Jericho Rosales on rumored network transfer: "Kahit dumating 'yong iba't ibang offer sa akin, I stayed with ABS-CBN."

"I love ABS-CBN. Doon ako nag-ano, e... I'm not saying I'm moving. I'm not going to move. I'm just saying I'm open to working with other artists and other producers. I just want to experience that," says Jericho Rosales about his rumored transfer to another network.


Isang katuparan para kay Jericho Rosales ang katatapos lamang niyang Valentine's Day concert na And I Love Her noong Pebrero 12, sa Teatrino, Promenade, San Juan City.

Ayon kay Echo, talagang plinano niya na magkaroon ng isang concert na parang stage musical ang dating dahil pangarap niya ang umarte sa entablado.

Sa Chinese New Year celebration ng Chowking kagabi, February 16, sa Mercato Centrale, The Fort, Taguig, naikuwento ni Jericho kung paano nagsimula ang konsepto ng kanyang concert.

"The idea came in January 1, nag-jamming kami sa bahay and I said, 'Let's do something na parang hindi siya basta concert, na may istorya siya.' Para siyang musical since gusto ko naman talaga na para siyang stage play.

"Kasi, matagal ko nang gustong umarte sa entablado but wala akong chance. So, I said, okay, meron akong concept sa isip ko and then pinitch ko sa Genesis, and they supported me, they liked it, testing yun, e," saad niya.

Natuwa rin siya sa suportang nakuha mula sa Manila Genesis, ang talent arm na humahawak ng kanyang showbiz career.

Sabi ni Echo, "Paolo Valenciano helped me direct the show, put it together. Sir Gary Valenciano was also there to help us out. So, yung approval ng dalawang senior para sa akin, medyo sabi ko, "Wow, okay 'to.' We had fun putting it together.

"Hopefully, I'll be able to produce something like that again in the future and maybe a repeat. Sana, sana kung meron man. I enjoy doing shows like that. I love making people happy."

Tila isang pahiwatig na rin ito mula kay Echo sa posibleng pagkakaroon ng theater project sa mga susunod na araw.

"Kung sinong puwede kong maka-collaborate sa mga ganyan, I'm not saying na ano... Bata pa lang ang experience ko pagdating sa entablado, but sa mga concerts naman, I have ideas," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO NETWORK TRANSFER. Ang usapin ng collaboration din ang sinabi ni Jericho nang matanong siya tungkol sa napabalitang paglipat niya sa ibang TV network.

Hindi itinanggi ng singer-actor na nagkaroon ng mga offer sa kanya mula sa ibang network, pero hindi niya ito tinanggap at nanaig sa kanya ang pagiging loyal sa Kapamilya network.

Ayon kay Echo, bagamat wala siyang balak lumipat sa ibang network, bukas pa rin ang kanyang pintuan upang makatrabaho ang iba pang mga artista at producer.

"You know what, ever since talaga kahit, na dumating yung mga iba't ibang offer sa akin, I stayed with the ABS-CBN because I don't like burning bridges, and I love ABS-CBN. All my friends are there, my favorite directors are there, lahat.

"I love ABS-CBN. Doon ako nag-ano, e... I'm not saying I'm moving. I'm not going to move. I'm just saying I'm open to working with other artists and other producers. I just want to experience that. I mean, it's 2011 and I'm not getting any younger. So, if we're talking about movies, I don't mind working with other film outfits."

Hindi rin niya kinalimutang magpasalamat sa kanyang mother network, na ayon sa kanya ay tumulong sa pagiging matagumpay ng kanyang career.

"With all due respect and gratitude, talagang appreciation sa Star Cinema and ABS-CBN, they were the ones who helped me build my career. So, that's all, there's nothing, it's just me and the passion for doing great projects."

Kasalukuyang napapanood si Echo sa bagong primetime series ng ABS-CBN, ang Green Rose.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN