Empress ready for some transformation in her career as she turns 18

"Halos lahat naman, kapag nag-18 na, kailangan mo na talagang makita 'yong transformation and 'yong pagiging mature nila. Sa akin po, kailangan naman pong gano'n talaga bilang nandito ako sa industry na ito, sa showbiz nga po. Kailangan po talaga ng transformationm," says Empress, who will turn 18 this month, about taking her career to another level by accepting more mature roles.


Excited na ang Star Magic talent na si Empress para sa kanyang nalalapit na debut party sa Pebrero 20.

At hindi tulad ng pangkaraniwang debut ang kanyang paraan upang ipagdiwang ang 18th birthday niya. "Rock chic" daw ang magiging tema ng kanyang birthday party na gagawin sa Grand Terrace sa Quezon City.

Sa birthday press conference na inihanda ng Star Magic para sa dalaga kahapon, Pebrero 8, sinabi niya na pangarap na niya ito noong bata pa lamang siya.

Aniya, "Noong teenager pa lang ako, sabi ko, kung magkaka-debut ako, gusto ko talaga rocker chic. Kasi favorite ko talaga 'yong pink and black. Rocker 'yon, di ba? Ayaw ko ng pa-cute na parang fairytale or princess-princess.

"Gusto ko 'yong kakaiba kasi, di ba, minsan lang dumating sa atin 'yong mag-18 ka, magde-debut ka? So, sabi ko, gusto ko kakaiba. Ayaw ko ng katulad sa iba na pare-parehas na lang."

Ilan sa mga nabanggit ni Empress na magiging panauhin niya ay ang kanyang mga naging katrabaho sa Shoutout, Rosalka, at Abt Ur Luv. Dadalo rin ang mga malalapit niyang kaibigan na sina Erich Gonzales, Melissa Ricks, Beauty Gonzales, Kitkat, at Kim Chiu.

TRANSFORMATION. Kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-18 kaarawan, sinabi ni Empress na hudyat na rin ito ng kanyang transformation bilang isang artista.

"Halos lahat naman, kapag nag-18 na, kailangan mo na talagang makita 'yong transformation and 'yong pagiging mature nila.

"Sa akin po, kailangan naman pong gano'n talaga bilang nandito ako sa industry na ito, sa showbiz nga po. Kailangan po talaga ng transformation."

Kasama na rin ba dito ang pagtanggap ng daring roles para sa mga susunod na proyekto?

"Never ko pong inisip na magde-daring ako. Hindi po muna," sagot ni Empress.

Kung may magbabago man, maaring ito ay pagbabawas ng teeny-bopper roles.

Sabi pa ni Empress, "Tumanggap naman na po ako ng more mature roles and hindi na katulad ng dati na parang paulit-ulit lang ang ginagawa ko na pa-cute lang. Ngayon, 'yong mga hindi ko po nagagawa dati, puwede ko na pong medyo magawa ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanyang ika-18 kaarawan, walang ibang hiling si Empress kung hindi ang tuloy-tuloy na trabaho.

"Gusto ko pa po ng mas maraming projects pa, maraming endorsements, mas maraming trabaho, mas maraming ginagawa. 'Tapos 'yong pag-aaral ko rin po, sana kapag nagkaroon ako ng mas maluwag na oras, matapos ko po. At saka good health.

"Siyempre, sa family, sana mas maging masaya kami palagi at walang mangyayaring masama sa amin. Maging masaya lang ako at hindi ako mapagod sa ginagawa ko. At sana tuluy-tuloy at mas gumanda pa ang career ko po," sabi niya.

"PUWEDE NA MAGPALIGAW." Tulad ng ibang dalagang nagse-celebrate ng kanilang 18th birthday, natanong din si Empress kung magiging bukas na rin siya sa mga nais manligaw sa kanya.

"Siguro po ngayon, masasabi ko na puwede nang may manligaw," nahihiyang sagot ni Empress. "Kasi, 18 na ako, parang ang pangit naman kung hanggang ngayon, ayaw ko pang magpaligaw."

Pero paglilinaw niya, "Pero hindi po ibig sabihin no'n na magkaka-boyfriend po agad ako. Wala pa po sa isip ko 'yon at saka naisip ko na ayaw ko pa masyado.

"Pero kapag mag-e-18 na po ako, mas napag-iisipan ko 'yong trabaho ko, hindi 'yong mga gano'ng bagay.

Hindi pa raw handa si Empress na makipagrelasyon. Gusto niya raw munang mag-focus sa kanyang trabaho.

"Kapag may gusto po, okay lang kasi wala naman pong masama doon. Pero ayaw ko lang na porke't pumayag ako sa kanila porke't walang nangyari sa panliligaw nila. So, kung kailan po ready ako at kung kailan ako may nakitang lalaki na talagang sincere talaga siya, at saka willing siyang maghintay hanggang ready ako, okay 'yon sa akin.

"Pero hanggang ngayon, wala pa pong relationship-relationship."

SHOUTOUT LEVEL UP. Sa naturang presscon, tinanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Empress tungkol sa Shoutout kunsaan isa siya sa mga main host ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaan na ilang linggo na ang nakalipas nang magbigyan ng warning ang mga artista "to shape up" dahil mababa ang nakukuha nitong rating.

Ayon kay Empress, naka-leave siya nang sabihan ang kanilang grupo tungkol sa posibilidad na mawala ang youth-oriented show kung patuloy na mababa ang rating nito.

"Medyo hindi po malinaw sa akin, e. Pero pagpunta ko doon, nalaman ko na gano'n nga po ang mangyayari—paghihiwa-hiwalayin na sila, parang may auditions na.

"Parang ako, nakaka-sad kasi hindi na katulad ng dati na sama-sama kami parehas, nag-e-enjoy lang kami. Kasi ngayon, kailangan talaga na pag-igihan nila, mag-work hard sila."

Gayunman, nakikita na raw niya ang pagbabago sa afternoon variety show ng ABS-CBN.

"Ngayon po, so far, medyo wala akong balita. Pero ang naririnig ko, better naman daw po. At saka maraming nakakapansin sa mga bagong mga artista, mga teen stars. Marami po talagang nakakapanood sa talent nila," sabi ni Empress.

Dagdag pa niya, mas makabubuti raw ito sa mga baguhang artista na kasama sa programa.

"Masaya na rin ako kasi para sa kanila rin 'yon, e," pahayag ni Empress. "Para hindi na sila papetiks-petiks, para pag-igihan nila ang trabaho nila. At sa future work nila, ma-realize nila na hindi lang pala laro-laro. Talagang pinaghihirapan talaga.

"Ngayon po, ang bagong pasabog sa Shoutout, pati kaming mga host sasabihan namin sila sa mga auditions nila, isa rin kami sa mga judge nila, at sa mga coaches nila. 'Tapos kapag nagpe-perform na kami, kasama na rin kami sa performance nila. 'Yon ngayon ang bago sa Shoutout Level Up."

Bukod sa Shoutout Level Up, magiging parte rin si Empress sa ginagawang action-drama series ng ABS-CBN, ang Guns and Roses. Ito ay pagbibidahan nina Robin Padilla at Bea Alonzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN