Kim Chiu on Green Archer Simon Atkins's Twitter message: "Ang haba naman ng hair ko!"

"Let's compare and see the difference," Kim Chiu said in jest when asked how she would compare De La Salle basketball team captain Simon Atkins (inset) to her former long-time onscreen partner Gerald Anderson.


Panay ang ngisi ni Kim Chiu nang tanungin siya ng entertainment media tungkol sa pagpaparamdam sa kanya ng De La Salle University basketball star na si Simon Atkins sa Twitter.

Isang araw matapos ang nakakakilig na pag-aya ng Azkals member na si Phil Younghusband kay Angel Locsin para sa isang date (CLICK HERE to read related article), lumabas naman ang balita na nag-iwan din ng mensahe ang hardcourt cutie sa kanyang Twitter ng kanyang intensiyong makilala ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate.

SIMON WHO? Sa panayam kay Kim sa Chinese New Year celebration ng Chowking kagabi, Pebrero 15, sa Mercato Centrale, The Fort, Taguig, inamin ng dalaga na wala siyang ideya kung sino si Simon. Pero nagkaroon na raw ng pagkakataong magkausap sila kahapon.

"Actually, hindi ko naman siya kilala. Naririnig ko lang," sabi ni Kim.

"Hindi ko pa siya nakikilala, 'yon lang. Pero nakausap ko pa lang siya sa phone. 'Yong isang friend niya, 'tapos pinakausap sa akin."

Kahit anong impormasyon, ayon kay Kim, ay wala siyang alam tungkol kay Simon.

"Hindi ko talaga alam. Sinearch ko lang siya sa Google.Okay naman siya. Basketbolista naman siya. 'Yon, thank you kung gusto niya ako makilala," nakangiting sabi ni Kim.

Kumusta naman ang kanilang pag-uusap?

"Sandali lang, e, kasi nga may ginagawa nga ako. E, bakit ko siya kakausapin, hindi ko nga siya kakilala? Gusto niya raw ako makausap, so 'yon."

Ayon kay Kim, nalaman niya ang tungkol sa Twitter message ni Simon sa weekly talk show na The Buzz.

"After noon, maraming nag-text sa akin, 'Kilala mo ba siya?' Sabi ko, 'Hindi. Hindi ko siya kilala.' Sinearch ko na lang siya after that."

Magkakaroon kaya ng chance na personal silang magkikita?

"Naku ha, hindi ko pa alam!" sabay tawa si Kim.

"Nakakataba ng puso na may nagkakagusto sa 'yo. Ang haba naman ng hair ko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thank you lang sa paghanga. Nakaka-flatter."


BASKETBALL PLAYER. Nang tanungin naman kung type ba niya ang mga basketbolista, naging matinis ang boses ni Kim sa pagsagot ng, "Yes naman, 'no!"

Ibig sabihin ba nito ay may pag-asa si Simon sakaling umakyat siya ng ligaw?

"Hindi ko po alam. Tingnan na lang po natin," sagot ni Kim.

Bagamat tila nagustuhan ni Kim ang ipinakitang paghanga ni Simon sa kanya, hindi raw ibig sabihin nito na handa na siyang magmahal.

"Hindi muna, hindi ko alam," sabi ni Kim.

Matatandaan na kahit hindi naman diretsahang inamin ni Kim at ng kanyang rumored boyfriend noon na si Gerald Anderson ang tunay na relasyon nilang dalawa, nagkaroon pa rin ng mga emosyunal na kaganapan noong nakaraang taon. Lalo na nang lumabas ang mga balibalitang namuong relasyon sa pagitan nina Bea Alonzo at Gerald, at ang pansamantalang paghihiwalay umano ng tambalang Kimerald.

"'Yong pagmamahal, 'yong boyfriend, darating at darating din 'yan, e. Hindi hinahanap 'yan, darating nan kusa 'yan, hindi sinasadya," sabi ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN