Male model Alvin Aguilar says he was nervous in bed scene with Lotlot de Leon

Ang male model na si Alvin Aguilar ang gaganap na boyfriend ng aktres na si Lotlot de Leon sa Nita Negrita, ang upcoming drama series ng GMA 7. Ang magiging bunga ng kanilang relasyon ay si Nita na ginagampanan ni Barbie Forteza.


Personal na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang male model at baguhang male star na si Alvin Aguilar kagabi, February 10, sa Ortigas.

Si Alvin ang gaganap na boyfriend ng aktres na si Lotlot de Leon sa upcoming afternoon drama series ng GMA 7, ang Nita Negrita na mapapanood na sa Lunes, February 14.

Si Alvin, na gumaganap bilang si Edgar, ang makakabuntis kay Mirasol (played by Lotlot) na ang magiging bunga ay si Nita na ginagampanan ni Barbie Forteza.

Bilang isang male model, ang mga ilan sa mga naging projects ni Alvin ay sa Bench Uncut (Pinoy Lab & African segment) noong July, 2010 at sa Philippine Fashion Week noong October, 2010.

Na-diskubre si Alvin ng isang talent scout noong sumali siya sa sa Mr. and Ms. SSVP Adamson University 2007 na kung saan kumukuha siya dati ng kursong Civil Engineering.

"SSVP stands for Society of Saint Vincent de Paul. It's an Association of Adamson University Working Student Scholars.

"1st runner-up po ako," ayon kay Alvin.

Tinanong namin ang baguhang aktor kung sino ang mga paborito niyang artista.

"Si Robin Padilla at si Jean Garcia, and of course, si Miss Lotlot."

Tulad ng ibang mga baguhan, nais ni Alvin na makilala nang husto bilang isang artista at gusto niyang malinya sa mga action drama roles na tulad ng idolo niyang si Robin.

Hanga naman siya sa kahusayan bilang mga aktres nina Lotlot at Jean,

Sa tanong naman kung sino ang showbiz crush niya at bakit...

"Si Iya Villana. Gusto ko kasi yung mukha niya, yung tipo na hindi ka magsasawa na tingnan."

Bukod sa Nita Negrita, isa rin sa mga TV projects ni Alvin ang I ♥ You Pare nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes. Dahil sa maganda at very hunky niyang katawan, isang bouncer ang papel na ginampanan niya sa naturang romantic/comedy show ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Very happy nga si Alvin na makasama sa eksena si Regine, si Dingdong at sina Ms. Celia Rodriguez at si Paolo Ballesteros.

Bilang isang modelo (he is 24 years old and stands 5'10"), isang freelancer si Alvin ngayon. He started modelling noong year 2008.

May bed scene sila ni Lotlot sa teleserye, ano ang masasabi ni Alvin tungkol dito?

"Napakalaking opportunidad ang makapareha sa isang teleserye si Miss Lotlot, lalung-lalo na bago pa lang ako at wala pang pangalan."


Noong una raw ay kinabahan siya sa eksena nila ng mahusay na aktres.

"Pero nawala naman po yung kaba ko dahil nakakapag-usap po kami ni Miss Lotlot, nagbibiruan, mabait po siya."

Kinabahan siya?

"May kaunting nerbiyos pero nilabanan ko dahil nahiya ako kay Miss Lotlot kung hindi ko pagbubutihan ang acting ko.

"Kaya okay naman po yung resulta ng bed scene namin."

Endorser si Alvin ng Lift Aesthetic Centre at Logic Jeans.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN