Geoff Eigenmann and Carla Abellana celebrate V-day on the set of Magic Palayok; the actor denies giving her a ring

"Ayaw kong i-preempt, pero malalaman din ninyo kung bakit mala-Walt Disney ang bago naming series. Medyo naiiba ito, much easier siguro kaysa mga drama series na nagawa na namin ni Carla. With this series, I know, lagi silang naka-smile after nilang manood," says Geoff Eigenmann about his new TV series with Carla Abellana.


Magkasama sa taping ng Magic Palayok ang magkasintahang sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana noong Valentine's Day.

First Valentine's Day nila iyon bilang magkasintahan, pero dahil sa kanilang trabaho ay hindi natuloy ang dinner sana nila.

Ito ang sabi ni Geoff nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na dumalaw sa taping ng Magic Palayok sa 14th Street, Broadway, Quezon City, last Monday, February 14.

Kuwento ni Geoff, "Magkasama po kami hanggang after lunch kanina. Maaga po siyang natapos dahil may show siya sa Pampanga tonight.

"Hindi ko naman siya nasamahan dahil may mga scenes pa akong kukunan with Tita Cherie [Gil], Chynna [Ortaleza], and Angeli Nicole [Sanoy]. Kung susunduin ko naman siya after my taping, midnight na 'yong cut-off ni Direk Joel [Lamangan], it's too late na rin. Kaya we promise na tomorrow [February 15] na lang kami mag-dinner.

"But last Saturday [February 12], nagkayayaan kami na mag-dinner nina Gabby [Eigenmann, Geoff's cousin] and her girlfriend Apple, and my brother Ryan and his wife Cathy."

Ano ang Valentine gift nila sa isa't isa ni Carla?

"Wala pa po kaming gift sa isa't isa," sabi ni Geoff.

"Naging busy kami the past few days, ako, hindi na nakabili ng gift para sa kanya. Last Sunday, bago ang Party Pilipinas, ibinigay ko sa kanya ang bouquet of white lilies, her favorite flower. Ayaw kasi niya ng roses.

"Nagulat nga siya dahil paano raw ako nakabili, lagi kaming magkasama. In-order ko lang ang flowers at ipina-deliver ko sa GMA-7."

Binigyan nga ba niya ng ring ang girlfriend?

"Hindi po totoo 'yong binigyan ko siya ng ring. I believe kapag binigyan mo ng ring ang isang girl, may valid reason ang pagbibigay mo. Kung gagawin ko 'yon, hindi ko po naman itatago," saad niya.

Aware ba si Geoff sa issue na may communication pa rin si Carla at ang dating boyfriend nitong si JC Intal, na sabi'y boyfriend na raw ngayon ng host ng SNN na si Bianca Gonzales?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Personally, hindi po naman namin napag-uusapan si JC," sabi ng young actor.

"I don't mind naman kung may communication pa rin sila dahil matagal din naman sila at friend din si JC ng family niya. I'm not insecure.

"Ako kasi, sa relasyon namin ni Carla, I really put myself in her shoes. May adjustment pa rin kami, but we're learning many things with each other every day."

TOGETHER AGAIN. Na-miss ba nila ni Carla na matagal ding hindi sila nagtambal?

"Yes, but I'm always looking forward to work with her again," sagot ni Geoff. "At heto na, after ng last team-up namin sa Basahang Ginto, isang mala-Walt Disney series, ang Magic Palayok.

"Ayaw kong i-preempt, pero malalaman din ninyo kung bakit mala-Walt Disney ang bago naming series. Medyo naiiba ito, much easier siguro kaysa mga drama series na nagawa na namin ni Carla. With this series, I know, lagi silang naka-smile after nilang manood."

May pagbabago ba silang gagawin ni Carla sa characters na gagawin nila rito?

"Yes, napag-usapan na namin kung anong changes ang gagawin namin na mas may kilig sa aming mga fans and televiewers. Ako naman, I'm always inspired basta she's there for me," sabi ng 25-year-old actor.

Ang Magic Palayok ay papalit sa high-rating primetime drama series na Bantatay, na matatapos na sa February 25. Wala bang pressure sa kanila ni Carla na ang papalitan nilang programa ay top-rating?

"Of course, may pressure din sa amin at aware kami na laging mataas ang rating ng papalitan naming drama series. Pero just what I've said, maganda ang series na ito at kahit sino sigurong artista ang ilagay dito, panonoorin ng televiewers."

How is it working again with Direk Joel Lamangan?

"Natuwa nga ako nang malaman kong siya ulit ang director namin ni Carla dahil siya ang director namin sa Basahang Ginto. I enjoy working with directors na nakasama ni Mommy [Gina Alajar].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait po si Direk Joel. Minsan lang niya akong napagsabihan noon sa Basahang Ginto, pero hindi naman ako natarayan!" natatawang wika ni Geoff.

Dagdag pa niya, "Wala pong problema sa akin si Direk Joel dahil never pa akong na-late kahit minsan sa taping."

Halos every day ay nagti-taping sina Geoff at Carla ng Magic Palayok.

Makakasama nila rito si Mikee Cojuangco, sa muli nitong pagbabalik sa paggawa ng drama series. Ito rin ang first drama series ni Moi Marcampo, ang tinaguriang "Yaya ng Isla" sa Survivor Philippines Celebrity Showdown at personal assistant ng aktor na si Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN