Azkal Phil Younghusband asks Angel Locsin out for Valentine's Day on Twitter

Nauna nang sinabi ni Phil Younghusband na crush niya si Angel Locsin sa mga dating niyang panayam.


Panandaliang umapaw ang kilig sa mundo ng Twitter kaninang tanghali, February 10, nang i-invite dito ng isang guwapong Pinoy athlete ang isang magandang aktres para sa isang date sa darating na Valentine's Day.



Sa tweet ni Phil Younghusband (@PhilYHusband), na miyembro ng Pinoy football team na Azkals, inaya niya ang aktres na si Angel Locsin (@143redangel) na makipag-date sa Araw ng mga Puso.

"Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentines day?" saad ni Phil sa Twitter.



Nauna nang sinabi ni Phil na crush niya ang Kapamilya actress. Crush niya rin daw si KC Concepcion, kaya lamang ay "taken" na ito, ayon na rin sa kasintahan nitong si Piolo Pascual.



Bukod sa kilig ay mayroon din umanong mga nagselos sa tweet ng model-turned-Azkal. Nakaabot ang tweet nito sa ilang bansa sa Southeast Asia, tulad ng Indonesia, kung saan maraming mga babaeng tagahanga si Phil.



Matapos ang ilang minuto ay sumagot na si Angel sa tweet ni Phil. Una munang nagpatawa si Angel bago i-tweet ang kanyang sagot.



"Twitterworld, kalma! :)," panimula ni Angel.



Sunod ay ang tweet niya para kay Phil: "hi! this is angel☺ Congrats on your win last night! Tnx for the invite but I have work on valentines.. Let's try another day☺" saad nito.



Dahil sa tweet ni Angel, na kilala bilang isang babaeng lobo sa top-rating show nitong Imortal, may mga Twitter users ang nag-i-speculate na hindi nabasted ang Azkal na si Phil, at may chance pa rin ito kay Angel.



May pangalan na nga ang mga fans sa namumuong loveteam na ito. Tinatawag nila itong "PhilGel."



Sa ngayon ay nasa isang eroplano na si Phil pauwi ng Maynila mula sa Bacolod, kung saan naganap ang laro ng mga Azkals laban sa Blue Wolves ng Mongolia kagabi.



Nanalo ang Azkals laban sa Blue Wolves sa score na 2-0. Isa sa mga goals na ito ay nagawa ni Phil, na isang forward para sa koponan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN