikula niya noong Biyernes sa Citybest Restaurant sa Tomas Morato, nag-umpisa sila mag-shooting nang full-blast noong latter part ng January.

Pinagsasabay ni Anne ang shooting ng pelikula, ang taping ng Green Rose, isang bagong serye, at pag-appear niya live, every day sa Showtime, isang noontime show. Both programs are aired on ABS-CBN.



Gaano ba siya ka-excited na mapanood ang romantic-comedy movie nila ni Luis?



"Sobra! Kasi all-out comedy yung ginawa ko dito. Pinag-aralan yung timing, yung mga galaw. Hindi mo makikita dito yung mga ginawa ko sa mga previous movies ko na romantic-comedy din," sagot ni Anne.



"Dito talagang binantayan ako ni Direk Wenn [Deramas]. Gina-guide niya kung paano bibitiwan yung lines. Mino-motivate niya ako on how to execute a scene. Akala mo hindi comedy pero pag napanood mo, nakakatawa talaga," aniya.



LOST RING. Noong nakaraang buwan, nataranta ang aktres nang mawala sa loob ng sinakyang eroplano ng Cathay Pacific Airways ang isang box na naglalaman ng isang singsing na binili pa niya sa Hongkong.



Ano na ang development sa pangyayaring ito?

"Of course hindi nabawi, pero Cathay Pacific is going to compensate [us for the loss]. Kasi siyempre, nawala sa eroplano nila," ayon kay Anne.



Isang amethyst ring designed by David Yurman ang nawalang alahas ng aktres.



"Ayaw ko nang pag-usapan kung magkano ang worth ng ring. It's not even about the value. [The point is] someone stole it on the plane na naka-paper bag pa siya at naka-box. Nabili ko yun sa Hong Kong airport. Kasi hindi ako nakapamili, kaya doon na lang sa airport."



JEWELRY UNDER THE FOOT REST. Paano ba nawala ang singsing?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It was under the foot rest. Kasi when you're in business class sa Cathay Pacific, may sarili kang booth. Ikaw lang ang nandun. You have to put all your things under the foot rest. Naiwan ko doon yung paper bag.

Anne was already at immigration when she remembered the ring she had placed under the foot rest.

"So, after immigration, tumakbo na ako pabalik. Wala na siya. Wala pa namang ibang nakakasakay. After an hour—kasi super complain na ako—nahanap ng cleaners yung bag in the blanket compartment.



"So, sabi ko, nasaan na yung box? After 15 minutes, nahanap nung cleaners yung box sa compartment naman ng eroplano. Wala na talaga yung singsing," kwento ni Anne.



"And that's why Cathay Pacific felt really bad because nangyari ito in a span of 20 minutes. Kasi konti lang kami sa immigration.



"Ang nakakaloka, iniwan nung kumuha yung certificate [ng singsing]."



Umiyak ba siya?



"Oo naman. Siyempre, nandoon yung shock. It's like someone stole from you in a span of 20 minutes. Sobra akong na-sad nung makita kong warat na yung bag."



NOT THE FIRST TIME. Di ba dapat nag-check ng eroplano yun ng mga cabin crew?



"Cabin check di ba? Yun ang sinasabi ko. I think it's also the obligation of every flight attendant to do a cabin check para malaman kung may naiwan sa plane.



"Nangyari na yan sa akin sa PAL. After two hours nasoli pa," aniya.



Nitong nakaraang Lunes nang madaling araw nawala ang alahas ni Anne.



"Nag-complain ako. I filed a police report and then I went home. Cathay Pacific called me the next day.

"May shooting pa nga ako ng 7:oo am for Who's That Girl? Yung country manager nila got back to me naman [by phone]. British ata siya and he said, 'We're very, very sorry about what had happened to you. But we do understand. We will compensate you for your loss.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Anne, nag-usap na ang Cathay Pacific at Viva kung papaano maaayos ang lahat.



SMDC ENDORSER. Sa presscon, sinabi ng SM Development Corporation (SMDC), ang real estate developer na ini-endorse ni Anne, that it was co-producing her movie, Who's That Girl? with Viva Films.


Si Anne ang ikalawang celebrity endorser nang SMDC. Ang una nilang endoser ay si Marian Rivera.



Ano ang feeling niya sa project nito ng SMDC?



"Pressured. Pressured of course. But I'm willing to take the challenge and do my best na lang. You know, I'm so thankful because the launch they gave me was one of the most amazing things in my life.



"Tingin ko, para akong Hollywood star. Sobra akong na-overwhelm with what my SMDC family gave me."



Mas may tiwala ba ang SMDC sa kanya kaysa kay Marian?



"I don't think so. As I said earlier, hindi lang nila naisip before. Ngayon lang nila naisip. So, they're just moving with the times siguro," aniya.



Sa pagkaka-alam ni Anne, isang taon ang kontrata niya sa SMDC. Ang isa pang nakakapagpa-excite sa aktres ay ang pagbibigay sa kanya ng isang unit sa mga dinidevelop na condo buildings ng naturang sister company ng SM.



"Of course, it comes with it naman. Choosing pa nga ako. Magaganda kasi lahat. Meron sila sa MOA, meron sa Makati prime area."



LOOKING OUT FOR YOUNGER SISTER. Ano naman ang comment niya sa kumalat na tsismis na may nakakita na naghahalikan daw ang younger sister niyang si Jasmine at si Luis Manzano?



"Disgusting and revolting. Sabi ko, napaka-malicious-minded naman nun!



"Sabi ko kay Jasmine, 'Welcome to showbiz, my darling. That's only the beginning.' Nakita niyo naman bagets pa siya... 16 years old lang at mag-26 na ako di ba?

"Sabi niya 'Ate, bakit ganon? Kuya ko yan, e!' Sabi ko, 'I know, darling. Ganyan talaga. Welcome to show business!'" kuwento ni Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Shocked siya... But I have so much fate in her. Sa akin kasi, in my mind, when you're that innocent, wala talagang makukuhang bad sa iyo. So I don't have any worries about her.

"Nakakainis lang. Parang mas maiintindihan ko pa kung kami ang ma-tsismis kami ni Luis. Pero sa bagets! Sixteen lang yun!" aniya.

Nasa Australia pa rin raw ang kapatid niya, ayon kay Anne. Pupunta doon ang TV5 para mag-shoot ng eksena para sa serye nila ni JC De Vera, ang Utol Kong Hoodlum.


Sabi pa ni Anne, committed ang kapatid niya sa TV5. Tuwing bakasyon nito ay uuwi siya ng Pilipinas para mag-taping ng kanyang serye.



"So, sabi ko, kung gusto mong mag-camping every school vacation, hindi mo na magagawa. You are required to come to the Philippines. E, mukha namang she's willing to take on the challenge. Excited siya e. Kaya niya yung puyatan. Ako, hindi ko na kaya yung mga puyatan na yan.



"Siya, kaya niya at kilig siya," sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN