Chynna Ortaleza decides to stay with GMA-7 despite offer from TV5

"Nagdarasal naman ako palagi—'Should I go or stay?' Ang dasal ko lang ay ibigay Niya ang best para sa akin. Kasi kahit saan naman Niya ako ilagay, sigurado ako that I will do my best at hindi ko Siya idi-disappoint," says Chynna Ortaleza about her decision to stay with the Kapuso network.


Isa si Chynna Ortaleza sa mga artistang nakatanggap ng offer mula sa TV5.

Kasama sana siya sa cast ng kauna-unahang dramaserye ng Kapatid network, Babaeng Hampaslupa, kung saan gaganap siyang kontrabida. Pero mas pinili ni Chynna na manatili sa GMA-7.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna sa telepono kagabi, February 15, sinabi niyang nag-offer ang Kapuso network ng guaranteed contract.

Kuwento niya, "Naging honest naman kami sa crew and people ng Babaeng Hampaslupa. We're having a hard time.

"Siyempre, we also need assurance. After ng Babaeng Hampaslupa, ano na ang kasunod? Sinabi naman nila na knowing naman daw my type of performances, meron naman daw siguro na kasunod.

"Yun nga lang, walang hawak na assurance talaga."

Aminado si Chynna na siya ang breadwinner sa pamilya niya ngayon kaya kailangan niyang timbangin ang lahat.

"As of now, ako ang nagso-shoulder ng family ko. Hindi puwedeng happy-go-lucky na lang. Kailangan talaga may sure work.

"Matagal na proseso rin naman yun, mahigit isang taon kong ipinagdasal. All of a sudden, hindi na lang ako half of expenses sa family namin.

"Siyempre, ilang taon na rin naman na ang parents ko ang nagpo-provide. Gusto ko rin naman na maibalik sa kanila yung naging paghihirap nila sa amin, lalo na ngayon na siyempre, nagkaka-age na rin sila," saad niya.

LOYAL KAPUSO. Chynna started her showbiz career on GMA-7 sa pamamagitan ng youth-oriented show na Click. Ten years na siya sa showbiz since she started noong 18 siya; she's 28 now.

Kung ang ibang artista ay sumusubok ng ibang environment, si Chynna naman ay mas piniling maging loyal sa Kapuso network.

"Siguro, talagang, kumbaga, answer na rin yun ni God. It's so hard for me to burn bridges. Siyempre, 10 years na ako sa kanila. Comfortable na ako sa environment.

"Nagdarasal naman ako palagi—'Should I go or stay?' Ang dasal ko lang ay ibigay Niya ang best para sa akin. Kasi kahit saan naman Niya ako ilagay, sigurado ako that I will do my best at hindi ko Siya idi-disappoint."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAGIC PALAYOK. Masaya nga si Chynna dahil kasama siya sa bagong pre-primetime series ng GMA-7, Magic Palayok, na papalit sa magtatapos nang Bantatay. Bida rito ang real-life couple na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Ayon kay Chynna, isang blessing ang role na napunta sa kanya.

"I was supposed to play another character, pero yun ulit, ibinigay lang sa akin ni God na ganoon. Hindi ko naman dine-demand, or hindi ko hiningi.

"Basta nagulat na lang ako noong story conference, ibinigay nila sa akin ang role ni Natasha. Yung peg ng character, villain siya, pero parang Disney villain," banggit niya.

Ayon kay Chynna, okay naman siya kahit na anong role ang ibigay sa kanya, pero parang bonus na raw sa kanya ang role na napunta sa kanya sa Magic Palayok.

"Maganda sa akin kahit na anong role. Sabi nga ng Papa ko, 'Kahit na anong role ang ibigay sa 'yo, you should not think na maliit lang. Kahit ano, dapat kaya mong pagandahin.'

"But what I like about Natasha, na-fulfill yung dream ko to portray na parang Disney villain. E, di ba, may pagka-weird ako ever since na bagets pa lang ako? Hindi ko gusto mga princess. Yung mga villain, do'n ako mas nagpu-fall.

"So, noong sinabi sa akin yung character na gagawin ko, talagang, 'Wow, what a blessing!'"

CHERIE GIL. Dagdag ni Chynna, "Second fact pa na halos mahimatay ako nang sabihin nila that I'll be working with Ms. Cherie Gil, at kami yung palaging magkasama sa mga eksena.

"E, dati ko pa sinasabi favorite ko siya. Noong sinabi nila that 'you'll gonna be with Cherie Gil all the time,' tuma-tambling ako sa tuwa!"

How is it working with her idol?

"Ang saya-saya ko!

"Actually, the first time I've worked with her, matagal na, sa isang comedy show, All Together Now yata yun, pareho kaming guests sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya lang ang artistang nagpa-buckle sa akin. Tapos, naalala niya yun noong first taping namin!" natatawang kuwento niya.

Dugtong pa ni Chynna, "Ngayon naman, hindi naman ako nagba-buckle, okay naman. Palagi ko siyang kasama.

"I'm looking forward to work with her pa because I'm sure, marami pa akong matututunan sa kanya. Ano naman siya, hindi lang yung tipong pababayaan ka sa eksena."

Nakaka-tatlong taping days na raw siya for Magic Palayok at ngayon nga ay sa Pampanga ang location ng taping nila.

Natutuwa rin daw siya na first time niya to work with both Geoff and Carla na siyang ka-triangle niya rito.

CANCELLED VALENTINE DATE. Biglaang dumating kay Chynna ang Magic Palayok. Prior to the show, nagpa-book na raw siya, kasama ang boyfriend niyang si Railey Valeroso at ang kaibigan niyang si Ryza Cenon, ng trip nila sa Thailand.

Nagkataon naman na sa limang araw na bakasyon sana nila sa Thailand ang simula ng taping ni Chynna para sa Magic Palayok. Kaya wala raw siyang choice but to cancel her trip.

Doon daw sana sa Thailand sila mag-i-spend ni Railey ng Valentine's day.

"Yun nga, because of Magic Palayok, yung plan sana namin na dapat magbabakasyon kami sa Thailand, from February 10 to February 15, gusto sana namin makapag-Valentine's Day do'n, yung sa ibang bansa naman, hindi natuloy.

"Siyempre, priority namin ang trabaho namin. Siya [Railey] naman, ang schooling niya. At dahil bitter nga kami... Bitter kami sa Thailand!" tawa niya.

"And since may taping ako ng mismong Valentine's Day, nag-pre-Valentine celebration na kami. Noong Friday [February 11], nag-dinner kami sa Banana Leaf at in-order namin lahat ng Thai foods na gusto naming matikman.

"After naming mag-Thai foods, nagpa-Thai spa naman kami, tapos picture-picture. Dinala na lang namin ang Bangkok sa Philippines!" masaya niyang kuwento.

Seven years na ang relationship nina Chynna at Railey bilang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN