Former action star Paquito Diaz in ICU; wife says he's recovering from pneumonia

"I want to tell everybody not to worry, Paquito is still very alive," says Nena Diaz, wife of veteran actor Paquito Diaz (whose before and after pictures are on the left frame). "Yun nga, lang I need prayers... Siyempre sad is Joko (Diaz's son, right frame). They all worry about their dad. Mahal na mahal nila ang Papa nila," she adds.


Iginupo ng pneumonia ang 78-year-old na character actor na si Paquito Diaz na ngayo'y nasa intensive care unit ng Esteves Hospital sa Daraga, Bicol.

Apat na taon na raw namamalagi sa naturang lalawigan ang beteranong aktor.

Nakausap ng Startalk TX sa telepono ang maybahay ng aktor na si Nena Diaz nuong Sabado, February 12.

"Medyo nakaka-recover na siya ng konti at inaalagaan naman siya doon, nilalagyan ng oxygen kapag kapos ang hininga niya.

"Mas mabuti sa kanya doon kasi sa probinsiya sariwa ang hangin," ayon kay Gng. Diaz.

Inaasikaso rin daw ng mga anak nilang si Joko at Cheska Diaz ang ama.

"My daughter and my son are very cooperative. In fact, nandito silang lahat, kumpleto. They've been here for almost one week na. Once I tell them to come, they come," ani Gng. Diaz.

"Siyempre sad is Joko. They all worry about their dad. Mahal na mahal nila ang Papa nila."

Sa pagpapaunlak ni Gng. Diaz sa isang interview, nais lang niyang ituwid ang malisyosong text na nasa peligro ang kanyang asawa.

"I want to tell everybody not to worry, Paquito is still very alive. "Yun nga lang I need prayers.

"Dun sa mga nagkakalat ng balitang patay na si Paquito, please lang huwag ninyo namang patayin yung tao.

"Gusto pa niyang mabuhay. Talagang survivor siya!"

Ayon sa news report na lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong August 10, 2010, nang ma-stroke si Paquito in 2004, tatlong buwan itong na-comatose sa Medical City dahil nagkaroon ng tubig ang kanyang ulo.

Kuwento ng kanyang maybahay sa report na sinulat ni Roy Pumaoy, sumailalim ang aktor sa isang major brain surgery, na naging dahilan ng pagkaubos ng kanyang ipon at nagpahina rin nang husto ng kanyang katawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN