Regine Angeles says winning a TV model search is no guarantee for continuous work in showbiz

"May mga times na yung parang akala mo, pag nanalo ka na parang akala mo tuluy-tuloy na [ang trabaho]. No, it's not. Kasi ano naman ang showbiz, e, walang kasiguraduhan," says Regine Angeles. Regine was the female winner of ABS-CBN's Be Bench/The Model Search in 2007. She's now part of the cast in TV5's Iskul Bukol.


Kasali ang 2007 Be Bench/The Model Search female winner at dating Star Magic talent na si Regine Angeles sa gagawing pagbabalik-telebisyon ng isang Filipino classic TV comedy, ang Iskul Bukol. Produced by Archangel Media, Inc. para sa TV5.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na lalabas sa Kapatid network ang 25-year-old model turned actress dahil kasali siya dati sa TV5 youth-oriented show na Lipgloss (2008) bilang ang kontrabidang si Charlene.

"Nagulat nga ako nakasali ako sa comedy. Before this, puro drama at kontrabida roles ang ginagawa ko," ani Regine nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa TAPE Studio, Central Business District Park sa Manggahan, Pasig City noong February 14. Katatapos lang ng story conference na pinangunahan nina Directors Soxy Topacio at Dante Nico Garcia.

THE FUN OF PLAYING KONTRABIDA. "I was a kontrabida before sa Tayong Dalawa (2009) 'Tapos nun, puro kontrabida roles na."

Nagustuhan naman daw niya noon ang pagganap bilang kontrabida. "Yun kasi ang pinakamasayang laruin. As in sobra," aniya pa.

Para naman sa role niya sa Iskul Bukol bilang ang probinsiyanang mahilig mag-dialogue ng mga matatalinhagang salita na si Barbie, susubukan na lang daw niyang idikit dito ang kanyang pagiging "babaeng bakla."

Isang bahagi ng kanyang personality na nakuha niya dahil sa pagkakaroon ng gay friends.

"Marami kasi akong mga kaibigang bakla, ganyan. Di ba, alam mo naman ang mga bakla, mahilig sila sa mga 'words of wisdom' na ganyan, na parang minsan parang walang sense pero matatawa ka? Kagaya sa mga [quotes mula sa] beauty pageants, matatawa ka, pero, 'Oo nga, no? May sense naman pala.' So may mga ganun.

"Si Barbie, medyo ditsy siya. Mahilig magsalita ng words of wisdom na medyo nagkakaroon naman siya ng sense. Mahilig siya maggagaganun na parang,,, 'Huh, ano ba yung sinasabi niya?' Pero pag naisip mo may sense naman pala yung sinabi niya," kuwento pa ni Regine tungkol sa kanyang Iskul Bukol character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung si Regine ang masusunod, gusto rin sana niyang mag-host muli sa isang TV show.

"Gusto ko mag-host. Meron akong experience with hosting because, before, I was also hosting for Wowowee when Mariel [Rodrguez] was absent. Whenever she's absent, kinukuha nila ako. So, yun, na-enjoy ko siyang maigi. Gusto kong mag-host."

WHERE THE WORK IS. Positibo naman si Regine na sa kanyang pagiging non-exclusive talent ngayon, mas magiging open siya sa paggawa ng iba't ibang proyekto sa kahit saang istasyon ng telebisyon.

"Yeah, I'm freelance right now. I did a couple of guestings in ABS-CBN. I still do guestings with them, but wala akong regular shows with them. This is my first regular show after Rubi."

Pero kung aalukin daw siya ng TV5 na maging exclusive talent nito ay iko-consider niya rin.

"Kung saan naman maraming trabaho, di ba? Saka kung saan tayo maggo-grow, why not?" sabi pa ni Regine.

Bukod siyempre sa financial na benepisyo ng pagkakaroon ng maraming trabaho, hindi rin daw makayanan ni Regine ang walang ginagawa. Aniya, hindi nga rin guarantee ang kanyang pagiging Be Bench female model-wannabe winner niya noon sa pagkakaroon ng maraming raket.

"May mga times na yung parang akala mo, pag nanalo ka na parang akala mo tuluy-tuloy na [ang trabaho]. No, it's not. Kasi ano naman ang showbiz, e, walang kasiguraduhan.

"So, may mga times na maloloka ka. Bakit wala kang trabaho? But then may mga times na papalo naman yung mga trabaho na hindi ka makapagpahinga. So, ganun talaga siya. Wala ka nga talagang kasiguraduhan.

"Minsan mababaliw ka. 'Wala akong ginagawa, ilang araw na, dalawang linggo na. Tengga ako.' But then, pag darating naman sila, 'Diyos ko, dalawang linggo rin ako walang pahinga!'" kuwelang kuwento pa ni Regine.

Wala naman daw siyang goal na kung anupaman o timeline sa career na sinusundan. Tinanong nga ng PEP kung ano na kaya si Regine Angeles three to five years from now?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Five years from now? Oh, my God, I'm gonna be 30!" biro muna ni Regine. "Pero I'll still be here, if showbiz still wants me to stay. Just as long as people want me to stay, I'll be here for them. So, there!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN