Oprah Winfrey's advice to Charice: "No kissing scenes, no boyfriends"

Charice was in town for three days to tape Charice: Home for Valentine's, a musical special which will be aired February 13 on GMA-7. Performing with her are Ogie Alcasid, Michael V, Elmo Magalona at Rachelle Ann Go.


Tatlong araw lamang sa bansa si Charice Pempengco pero sinulit naman ito ng Pinay international singing sensation.

Charice arrived at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) on a Philippine Airlines (PAL) flight from Los Angeles, California, USA, last Sunday, January 30.

From the airport, diretso na agad siya sa isang presscon for her very first musical special sa GMA 7, ang Charice: Home for Valentine's.

Sa interview sa kanya ng Startalk TX host na si Ricky Lo na ipinalabas kahapon, Sabado, February 5, tinanong ni Ricky kung ano ang pakiramdam ni Charice ngayong Kapuso siya for Valentine.

"Ah first of all, thank you po [sa GMA] for inviting me here and giving me a chance to do a special. First time ko po actually na gagawin ito. And speaking of first time, first time ko rin dito sa GMA [in a taped Startalk TX interview]."

Nilinaw ni Charice ang isyung umiwas siya sa press during her last visit.

"Nung last time, di ba po sabi ko sa inyo, kasama ko yung American manager ko. E yung management ko po talaga dun sobrang strict po nila pagdating sa... which hindi ko naman po puwedeng, siyempre, hindi sundin," paglilinaw ni Charice.

Maging ang mentor at manager niyang si Oprah Winfrey ay hands-on daw pagdating sa pagha-handle ng kanyang career.

"Very strict siya, ayaw niya ng may kissing scene, kasi gusto niya, kasi sabi niya sa akin, gusto niya daw baby girl pa ako."

Kahit sa pakikipag-relasyon ni Charice sa isang lalaki ay hindi pa rin daw payag si Ms. Winfrey.

"Nung last na kita po namin, ang sabi niya sa akin ayaw daw po muna niya akong mag-boyfriend."

Kung si Oprah ay ayaw pa, ang ina naman niyang si Mommy Raquel ay payag nang magka-boyfriend si Charice.

"Siyempre since pinayagan na ako ng mommy ko, minsan naiisip ko parang tina-try ko na... tina-try ko na isipin na, na sige, try ko nga. Pero alam mo yung feeling na hindi pa talaga [ako] ready."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero totoo nga bang may mga manliligaw na si Charice?

"I mean may mga umaaligid-aligid, pero hanggang aligid na lang sila."

At balitang isang foreigner ang gustong manligaw kay Charice.

"'Yung sa foreigner, hindi ko naman masabing taga-showbiz talaga siya... singer, singer."

Sa isang interview, nabanggit ng creator at producer ng Glee na si Ryan Murphy na mapapanood muli si Charice sa limang episodes ng hit TV series.

"Right now kung ano yung sabi niya, iyon pa lang ang masasabi ko. Nung napanood ko nga po yung interview, sinabi niya five more [episodes]."

Sa kanyang Valentine special sa GMA na ipapalabas sa February 13, makakasama ni Charice sina Ogie Alcasid, Michael V, Elmo Magalona at Rachelle Ann Go.

Ang concept ng special ay "more like ano po, my life story, like now and then," ani Charice.

During the rehearsal, hindi napigilan ni Mommy Raquel na maiyak nang awitin ni Charice ang kantang "Maghintay Ka Lamang."

Ayon sa ina ng singer, "Kasi iyon yung talagang theme song naming mag-ina. Kasi kung hindi ko pinarinig sa kanya yang kanta na yan, siguro mawawalan na siya ng pag-asa, forever na.

"Kaya nung kinakanta niya yan ngayong successful siya, yung iyak ko ngayon, ito na yun, hindi ako nagkamali na iparinig sa kanya yang kanta na yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN