Marian Rivera, Dingdong Dantes, Regine Velasquez, Ogie Alcasid call for unity after elections

May 10, 2016
<p>Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez talked about their smooth-sailing experience in casting their votes yesterday, May 9. Dingdong also conveyed a message to fellow Filipino voters who have been very passionate about supp

Nanawagan ang ilang celebrities sa mga kapwa-Pilipino na magkaisa ngayong tapos nang maihain ang kani-kanilang boto.

Una na rito ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na masiglang bumoto sa kanilang election precinct.

“Sa lahat ng nag-aaway, peace peace na,” nakangiting saad ni Dingdong, base sa panayam ni Lhar Santiago para sa GMA News.

Patuloy pa ng Kapuso Primetime King, “Mahalaga kung anong gagawin natin after together.

“Malaking bagay na tutulungan natin yung mga susunod na mamumuno.

“Hindi lang puwede sila. Hindi lang puwedeng tayo. Mahalaga yung responsible citizen participation.”

Sinabi naman ni Marian na lahat ng botante ay makikinabang sa administrasyon ng kung sinuman ang susunod na maluluklok bilang pangulo ng Pilipinas.

“Lahat ng tao ipinagdadasal talaga na maging mapayapa ‘to, at siyempre mga Pilipino naman ang makikinabang.”

Ibinahagi ni Marian na wala silang naranasang aberya nang ihain nila ang kanilang boto.

Bago umalis ng kanilang polling precinct ay tiniyak daw nilang tama ang nakalista sa kanilang voting receipt.

Continue reading below ↓

Ani Marian, “Kinompare ko talaga para makasigurado na yung talagang ibinoto ko, yun talaga ang lumabas.”

Samantala, maging ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay maayos na nakapaghain ng kanilang boto.

Sabi ni Ogie, “Very smooth naman. Even nung last election, mabilis naman kaming nakaboto.”

Naniniwala rin silang karapat-dapat ang sinumang mananalo sa pagka-pangulo.

“I pray to God whoever wins... for sure kung sinong nanalo, pinili na ‘yan ni Lord,” sabi ni Ogie, na sinang-ayunan naman ni Regine.

Nagpasalamat din si Ogie sa mga guro at iba pang volunteers na namuno sa pangangasiwa sa polling precincts.

Sina Dingdong at Marian ay aktibong sinuportahan ang kampanya ni vice-presidential candidate Leni Robredo, habang si Ogie naman ay kilalang supporter ni presidentiable Grace Poe.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Marian Rivera, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez talked about their smooth-sailing experience in casting their votes yesterday, May 9. Dingdong also conveyed a message to fellow Filipino voters who have been very passionate about supp
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results