Hayden Kho Jr. to Sharon Cuneta: "I don't feel that I have to say sorry to you, but if you feel that way, then I really can't do anything about it."

"Kahit sinong itapat mo sa akin, ako mismo nahihiya na ma-associate. Kunwari ikaw ma-associate sa akin, ako na ang magsasabi sa iyo. Minsan ako yung nahihiya. Minsan lumalabas na mismo sa bibig ko," says Hayden Kho Jr.


Nagsalita na si Hayden Kho Jr. kaugnay sa isyung namamagitan sa kanila ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ito ay may kinalaman sa diumano'y negatibong reaksiyon ni Hayden tungkol sa billboard ni Sharon para sa slimming salon na Marie France.

Sa isang panayam na lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal), tinanong ang Megastar tungkol sa sinasabing tweet ni Hayden. Sinabi ng Megastar na kung totoo ngang nag-tweet ng ganun si Hayden, sinabi niyang, "As far as I'm concerned, stupid people shouldn't comment on what is stupid or not!"

Sa parehong artikulo ay lumabas din ang tweet ni Hayden na nagtatangging ang billboard ni Sharon ang kanyang tinutukoy. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, February 13, si Hayden ang pansamantalang pumalit sa kaibigan niyang si DJ Mo Twister bilang co-host ng TV5 showbiz talk show na Paparazzi. Kasalukuyan kasing nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand si Mo kasama ang rumored girlfriend nitong si Rhian Ramos.

Sa segment na "Presscon Express" ay tinanong ng mga bisitang press si Hayden tungkol sa isyu sa kanila ni Sharon.

Pagkatapos ipakilala ng isa sa mga host na si Cristy Fermin ay nilinaw muna ni Hayden na hindi raw siya nagpunta sa Paparazzi para magpaliwanag sa isyu sa kanila ni Sharon. Nagkataon lang daw kasi na narinig niya ang bagong pahayag ng Megastar sa katapat na programa, ang The Buzz ng ABS-CBN, kaya handa raw siyang sagutin ang mga tanong ng press.

BILLBOARD ISSUE. Sa panayam ni Sharon sa The Buzz, sinabi nito na ayaw niyang ma-associate ang pangalan niya kay Hayden at naniniwala siyang siya ang pinatatamaan ni Hayden sa kanyang tweet.

Ano ang reaksiyon dito ni Hayden?

"Lilinawin natin isa-isa, 'no?" umpisa ni Hayden.

"Number one, wala po akong relationship kay Ms. Sharon Cuneta. There was one time na nag-guest ako sa show niya. That's all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko naman siya kaibigan, hindi ko naman siya kaaway. Especially, wala din akong...wala. Basically, wala kaming relationship. There's nothing there. Meron ako sa iba, kasi may sarili akong business.

"Ang nangyari naman po sa Twitter, basically, nagtanong ako. Kunwari po, Ate Cristy, nagtanong ako sa inyo. May pangit na billboard sa EDSA. Anong sasabihin mo?" tanong ni Hayden kay Cristy, na tumugon agad na may sasabihin siya talaga.

Pero sinabi ni Hayden na sabihin niya ay "Billboard A."

Nakuha naman ni Cristy ang gustong sabihin ni Hayden kaya sumagot siya ng: "Sige, Billboard B!"

"Sino pong nagsabi na pangit yung Billboard B?" balik-tanong ni Hayden kay Cristy, na mabilis namang sinagot ng huli na "Ako!"

Bumaling naman si Hayden sa isa pang co-host na si Dolly Ann Carvajal para tanungin: "May magandang billboard sa EDSA, guess?"

"Billboard C!" tugon naman ni Dolly.

"Sino ho yung nag-isip at nagsabi na maganda yung billboard?" tanong uli ni Hayden kay Dolly, na sinagot naman nito agad na "Ako!"

"Nagtanong po ako na may billboard na hindi nagsasabi ng totoo. Sumagot kayo ulit," sabi ni Hayden kay Cristy, na sumagot naman ng "Billboard A."

"Sino ho ang nag-isip?" may ipinupuntong saad ni Hayden.

"Wala po akong sinabi basically. Hindi po nanggaling sa akin. Basically, ako lang ho ay nagtanong ng question," depensa niya.

THE ORIGIN OF HAYDEN'S TWEET. Ikinuwento ni Hayden ang pinanggalingan ng kanyang tweet para raw maintindihan ng lahat kung bakit hindi talaga si Sharon ang pinupuntirya ng kanyang pagtatanong tungkol sa isang billboard sa EDSA na diumano'y manloloko raw.

"Kasi ang sitwasyon ko, hindi naman gano'ng kadali after what happened. After everything that I went through, hindi madali na bumangon uli. Suwerte lang ako na may kaibigan ako...na tinutulungan akong tumayo uli."

Ang tinutukoy na "sitwasyon" ni Hayden ay ang sex-video scandal niya kasama ang iba't ibang babae na kumalat sa Internet at naging national issue pa nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "Pero no'ng nag-launch ako ng perfume business ko, meron isang tao na tinira-tira ako: 'Ano namang karapatan niya? Ang baho-baho ng pangalan niya, maglalabas siya ng perfume niya,' ganyan-ganyan.

"Para sa akin, sige, wala na lang pakialaman, okey? Open market, malaki naman yun, marami namang...ang dami-daming Pilipino, puwede naman tayong... Sana huwag ka na lang mang-insulto. Tutal, hindi naman tayo magkakilala, hindi naman tayo magkaibigan.

"No'ng time na yun... Nandoon pa 'ata ako sa... Sa'n ba ako nandoon? Nasa Vietnam! Nasa Vietnam. Tapos dumating ako dito, nabalitaan ko yung mga yun. Sa sama ng loob, nakapagbitaw ako.

"Pero take note, hindi po ako nagbigay ng pangalan. Hindi ako nagbigay ng brand. Ang akin lang, gusto ko lang makapagbigay ng sama ng loob nang wala akong nakakaaway.

"Ngayon, sorry po, bato-bato sa langit... Wala po akong sinabi, Ate Sharon. I don't know... I don't feel that I have to say sorry to you, but if you feel that way, then I really can't do anything about it," saad ni Hayden.

Ayaw sabihin ni Hayden na inako ni Sharon ang isang statement na hindi siya siguradong siya ang pinatatamaan nito.

"Wala po. Sa akin po, mas mabuting ayoko ko po kasing... Mataas po ang respeto ko sa inyo [Sharon]. Ayaw ko po kayong kaaway. No'ng bata ho ako, nanonood po ako sa mga pelikula n'yo. Kahit mga magulang ko, kahit mga kaibigan ko.

"Gusto ko ho, kahit ako, gusto ko rin kayo. Mabait kayong tao. Nakikita ko naman po yun.

"Ngayon po, doon sa sinasabi ninyo na ayaw ninyong ma-associate yung pangalan ninyo sa akin, hindi na po bago sa akin yun. Marami na po akong pinagdaanang mas masasakit pang bagay para magbitaw po kayo ng gano'ng salita.

"Okey na po. Okey na po, normal na po yun sa akin," sabi ng 30-year-old former cosmetic surgeon tungkol sa 45-year-old actress-singer-TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMING BACK. Minsan pang nagsalita si Hayden tungkol sa pagnanais niyang bumangon at makabalik sa normal ang kanyang buhay.

"Ang sinasabi nga ho nila, na ang pagpapatawad ay hindi po para sa ibang tao kundi para sa atin. Sinasabi natin kanina, may narinig ako na sabi na ang hirap magpatawad ng taong hindi humihingi ng tawad.

"Pero actually ho, actually, hindi mo kailangang maghintay na humingi ng tawad yung tao sa iyo para makapagpatawad ka, dahil para sa iyo yun. Para sa peace of mind mo yun.

"Kung kukunin ka ba ng Diyos bukas, punung-puno ka ng galit sa tao, maghihintay ka pa ba? 'Teka, kukunin na ako, mamatay na ako bukas, mag-sorry ka muna sa akin, patatawarin na kita,'" pagbibigay halimbawa ni Hayden.

JOEL CRUZ. Tanong ng press: Kung hindi si Sharon ang tinutukoy niya, ito ba ay si Joel Cruz na siyang may-ari ng perfume business na Aficionado.

"May reason po kaya hindi ko na ibinigay yung pangalan. Hindi ko na ibinigay yung brand," sagot ni Hayden.

"Pero yung tao pong yun, alam niya ho na ginawa niya yun sa akin. Kung tinamaan siya...hindi na rin ako nagsabi ng ano. Kumbaga, pinaalam ko na masama ang loob ko at alam ko."

Diumano, may lumabas nang interview si Joel Cruz na umaamin na siya ang pinatatamaan ni Hayden sa tweet nito at hindi ang Megastar.

"Ay, umamin na sila na lang. Pati lola at lolo nila!" natatawang bulalas ni Hayden.

"Unfortunate ang sitwasyon ko, e, dahil napakadali kong target, e. Sobrang easy target. Gusto mong magandang kaaway? Si Hayden. Kasi automatic publiko against Hayden kasi sa record ko.

"Kahit sinong itapat mo sa akin, ako mismo nahihiya na ma-associate. Kunwari ikaw ma-associate sa akin, ako na ang magsasabi sa iyo. Minsan ako yung nahihiya. Minsan lumalabas na mismo sa bibig ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang laban lang sa akin, this is my personal battle. Let's see."

FOR PROMOTION. Isa sa akusasyon kay Hayden ngayon ay gusto raw nitong mapag-usapan lagi para ma-promote ang Belo Medical Group o di kaya ay ang affair nilang dalawa ni Dra. Vicki Belo.

Nilinaw ni Hayden na hindi na siya konektado sa Belo Medical Group. Kasunod nito ang pagtanggi niyang sila ni Dra. Belo ang nagbi-benefit sa isyung ito.

"Actually, kung meron pong isang nagbi-benefit dito, it's not Belo Medical Group. I think it's more on Marie France whose benefitting from this controversy and probably good for them.

"Kung in terms of awareness, ang pinag-uusapan natin ngayon... Sino ang pinag-uusapan natin ngayon? Marie France! It's probably good for them.

"I have nothing against them. I don't know Marie France. I haven't been to Marie France.

"But I can only speak for Belo Medical Group because I have been a patient in Belo Medical Group. I can only say na para sa akin, Belo Medical Group, hindi siya papalpak. Very effective.

"But I can't say anything about Marie France because I haven't been there and I don't know their treatment. So, wala po akong alam doon. So, I can only speak for Belo," diin niya.

Since identified siya kay Dra. Belo, tila siya ang ginagawang pamain ng sinumang kalaban nito sa negosyo para wasakin. Ano ang masasabi niya rito?

"Gaya nga ng sinabi ko, unfortunately, napaka-easy target ko. Ang daling... Gusto mo ng kaaway? Ibigay mo kay Dr. Hayden Kho, mananalo ka na," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN