Heart Evangelista will say "yes" if Daniel Matsunaga proposes to her this year

Actress Heart Evangelista says she asked for a sign from God if boyfriend Daniel Matsunaga is really the one for her.

"Humingi ako ng Bible. Sabi ko, 'Lord, bigyan mo ako ng Bible...na bigyan ako ni Daniel ng Bible.' And then, nasa church kami nun, tapos sabi niya [Daniel], 'I think I want to give you a Bible.' Hindi ko hiningi, pero binigay na lang niya sa akin. So, I don't think na mangyayari yun kung hindi meant na mangyari, di ba?" relates Heart.&


Si Heart Evangelista ang sumalang sa "Don't Lie to Me" segment ng Showbiz Central kahapon, February 6, kunsaan ang bawat sagot ng young actress ay sumailalim sa lie-detector machine.

Ang unang tanong ng host na si John "Sweet" Lapus kay Heart ay kung totoo bang may mahalaga siyang partisipasyon sa pagbili ng bagong sasakyan ng kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

"Yes" ang sagot ni Heart at "Truth" ang lumabas na resulta.

Nilinaw ni Heart ang balitang siya raw ang bumili ng sasakyan ni Daniel.

"Ang cheap naman yun kung bilhan ko, I'd never do that!" sabi niya.

"Siguro tinulungan ko lang siyang pumili kung anong klaseng kotse. And also, yung naging participation ko, yung birthday gift ko sa kanya, e, yung sounds [sound system] nung kotse. Yun lang."

DANIEL'S LOYALTY. Pangalawang tanong kay Heart ay may kinalaman sa post ng isang blogger sa Internet kung saan nakita raw nito si Daniel sa isang go-see na "very sweet" at "nakikipag-flirt" sa ibang babae.

Kasunod ito ng "kissing video" ni Daniel na promo pala sa isang product na ini-endorse ng Brazilian-Japanese model-actor.

Kaya ang tanong ni Sweet kay Heart: Was there a time na nagduda siya sa loyalty ni Daniel sa kanya?

"No" ang sagot ni Heart, pero "Lie" ang lumabas na resulta.

Dahil dito ay pinaikot muna si Sweet sa upuan bago siya nagsayaw ng kanyang "buwis-buhay dance."

"I never lie, I never lie in this show!" ang tumitili at tumatawang protesta naman ni Heart.

Paliwanag ng aktres, "Hindi ako nagsisinungaling! Na-stress talaga ako nung lumabas yung video na yun, pero alam ko naman yung totoo, na yun nga, gimik lang.

"Pero na-stress ako dahil lahat ng mga kaibigan ko sinasabi, 'I'm sorry this happened to you,' ganyan. Pero hindi ako nag-doubt kay Daniel kasi nga, hindi naman totoo."

Pero ano ang reaksiyon niya sa pakikipag-flirt diumano ni Daniel sa ibang babae sa isang go-see?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, hindi totoo. That was also part of the gimik. Wala kasi sa personality ni Daniel yung ganun, e," sabi ni Heart.

Sinang-ayunan ito ni Daniel, na nasa audience naman.

Ayon kay Daniel, very loyal siya kay Heart at hindi raw siya gagawa ng isang bagay na ikasasama ng loob ni Heart at makakasira sa kanilang relasyon.

"Because we have a very strong bond and I really believe on that," pahayag ng model-actor.

THE SIGN. Sa huling guest apperance ni Daniel sa Showbiz Central ay sinabi niyang si Heart na ang babaeng pakakasalan niya. Kahapon, si Heart naman ang tinanong ni Sweet: Halimbawang yayain siyang magpakasal ni Daniel sometime this year, papayag ba siya?

"Capital Y-E-S, yes!" ang mabilis na sagot ni Heart.

"Truth" ang lumabas na resulta.

Bakit tila sigurado si Heart na si Daniel na nga ang lalaki para sa kanya?

"Kasi, humingi ako ng sign kay God at ibinigay niya yung specific sign. Kaya hindi ko na ida-doubt 'yon, kini-claim ko na yun dahil okay na, e.

"Humingi ako ng Bible. Sabi ko, 'Lord, bigyan mo ako ng Bible...na bigyan ako ni Daniel ng Bible.'

"And then, nasa church kami nun, tapos sabi niya [Daniel], 'I think I want to give you a Bible.'

"Hindi ko hiningi, pero binigay na lang niya sa akin. So, I don't think na mangyayari yun kung hindi meant na mangyari, di ba?" saad ni Heart.

Six months na ang relasyon nina Heart at Daniel sa February 20.

Pagkatapos nito ay tinawag ni Sweet si Daniel para siya naman ang magtanong kay Heart. Tanong ni Daniel, kung sakaling dumating ang araw na tumaba siya, makalbo na, at puro pimples ang mukha, mamahalin pa rin ba siya ni Heart tulad ng pagmamahal sa kanya ng kasintahan ngayon?

"Yes!" sagot ni Heart at muling sumang-ayon sa kanya ang lie detector.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi naman ni Daniel na siya rin daw, if ever tumaba at pumangit na ang hitsura ni Heart, ay mamamahalin pa rin niya ito. Pero hindi raw nila ito hahayaang mangyari.

Sa February 14, bukod sa Valentine's Day ay kaarawan din ni Heart.

Meron daw sorpresa si Daniel para kay Heart, pero ayaw raw muna niyang i-reveal kung ano ito. Basta sisiguraduhin daw niyang masusorpresa at matutuwa si Heart sa kaarawan nito sa Araw ng mga Puso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN