Aljur Abrenica denies rumored relationship with Kylie Padilla; says they're just friends

Aljur Abrenica does his own stunts in the teleserye Machete. "Kagabi lang may ginawa po kaming isang stunt... Ang ginawa ko po nag-jump off po ako sa building ng walang [stunt] double po. Floor by floor po. Mula sa seventh floor po, [then papunta] sa sixth, sa fifth floor, to the fourth floor, ganun po," he says.


Nakausap ng Startalk TX live via phone patch kahapon, February 5, ang Machete star na si Aljur Abrenica.

Unang nagtanong kay Aljur ang Startalk TX host na si Mr. Ricky Lo, at itinanong nito sa hunky Kapuso star kung tototong may relasyon na sila ng anak ni Robin Padilla na si Kylie Padilla.

"Ah wala po... hindi po, hindi po totoo yung balitang lumabas," paglilinaw ni Aljur.

"Kami po ni Kylie ay magkaibigan lang po," dagdag pa niya.

Binanggit naman ng isa pang Startalk TX host na si Alyssa Alano ang tungkol sa sexy billboard ni Aljur sa Guadalupe sa EDSA na kung saan kitang-kita ang maganda nitong katawan.

Balitang may mga humihinto pa raw sa EDSA para tingnan ang naturang billboard.

"Nabalitaan ko nga po, pero ako po mismo, hindi ko pa nakikita," aniya.

Tinanong naman ni Joey de Leon si Aljur kung siya ba mismo ang gumagawa ng mga stunts niya sa Machete.

"Yes, po. Katunayan kagabi lang may ginawa po kaming isang stunt, bale kaninang madaling-araw po.

"Ang ginawa ko po nag-jump off po ako sa building ng walang [stunt] double po.

"Floor by floor po.

"Mula sa seventh floor po, [then papunta] sa sixth, sa fifth floor, to the fourth floor, ganun po," kwento ng hunky star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN