Dog bites actress Jennica Garcia on Bantatay set; no, it's not in the script

No worries, because Jennica Garcia is alive and well after the dog bite and a quick visit to the hospital. "Maliit lang siya [ang kagat] kaya lang as in, bumaon yung ngipin niya," she says. Upang matiyak na hindi makapitan ng rabies, nagpabakuna ang batang aktres.


Last Friday, February 4, nakagat ng aso sa set ng top-rating primetime soap na Bantatay ang young actress na si Jennica Garcia.

Hindi bahagi sa palabas ang asong kumagat sa dalaga, ngunit alaga ito ng direktor na si Don Michael Perez.

"Si Kevin, yung dog, bumisita lang dito sa set. Yung paa ko, nilawayan," kuwento ng co-star ni Jennica na si Sheena Halili.

"E, ako umarte ako. 'Eeewww, laway!' gumanun ako, parang medyo pasigaw," ayon pa rin ni Sheena.

Kuwento naman ni Direk Don Michael: "Yun na, yung ang nag-trigger, napatahol si Kevin, doon yata natakot si Jennica, kaya siya napatakbo."

Ayon naman kay Jennica, "Pagtahol niya nanigas ako kasi natakot ako, e. E hindi naman ako magaling sa running," natatawang sinabi ng batang aktres. "Ayun kinagat niya ako.

"Maliit lang siya [ang kagat] kaya lang as in, bumaon yung ngipin niya."

Upang matiyak na hindi makapitan ng rabies, nagpabakuna si Jennica.

"Sabi naman po nila kailangan daw talaga injection-an kahit hindi askal [asong kalye] yung dog. Huwag daw pong minamaliit yung sugat. Siyempre mas pipiliin mong mabuhay ka kesa mabaliw ka, di ba?"

May pahayag naman si Direk Don Michael tungkol sa aso niya.

"I can assure Jennica or anybody for that matter na Kevin is safe. Kasi kahit ako ilang beses nang nakagat [ni Kevin at] buhay pa naman ako."

Aminado si Jennica na nagalit ang kanyang inang si Jean Garcia nang mabalitaan ang insidente.

Gayunman, nilinaw nitong wala siyang sinisisi sa pangyayari.

"Si Mommy yung medyo napraning, siyempre bilang isang ina, siyempre medyo may konting ... nagalit muna siya ng konti, marami siyang tanong, pero okay naman," sabi ni Jennica.

Pahayag naman ni Sheena, "Nag-sorry na ako nang nag-sorry."

Hindi raw nagalit si Jennica sa kaibigan.

"Naawa nga ako kay Sheena. Ewan ko ba dito kay mare, sinisisi niya yung sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko ring kunin ang opportunity na ito para makapag-thank you kay Sheena, kay Ate Gelli [de Belen, one of her co-stars], kay Kuya Jojo [Aleta, executive producer ng Bantatay] and kay Direk kasi sinamahan nila ako sa ospital," ang pahayag ni Jennica sa taped interview sa kanya ng Startalk TX that was aired on Saturday, February 12.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN