Bianca Gonzales wants to meet JC Intal's ex-girlfriend Carla Abellana; she hopes it won't be awkward

Naging masaya si Bianca Gonzales sa pagbabati ng kanyang mga kaibigan na sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga. Ang balita, si Bianca daw ang naging tulay ng pagkaka-ayos ng dalawa. "Nagti-thank you sa akin sina Ma (Mariel) at Toni. Pero for me, talaga it's between them. They felt it was time na happy na din sila," paliwanag ni Bianca.


Clueless si Bianca Gonzales kung ano ang magiging kaganapan sa Valentine's Day nila ngayon ng rumored boyfriend niyang si JC Intal.

Nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bianca nuong Sabado ng hapon sa dressing room niya sa Yñares Sports Arena sa Pasig, wala siyang masabing detalye sa date nila ni JC dahil may SNN raw siya sa gabi.

"Madalas naman kaming magkita so... hindi ko alam e," ang sabi ni Bianca, habang mina-makeup-an siya para sa kanyang production number sa Happy, Yipee, Yehey!, ang bagong noontime show sa ABS CBN.

"Pero every girl naman appreciates yung pag may something na ginawa. So, we'll see na lang."

Kapansin-pansin na glowing si Bianca ngayon.

"Happy naman ako," mabilis niyang tugon. "Pero we're only dating, parang getting to know each other."

Ikinagugulat ni Bianca ang reaksyon ng marami tungkol sa pag-amin niyang nagde-date sila ng nasabing basktebolista. May mga naniniwalang magkasintahan na sila. Isa na nga raw pruweba ay ang mga photos nila sa Facebook account ng basketbolista.

"Hindi naman," depensa niya agad.

CARLA APPROVES. Ang dating kasintahan ni JC ng limang taon na si Carla Abellana ay nagpahayag ng kanyang pagkapabor sa namamagitan sa basketbolista at kay Bianca.

Inamin ni Bianca na nakarating na sa kanya ang mga naging statement o interview ni Carla tungkol sa kanila ni JC.

"I heard about that. May mga nag-tweet sa akin. Alam mo naman sa Twitter, ang bilis ng balita."

Ano ang reaksyon niya sa sinasabi ni Carla na happy siya para sa kanilang dalawa?

"I'm happy kasi I'm sure she knows him well. Hindi naman joke yung five years na pinagsamahan nila. So, thank you for the nice words.

"We've never met, e. So, thankful ako kasi she has something nice to say kahit hindi pa kami nagkakakilala," nakangiting pahayag ng dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang makapaniwala si Bianca na sasabihin ni JC kay Carla na mayroon na silang relasyon. Feeling ng magandang host hinuhuli lang siya ng media para umamin.

"Hindi naman yan ang sinabi ni JC yata?" natatawang reaksyon ng TV host.

EXCLUSIVELY DATING. Ipinagdiinan ni Bianca na hanggang dating pa lang sila ni JC.

"Seeing each other lang kami. I don't know kasi yung mga different labels e. If you ask me if I'm seeing anyone else, wala. Tapos siya (JV) din, wala rin naman siyang ibang dini-date... Gasgas na yung word na yun, pero yun kasi lang yun e." aniya.

Wala pa raw sila sa estadong "official" para masabing sila na, ayon pa rin kay Bianca.

"Patagalin pa natin ng konti para naman... just a few months pa lang. Bago pa lang," natatawang saad niya.

Ano ba ang nagustuhan niyang qualities kay JC?

"So far, mabait siya," agad niyang sagot. "Yun nga, e. Kaya masarap din patagalin para... kasi when you first meet, lagi kayong happy. Normal yun e.

"Pero kapag mas matagal na magkakilala kayo, nakikita n'yo yung ugali ng isa't isa. Siya yung gusto ko pang makilala," paliwanag ni Bianca.

Kung gaano kabait raw si JC, ganundin kabait ang pamilya nito sa kanya nuong makilala niya ang mga magulang ng manliligaw, ayon pa rin sa TV host.

Hindi niya masabi kung gaano katagal pa niya paghihintayin si JC bago niya sagutin ito kahit alam niyang wala namang problema sa basketball player.

"Wala naman e, except... feeling ko parang when you're older you know more kung ano ang gusto mo. Kung ano yung hindi nagwu-work. Kung ano yung... alam mo yun?

"Gusto ko lang na makilala ko yung person bago ako pumasok sa relasyon," aniya.

May duda pa ba siya?

"Hindi naman may duda, except lang, ang bago pa lang kasi e, di ba? Better kung mas matagal yung getting to know [period] namin," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naiulat na inamin ni Carla na hanggang ngayon ay may communication pa rin sila ni JC. Nag-uusap pa rin sila via text o di kaya, ay nagtatawagan pa rin sila bilang magkaibigan.

Tiniyak ni Bianca na hindi ito magiging problema sa kanila ni JC sakaling magkatuluyan silang dalawa bilang magkasintahan.

"Actually, everytime she (Carla) texts him (JC), ikinukuwento ni JC sa akin," ang sabi ni Bianca. Inamin niyang gusto niya ang ganung characteristic ng isang lalake — ang pagiging honest.

"Syempre, sino ba naman ang hindi gusto nang ganun di ba?" bulalas niya.

Umiiwas mag-comment si Bianca sa tanong kung sino ba ang mas madalas mag-text sa isa't-isa — si JC o si Carla?

"Ay, naku, sa kanila na lang yun. It's between the two of them."

GIRLS' MEET. Gaya ni Carla, bukas rin si Bianca sa tsansang magkikita at magkakakilala sila ng ex-girlfriend ni JC.

"Yun lang kasi ang problema pag magkaiba ng network (Si Carla ay nasa GMA-7, samantalang sa ABS-CBN naman si Bianca). Mahirap talagang magtagpo."

Umaasa si Bianca na hindi sila magkakailangan ni Carla kapag nagkita sila. Nangangako rin ang TV host na kapag sila na ni JC, hindi niya ito ipagdadamot sa madla.

"Hindi ako yung klase ng tao na... wala akong history na nagdi-deny," aniya.

Samantala isa si Bianca sa naging masaya sa pagbabati ng kanyang mga kaibigang sina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga.

Alinlangan si Bianca tanggapin na siya ang isa sa mga naging tulay ng pagkaka-ayos ng dalawa.

"Nagti-thank you sa akin sina Ma (Mariel) at Toni. Pero for me, talaga it's between them. They felt it was time na happy na din sila," paliwanag niya.

Inamin naman ni Bianca na naging tenga siya sa mga hinaing ng dalawang magkaibigan nung mga panahong may gap ang mga ito.

"Nung time na yun parang ikaw na lang Bianca, ikaw na lang Bianca. Nakikita mo ba ito?! Parang ginaganun nila ako... But no, I never felt na naipit ako," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ending raw, pare-pareho na silang masasayang magkakaibigan.

"Oo naman talaga. Kaya nga talagang Happy, Yipee, Yehey na!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN